5:SSG Office

1.6K 43 2
                                    

[5:SSG Office]

-Alas' Pov-

"Oh sh*t!Sorry Alas,dumulas sa kamay ko yung ibibigay ko!"

Napatigtig lang ako kay Reese habang pinupulot ang credit card sa semento.Nung napulot nya ito ay awkward pa syang ngumiti sakin.

At talagang may gana pa sya sa pag-ngiti?I can still feel the pain of her slap.And she did that infront of the other students!This is so embarassing!

"Ms.Soriano...in the SSG office,now."madiing wika ko

Tinalikuran ko na sya at tinahak na ang daan papunta sa SSG office.Napahawi naman ang mga estudyanteng nagkukumpulan at nagsipuntahan na sa mga klase nila.

Pagdating ko sa office ay agad akong inilapag ang bag ko sa swivel chair at umupo dun.Napatingin naman ako kay Reese na nakatungo lang.

"Now,talk."utos ko sakanya

Napatingala na sya sakin ng sabihin ko yun.

"Ganito kase,yung credit card sana na ibabayad ko sa laptop mo ang isasampal ko sayo kaso dumulas e.Maniwala ka sakin,please!Hindi ko talaga yun sinasadya,Alas!Sorry talaga!"mabilis at malakas na pagpapaliwanag nya habang nakataas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa

Napakunot naman ang noo ko.She could just give it to me normally!I don't even know how her mind works.

"Bakit kailangan mo sa akin isampal?Normal people would just give it normally."wika ko at nagsalubong naman ang kilay nya

"Ganti ko lang yung 'no!Nagkasugat kaya ako nung pinatid mo ko!Di ka pa nga nagsorry,pasalamat ka nga nag-sosorry ako ngayon!"sigaw nya sakin

Napahilot ako sa ulo ko.Sa sobrang lakas ng boses nya baka marinig kami nung taong dumadaan sa labas.Saan ba 'to pinaglihi?Sa megaphone?

"I told you,i saved you that time!May paparating na sasakyan,pinatid kita para mapatigil ka sa paglalakad!"katwiran ko at lalo pang naningkit ang mga mata nya

"Normal people would just pull me away from the street normally!Bakit kailangan mo pa akong patidin?!"galit na sigaw nya sakin

Teka,diba dapat ako ang galit dito?Bakit parang binabaligtad ako ng babaeng 'to.

"Nyssa,wag ka na nga magpalusot.Nakita ko ang mga nangyari!Sinampal mo si Pres sa harap ng maraming estudyante,you deserve to be suspended!"

Sabay kaming napalingon ni Reese ng may sumigaw sa may pintuan,si Kira.Pumasok sya sa loob ng office at nagmamadaling lumapit samin.

"Pres,malinaw ang mga nangyari.Nanakit sya ng estudyante she deser--"

"Kira,this is none of your business."pagputol ko sa sasabihin sana nya

Sigaw pa nga lang ni Reese sumasakit na yung ulo ko tapos dadagdag pa ang isang 'to.

"President?"mukhang nagtataka pa si Kira sa inaasal ko

"Get out."utos ko at itinuro ang pinto

Napakunot ang mga noo nyang tumingin kay Reese bago lumabas ng office.

"Buti nga sayo,pakialamera ka kase~"rinig kong bulong pa ni Reese habang papaalis si Kira

Napaayos ng upo si Reese ng napansin nyang nakatingin na ako sakanya.Hays,ano bang gagawin ko sa babaeng 'to?Parang mas makulit pa ang Ashianna ang isang 'to e.Kung alam ko lang dapat di ko nalang pinabayaran sakanya yung laptop ko.

"Tungkol dun sa laptop n nasira mo,kahit wag mo na bayaran."wika ko at nagliwanag naman ang mukha nya

"Sure ka?!"

Sure na nga ba ako?Wait,she actually have the lowest mark among her class.Sabi ni Mr.Salumbides,kung magiging mataas daw ang grades ng buong klase,icoconsider nya rin na bigyan ako ng mas mataas na bonus points.

"Pay me on a different way."wika ko

Nagtaka ako ng napayakap sya sa katawan nya at sinamaan ako ng tingin.

"Hoy Alas!Kahit type kita di ko gagawin yun!Bata pa ko!"sigaw nya at napakunot ang noo ko

Just what kind of thoughts entered her head?

"That's not what mean,silly!I want you to study harder.Pagnakapasa ka sa lahat ng exam ngayong quarter,bayad ka na sa sinira mong laptop."paliwanag ko sakanya

Napataas ang kilay nya at matamang tumingin sakin.

"Weh?totoo?"tanong nya at tumango naman ako

"Ano,payag ka?"tanong ko

Ngumiti naman sya sakin at tumayo sa kinauupuan nya.Yung ngiti na alam mong may binabalak.

"Papayag lang ako sa isang kondisyon!"

I knew it.Napaikot nalang ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"What?"

"If you agree to become my tutor!"

Napatayo rin ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi nya.Tutor?I'm a very busy person and i don't have time for people like her.

"Pag hindi ka pumayag,hindi rin ako mag-aaral.At pag di ako nakapasa,walang kang bonus point kay Mr.Salumbides.Tama ba ko?"nakangising wika nya

She knows what i'm planning to do.Kung ginagamit nya sana yung utak nya ng ganito sa pag-aaral,edi sana okay na lahat.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sakanya.She was still smiling na para bang hindi nya ako sinampal kanina.

"Okay,fine!But just once a week!"

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon