3:Pay

1.8K 50 1
                                    

[3:Pay]

-Nyssa's Pov-

"Ayaw ko nga sabi sakanya e!"sigaw ko kay Dad

"Nyssa,para rin 'to satin.Pag nagpakasal ka kay Wade masasalba natin ang 'Jude's Mafia'.Tsaka ano pang hahanapin mo.Gwapo naman si Wade,mayaman at matalino!"wika ni Dad at lalong napakunot ang noo ko

Pinipilit nila ako magpakasal sa isang lalaki na isnng Mafia Boss.Unang-una sa lahat kahit kasali sila sa underground organization ayaw kong makialam sa mga ganun dahil alam kung delikado.Tapos ngayon gusto nila akong ipakasal dun sa Wade na yun na bata palang marami ng napatay na tao.Tsaka masyado pa akong bata para sa kasal na yan.

Yun rin ang dahilan kung bakit ako hinahabol ng mga guards ko.Tinakbuhan ko sila nung araw na magaganap ang first meeting namin ni Wade.

Napatingin ako kay Mom na tahimik lang habang nakikinig samin.

"Mom,tulungan mo naman ako kay Dad.Ayaw ko magpakasal!"pagmamakaawa ko kay Mom

"Nyssa,i think your Dad is right."

Napakuyom ang kamao ko dahil sa sagot ni Mom.

"Bakit ba di nyo ako maintindihan?!Papakasalan ko lang ang taong mahal ko!"sigaw ko sakanila

Sabihan nyo ng bastos akong anak pero di rin naman tama ang gusto nilang ipagawa sakin.Kung sila pwedeng pumili ng taong pakakasalan,bakit ako hindi?Bakit ako ang magiging pambayad nila sa utang nila kay Wade?

Pagkatapos kong masabi yun ay tumakbo na ako palabas ng bahay kahit naririnig ko ang mga sigaw nila ay hindi na ako lumingon at dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan.Habang bumibilis ang kotse ay kumakalma naman ako.

Tumigil muna ako sa isang perfume shop.Mga pabango lang kase ang pinaka-nakakapagpatanggal ng stress ko.

Bumaba ako ng kotse at pumasok na sa shop.Pumili lang ako ng konting pabango babayaran ko na sana ito sa counter ng mapansing nawawala ang wallet ko.

Sh*t!Nasaan na yun?!Naiwan ko ba sa bahay?Anong gagawin ko?Nakakahiya naman kung babalik ako dun pagkatapos ko mag-drama at mag-walk out.

"Miss,you dropped this!"

Napalingon ako sa tumawag sakin.Paglingon ko ay nakita ko ang isang magandang babae.Mukhang medyo bata sya sakin.Nakangiti pa sya sakin habang binibigay ang wallet ko.Hala,ang cute nya!

Kinuha ko na ang wallet at pabalik na ngumiti sakanya.

"Thank you!"

"You're welcome.Anyways,Ashianna is my name!"wika nya at inilahad sakin ang kamay

Inabot ko naman yung at kamay nya at nakipagkamay.

"My name is Nyssa Reese!"

Pagkatapos ko sabihin yung ay napatingin na ako sa counter dahil ako ng ang kasunod sa pila.Sumenyas ako kay Ashianna na magbabayad na ako at tumango naman sya.

Pagkatapos ko magbayad ay di ko na nakita si Ashianna.Umalis na yata kaya napakibit balikat nalang ako.

Sumakay nalang ako sa kotse ko at tumungo sa bahay ng Tito ko.

Malaki at maraming guards ang nakapaligid pero nung makita nila ako ay agad nila akong pinagbuksan ng pinto.Kilala na nila ako dahil kadalasan ay dito ako pumupunta tuwing nag-aaway kami ni Dad at Mom.

Pagkakita ko palang kay Tito ay agad ko na syang niyakap.

"Tito Elijah!"sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit

Siya si Tito Elijah.Nakababatang kapatid ng Dad ko.Gwapo naman si Tito pero kahit nasa panahon na ito para magpakasal ay wala pa akong nababalitaang may girlfriend sya o kahit anong interes sa babae.Sabi nila dati meron pero ayaw naman nila sabihin kung sino.

"Anong kailangan mo,bakit ka nandito?"tanong agad ni Tito

Napanguso nalang ako ng tanungin nya ako.

"Katulad lang rin ng dati.Nagwalk-out na naman ako."sagot ko at napailing naman sya

"They were still pressuring you about getting married?"tanong nya at napatango ako

Alam rin kase ni Tito na ipinagkasundo ako kay Wade.

Naramdaman kong ginulo ni Tito ang buhok ko at ngumiti sakin.

"Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo,piliin mo kung saan ka pinakamasaya."usal nya at nakangiti ulit akong napatango.

Wait,speaking of decisions...Kailangan ko nga pala ng pera para ipambayad kay Alas!

Pag ako di nakagraduate baka mauwi na lang talaga ako sa pagiging member ng mafia.

"Tito!Pwedeng makautang ng 300,000 pesos?"diretsong tanong ko kay Tito

Di na ako nahiya dahil barya-barya lang naman yung para sa kanya.Tsaka isa pa close naman kase e.Napansin ko na napakunot ang noo nya.

"Para saan?"tanong nya

"Basta!"sagot ko naman

Napabuntong-hininga nalang sya habang inaabot sakin yung credit card nya.Nagpasalamat ako sakanya habang mahigpit na hinahawakan ang credit card.

Humanda ka bukas,Alas.Isasampal ko sayo ang 300,000 pesos mo.

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon