[14:Moody]
-Nyssa's Pov-
Hindi ako makakain ng tuloy-tuloy dahil sa mga kinikilos ni Alas.Feeling ko impostor 'to ni Alas.
"Kumain ka lang.It's my treat."wika nya ng mapansin na napatigil ako sa pagkain
Napatango nalang ako at kumain ng spaghetti na inorder ko.
Kung sino man ang mabuting espirito na sumapi kay Alas,sana wag ka na umalis sa katawan nya.
Although it's weird,it feels nice.I wish i could atleast tease him but there's so many student around us and listening to our conversation.
Tinapos ko nalang ang pagkain ko bago pa tumunog ang bell na hudyat na tapos na ang breaktime.
Nakakainis lang dahil ang bilis ng oras.
"I'll be going to my class.You should too."wika ni Alas
Kumunot ang noo ko dahil parang bumalik yung dating malamig tono ng boses nya.Bakit ang bilis nya mag-transform?Lumayas agad yun espirito sa katawan nya?
"Okay!See you l--"
Lumayas na sya kahit di pa naririnig ang sagot ko.Napahawak nalang ako sa ulo ko.That's the real Alas that i know.
Mukhang nag-iilusyon lang ako na mabait sya kanina.Ipinagkibit-balikat ko nalang ito at umalis na rin sa cafeteria.
Pero habang tinatahak ko ang corridor ay nakasalubong kami ni Kira,the vice president.Masama ang tingin at napaikot ang mga mata nya ng makita nya ako.Napairap nalang ako dahil sa inarap.
Kung ayaw ko sakin,mas ayaw ko sayo!
Porket hindi sya pinapansin ni Alas ako pinag-iinitan nya.Sa dami ba naman ng pwedeng magustuhan bakit si Alas pa?I did a lot of work and effort just to get Alas' attention.While she can't even confess her feelings for Alas.Tapos ako ang sisihin nya kase di sya pinapansin?Kahit halata na ng lahat na may gusto sya kay Alas.
Kaya nga sya sumali sa SSG Elections para mas makasama nya ng mas matagal yung babe ko este si Alas.
Akala ko ay lalagpasan nya lang ako pero bigla syang tumigil sa harap ko at nakapamaywang pa sakin.
"Ms.Soriano,as the SSG vice president i advise you to stay away from the president.You're distracting him from his work.Imbis na nagpaplano kami sa event ay mas pinili nyang samahan kang kumain dahil sa kaartehan mo."prangkang babala nya sakin
"Bakit hindi mo sakanya sabihin yan?He was the one who insisted to eat together.Besides,he's my boyfriend so it's normal for us to have a date."sagot ko agad sakanya
Nanlaki ang mata nya ng marinig nya ang salitang 'boyfriend'.
Yeah,a big slap to your face.Baka pagalitan ako ni Alas dahil sa pinagkakalat ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.Tsaka lagi namang galit si Alas kaya okay lang.
She's always acting like she's Alas' girlfriend or something.
"Boyfriend?Pwede ba wag ka nga mag-imbento ng kwento!Nung una lapit ka ng lapit kay Alas tapos ngayon pinagkakalat mo pa na boyfriend mo sya.Mahiya ka nga!"sigaw nya sakin
Sa totoo lang lumalabas na ang tunay na ugali nya.Sa harap ng karamihan mabait at mahinhin si Kira.Para syang perfect presentation ni Maria Clara.
"Ewan ko kung bakit kailangan mong makisawsaw sa personal na buhay namin.Vice President ka lang diba?Know your place.Kung hindi ka naniniwala sa sinabi ko,then ask Alas."huling sambit ko bago lumakad na papunta sa classroom ko
Ilang minutes na akong late dahil sa Kira na yun.Napagalitan pa ako dahil wala akong naisagot sa recitation.Jusko,double kill.
Nakinig naman ako buong klase hanggang sa mag-uwian na.Kinuha ko na ang mga gamit ko at inayos na ang kalat sa desk ko.
"Nyssa girl!"
Napalingon ako ng may tumawag sakin galing sa labas ng room at nakita ko si Ashianna.Nakangiti pa syang kumaway sakin.Agad naman akong napalapit sakanya.
"Bakit ka nandito?Sinusundo mo ba kuya mo?"tanong ko sakanya
"What?Of course not.I'm actually here for you kase Mommy and Daddy wants to invite you again para maghapunan sa house namin."nakangiting sagot naman nya
Waaahh!Totoo ba?!Makikita ko ulit si Tito at Tita?Makakakain ulit ako nung luto sa bahay nila.Emeged,go lang!
"Ah s-sure.Wala naman akong plano ngayon e"pagsang-ayon ko
"Then get into the car already.Ang babagal nyo."napalingon kami parehas ni Ashianna ng biglang sumulpot si Alas sa likuran nya
Parang kabute lang?Pasulpot-sulpot kung saan.Tsaka bakit kailangan magsungit na naman ang Alas na 'to.
"You know what Kuya,we're nag-uusap kase kaya natagalan kami.You're so killjoy talaga.You should make some kaibigan para di masyadong mainit ulo mo."wika naman ni Ashianna
Oo nga.Kanina ang bait tapos bumalik na naman sa pgiging mainitin ang ulo.May mood swings ba 'tong lalaki na 'to?
"I just wanna go home.I'm really tired,right now."sagot naman ni Alas at tinalikuran kami
He's always busy at SSG event and studying.Baka pagod lang talaga sya kaya pabago-bago yung mood nya.
"Nyssa girl,i heard what happened kanina sainyo ni Kira."bulong sakin ni Ashianna
Nanlaki naman ang mga mata ko.May nakakita samin kanina?!Sabagay,sumisigaw si Kira kaya malamang may makakarinig talaga samin.
Tsaka diba laging binibigyan ni Kira ng pagkain si Ashianna?What if friends sila tapos nagalit sakin si Ashianna
"Oh sorry,i was so mean to her."
Umiling namaa si Ashianna at nagthumbs-uo sakin.
"No,it's okay.She's always acting like she was Kuya's girlfriend.She's so nakakainis.Sya nga yung nagsalita ng mga mean things to you e.Actually,dapat sinampal mo sya."wika nya bago tumakbo papunta sa kuya nya
Napailing nalang ako dahil sa sinabi nya.Hindi ko alam kung kanino nila namana yung kabrutalan pero...
Magkapatid nga sila ni Alas.
***
