2:Girlfriend

1.9K 60 9
                                    

[2:Girlfriend]

-Alas' Pov-

Napahilamos ako sa mukha ko pagkatapos kong ilapag ulit sa mesa ang sira kong laptop.

Sinubukan ko ayusin pero wala na talaga.Hindi naman sa hindi ako makakabili ng bago,mayaman naman kami kaso lang bigay yan sakin ni Mommy e.Sobrang tagal ko na yang ginagamit.

Nasa SSG Office ako ngayon.Ako kase ang SSG President ng school.Busy ako kagagawa ng plano para sa mga school events ngayong buwan.

Malapit na rin lumubog ang araw.Mukhang kailangan ko na umuwi tsaka nagtext na sakin si Mommy,nasa bahay na daw sila ni Daddy.

"Pres!"

Napalingon ako ng may tumawag sakin.Nakita ko si Kira na nakahawak sa pintuan at huminhingal pa,sya ang Vice President ng SSG.Madalas ko syang kasama dito sa Office lalo na tuwing Sports Event,School Anniversary,or School Festival.

"Akala ko di na kita maabutan."wika nya habang nilalapag ang box ng chocolate sa table ko

Gawain nya ng bigyan ako ng chocolate,isang beses kada isang linggo.

"Sumobra kase yung nabili ko kaya ibibigay ko nalang sayo."nahihiyang sambit nya

Di naman ako tanga para di malaman kung ano ang totoong dahilan kung bakit nya sakin binibigay 'to.

"Uh,thank you."maikling sagot ko

Ngumiti muna sya sakin bago tumakbo palabas ng office.

Di naman ako mahilig sa chocolates pero siguradong magugustuhan 'to ni Ashianna kaya kinuha ko nalang ito at tinago sa bag ko.

Nag-impake na rin ako ng mga gamit,nilis ang office at lumabas na dito.

Nang makarating ako sa gate ay nakita ko si Reese,yung babae na nakasira ng laptop ko.

Nakaharap sya sa cellphone nya at akmang tatawid na sa kabilang kalsada pero may rumaragasang truck lang sa may di kalayuan.

Nagmamadali akong lumapit sakanya at pinatid sya.Napigilan naman nun ang paglalakad nya pero napaupo sya sa sahig.

"Aray!"sigaw nya at napatingala sakin

"Alas?!Ano bang problema mo?Bakit mo ko pinatid?Alam kong galit ka pero babayaran ko naman ah!"sigaw nya ulit nung nakatayo na sya

Ah,she's so loud.

"I just saved your life,stupid.Next time don't use phones while crossing roads even kindergartens know that."wika ko at napangiti naman sya

Hindi ko rin alam kung bakit sya nakangiti.

"Ayieee,concern ka sakin?"nakangiting tanong nya at napakunot naman ang noo ko

Iniisip nya bang concern ako sakanya dahil lang niligtas ko sya?

"Don't think too much.Niligtas lang kita dahil kung mamamatay ka,sinong magbabayad ng utang mo sakin?"

"Edi ibabayad ko nalang yung kaluluwa ko sayo.Tutal anak ka ni Satanas."sagot nya naman sakin

Di na ako nakasagot ng tumigil na sa harapan namin ang kotse namin.Binuksan ko na ang pinto at sumakay na sa loob.

Pagpasok ko ay nandun si Ashianna.Parehas sila ni Mang Kiko na nakangiti ng nakakaloko.

"Diba sabi ko umuwi ka na agad.Bakit hinintay mo pa ako?"tanong ko agad kay Ashianna

"Wala naman kase akong kasama pag-umuwi ako ng maaga kaya hinintay nalang kita.By the way,sino yung babae kanina?"nakangising tanong ni Ashianna

Napaikot nalang ang mata ko at binato sakanya yung chocolate na bigay sakin ni Kira.

Sa pamamaraan na yung ay nanahimik na sya.Nagkwentuhan lang kami ni Ashianna hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Pagbaba namin sa kotse ay naamoy na agad namin ang adobo na paniguradong luto ni Mommy.

"Wah!Lalo akong nagutom!"sigaw ni Ashianna at dali-dali syang tumakbo papunta sa loob

Gutom parin sya?Kakakain nya palang nung chocolate ah.Nakakapagtaka talaga kung bakit di parin sya tumataba.

Pagpasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa lamesa.Mamaya na ako magbibihis dahil mahirap na,baka maubusan ako ni Ashianna.

"Wife,can you put some food on my plate?"request ni Daddy kay Mommy na agad namang sinunod ni Mommy.

Tsk,bakit kailangan nya pang isturbuhin si Mommy?Wala ba syang kamay?Si Daddy talaga di na nasawa sa pagiging pabebe.

Despite being married for over a decade,nothing changed.And i think their relationship became even stronger.But it's annoying since my Daddy always clings to my Mommy.I can't even get a moment with my Mommy.

Sapaw kase lagi si Daddy e.

"How's your day?"tanong samin ni Mommy

I was about to say 'It's fine' but Ashianna cut me off.

"Same as the other day,it's boring.Tanong nyo si Kuya Alas,mukhang exciting araw nya."wika ni Ashianna at sabay napatingin sakin si Mommy at Daddy

Bakit ako?Nananahimik ako dito.

"What do you mean?"tanong ni Daddy kay Ash

Ako rin ay naghihintay sa isasgot ni Ash.

"She was with a pretty girl earlier.Mukhang close nga sila e,introvert si Kuya kaya sobrang rare na may kausap sya lalo na kung babae.I think it's Kuya's girlfriend."sagot ni Ash

Nabulunan ako sa kinakain ko dahil sa sagot ni Ash.Nagkatinginan si Mommy at Daddy tapos humarap sakin na parehas nakangiti.

"Don't misunderstand.She's not my girlfriend."depensa ko agad pero di natinag ang malalaking ngiti nila

"It's okay.Mukha namang kaibigan mo e,let's invite her to eat dinner with us sometimes."sagot naman ni Mommy

Di na ako sumagot dahil ayaw ko ng salungatin si Mommy.Recently,she's been encouraging me to get a girlfriend.

Narinig ko ang mahihinang halakhak ni Ash habang nakatakip pa sa bibig at pinipigilang tumawa.Sinamaan ko sya ng tingin at nag-peace sign lang sya sakin.

'Ashianna,you little brat!'

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon