[6:Invitation]
-Ashianna's Pov-
"Mang Kiko,si Kuya Alas?"tanong ko agad pagsakay ng kotse
Medyo matagal kase bago matapos yung klase ko tapos kami pa yung cleaners tapos may meeting pa dahil ako ang President ng room.
"Nauna na sa mansyon.Nainip yata kaya nagpahatid na."sagot sakin ni Mang Kiko
Hmpk!Pag sya nalalate hinihintay ko sya tapos ako kunting oras lang naiinip na sya.
Bumaba ulit ako ng kotse pero iniwan ko ang bag ko sa loob.
"Mang Kiko,may nakalimutan lang ako!"wika ko bago isinara ang pinto
Naglakad ako papunta sa kabilang school which is school ni Kuya.
Pagpasok ko ng gate ay kakaunti nalang ang estudyanteng natira.Karamihan kase nagpapaganda pa bago umalis ng school.
Where is that Nyssa girl?Sana naman hindi pa sya nakakauwi.I don't know where her classroom is!
Pumasok nalang ako sa isang random door na medyo marami pang tao.Sumilip ako sa bintana at tiningnan kung nandun ang hinahanap ko.
"Pero nagulat ako nung sinampal ni Nyssa si President 'no!"
"Oo nga.Pero wala nga daw syang naging parusa e.Feeling ko may something yang dalawang yan!"
Napanganga ako ng marinig ang kwentuhan ng mga babae.Napanganga lang ako hanggang sa maging halakhak na.Kaya pala bad mood si Kuya ngayon dahil nasampal sya.
I think Nyssa and I will be friends.Gusto ko malaman yung mga techniques nya para maisahan si Kuya.Speaking of,paglingon ko sa hallway ay nakita ko na si Nyssa.
Omg,yes!
Agad akong tumakbo papunta sakanya.Sana kilala nya pa ako,nagpakilala ako sakanya nung nakaraang araw.I'm actually sure na maaalala nya ko,may makakalimot ba sa ganda ko?
"Nyssa!"sigaw ko habang nakakapit sa braso nya
Feeling close lang.Technique ko yan para maging close talaga kami.Mukhang nagulat pa sya dahil sa pagkapit ko sa braso nya.
"Wait,ikaw yung magandang babae dun sa perfume shop.Ashianna,right?"sambit nya at tumango naman ako
Bakit kailangan nya pang sabihin na maganda ako.Alam ko naman yun e.Maliit na bagay.Char HAHAHAHA!
Pero buti nalang di nya naiisip na baka magkapatid kami ni Kuya Alas.Buti nalang di ko sinabi sakanya yung last name ko.Tsaka mas kamukha ako ni Mommy tapos si Kuya Alas naman yung kamukha ni Daddy.
"What are you doing here?Dito ka rin ba nag-aaral?"tanong nya sakin at umiling naman ako
"Highschool palang ako.The school nearby is where i'm studying."sagot ko naman
"I see."
She seem gentle naman e.Malumanay magsalita,maganda,maamo ang mukha,tapos mukha ring mayaman.Di mo aakalaing mananampal sya ng tao.Correction,di mo aakalaing masasampal nya ang Kuya ko.
"May gagawin ka ba?"tanong ko sakanya
"Wala naman.Pauwi na nga ako e."sagot nya naman
Napangiti ako dahil sa sagot nya.Yare ka sakin Kuya Alas,tingnan lang natin kung hindi mo parin ako hihintayin sa susunod na mga araw.
"What about have dinner in our house?!"aya ko sakanya at nanlaki naman ang mata nya
"Nakakahiya naman,kakakilala palang natin tapos makikikain na agad ako sainyo."sagot nya naman
Wag ka nang mahiya.Close naman kayo ni Kuya e.
"No,don't worry.I don't have many friends.Kaya sabi ni Mommy pag nagkaroon ako ng kaibigan,invite ko sa bahay namin."pagpapalusot ko
Okay that was a lie.Halos lahat ng estudyante sa school ay kaibigan ko...
Mukhang naawa sya sakin nung sinabi kong wala akong kaibigan.
"Okay sige!"
Nung pumasok sya sa kotse at nagtaka pa si Mang Kiko pero sinbihan ko sya na mag-drive nalang.
For sure,magugustuhan ni Kuya ang regalo ko sakanya.
Pagtigil ng sasakyan ay nakita ko ang pagkinang ng mata ni Nyssa habang nakatingin sa bahay namin.
"Grabe,ang laki ng bahay nyo ah.Parang mas malaki pa sa malacañang!"komento ni Nyssa at napatawa nalang ako ng mahina
May mga kwento kase sakin si Mommy dati.Katulad na katulad ng reaksyon ni Nyssa yung reaksyon ni Mommy nung una nyang makita yung bahay ni Daddy.
Pinagbuksan na ako ng pinto ni Mang Kiko at bumaba na kami.
Saktong-sakto na nasa sala pang si Kuya Alas habang may kung anong ginagawa sa laptop nya.Kabibili nya nga lang nang bagong laptop e.Siguro dahil lagi nyang ginagamit kaya nasira yung dating laptop nya.
"Kuya Alas!"
Paglingon nya samin ay napakunot ang noo nya at napatayo sa kinauupuan nya.
"Owsh*t,kapatid nya si Alas?!"rinig kong wika ni Nyssa sa sarili nya
"Bakit yan nandito?Ashianna,what the---"
Di na natuloy ang sasabihin ni Kuya Alas ng lumabas na rin ng bahay si Daddy at Mommy.
Agad akong tumakbo sakanila at niyakap sila.
"Pakilala mo naman samin yung magandang babaeng kasama mo."bulong sakin ni Mommy at napangiti ako
Ramdam ko naman ang matatalim na tingin sakin ni Kuya Alas.
"Mommy,Daddy,sya si Nyssa!The one that i'm telling you...Kuya's girlfriend!"
***