[16:PTA Meeting]
-Nyssa's Pov-
Recently,Alas has been acting strange.I don't know how to say this.But he's actually showing some care.But there are times that he don't.
Feeling ko,napansin nya na kung gaano ako kaganda.
Nakapalumbaba ako habang nakatitig sakanya habang may kinakalikot ito sa laptop nya.Uwian na kase pero balak yata ni Alas na dito na sa school matulog.
"What are you staring at?"tanong nya sakin
"Wala lang.Masama na ba tumingin ngayon?!"sagot ko naman agad
Katulad nalang nito,ngayon sobrang cold nya.Kahapon sa bahay nila hindi naman.
"You're distracting me.Di ako makapag-focus."reklamo nya at napangiti naman ako at lalo pang tumitig sakanya
"Sa sobrang ganda ko,nadistract ka?"tanong ko sakanya at napakunot nalang ang noo nya
Ibinalik nya nalang ang tingin sa ginagawa nya.Napanguso nalang ako dahil para akong naging invisible.Ilang beses kong tinatawag ang pangalan nya pero hindi nya talaga ako pinapansin.
Napatayo na ako sa kinauupuan ko at lumapit sakanya.Napatingin pa sya sakin bago ko isinara ang laptop nya.
"Tama na yan,uwian na!"wika ko
Akala ko ay magpoprotesta pa sya pero nagbuntong-hininga nalang sya bago inilagay ang laptop sa loob ng bag nya.
"Di pa ako uuwi.May PTA meeting sa classroom ni Ashianna.Di makakapunta si Mommy at Daddy kaya ako ang pupunta.Ipapahatid nalang kita kay Ma---"
"No,isama mo ko!"pagputol ko sa sasabihin nya
Gusto ko makita si Ashianna,mas gusto ko sya kausap kaysa sa lalaking 'to.
"Hindi pwede,baka kung ano lang gawin mo dun."mabilis na pagtanggi nya sakin
Napanguso ako dahil sa sagot nya. Kumapit ako sa braso nya at hinila sya palabas.
"Isama mo na ko pleaseeee!"pagpupumilit ko
Nagpaawa effect pa ako.Kulang nalang tumahol ako para magmukha talaga akong cute na aso.
Kahit magkasalubong na ang kilay nya ay wala syang nagawa kundi ang tumango na lamang.
"Nakakapit ka na sakin e.Ano pa bang magagawa ko?"mahinang wika nya pa bago kami maglakad palabas ng gate ng school.
Nagtungo na kami sa kabilang school kung saan nandun si Ashianna.Pagpasok palang namin ay marami ng parents ang nakaupo.Yung iba parang mga kapatid lang rin ng estudyante.
"Nyssa Girl!"napalingon ako sa sumigaw at nakita si Ashianna na kumakaway habang tinuturo ang upuan na katabi nya.
Hinila ko na si Alas papalapit kay Ashianna.Umupo na ako sa katabi ni Ashianna at nasa tabi ko naman si Alas.
Mukhang di pa nagsisimula yung meeting dahil hindi pa dumadating lahat ng magulang.
"Ashi,anong oras na?"
Nagulat ako ng may biglang kumalabit kay Ashianna.Lalo pa akong nagulat nung makita si Priam.Shet,ang gwapo!Sa tv ko lang 'to nakikita dati e.
"Malapit na mag 5:00,the meeting will start na soon."sagot naman ni Ashianna habang nakatingin sa relo nya.
Napatango nalang si Priam at bumalik sa upuan nya.Emeged,masyado bang nakakahiya kung hihingi ako ng autograph?
"Nandito na po ba lahat?Malapit na po magstart.Ireready ko lang po yung attendance form."wika nung teacher
Napansin ko ang paulit-ulit na pagtingin ni Ashianna sa relo nya.
"Rimo,where is Kuya Percival ba?Akala ko he's attending the meeting?"tanong ni Ashianna kay Priam
Omygosh!Dadating si Percival?!Makikita ko na sya sa personal?
"Sabi nya dadating daw sya.Baka natraffic lang kaya late."sagot naman ni Priam kay Ashianna
Di ako mapakali sa upuan ko.Kahit iniisip ko palang na dadating si Percival,naeexcite na agad ako.
"Start na po tayo.Pakipasa nalang po nitong attendance form."wika ng teacher habang pinapasa ang attendance form sa unang linya
Napatingin ako sa pintuan dahil sa sinabi ng teacher.Wala pa rin si Percival.Kung di ko sya maabutan kay Priam nalang ako magpapa-autograph.
"Kanina ka pa patingin-tingin sa labas.Are you waiting for someone?"nakakunot noo na bulong sakin ni Alas
Napalingon ako sakanya habang malawak ang ngiti.
"Ah cute,seloso ka pala babe?"mapang-asar na tanong ko habang marahan kinurot ang pisngi nya
"I'm not.I'm just asking!"pagtanggi nya at umiwas ng tingin
Waaahhh,nagtatampo yung bebe ko.Gusto ko sya yakapin kaso bawal ang PDA.
"Sorry,i'm late!Traffic jam."napalingon kaming lahat sa pinto dahil sa nagsalita
Muntik na akong masilaw nung makita ko si Percival na nakatayo sa may bukana ng pintuan.
"Mr.Percival Grieco,you can seat beside your brother."wika ng teacher habang nakaturo sa upuan ni Priam
Tumango nalang si Percival at tumungo na sa katabing upuan ni Priam.
"Kaya naman pala di maalis yung titig mo sa pintuan."mahinang wika ni Alas
"Luh,hindi naman e.Ikaw kaya yung tinitingnan ko."palusot ko pa pero hindi nya ako pinansin
Kanino ba nito namana yung pagiging mainitin ang ulo?Parang hindi naman ganyan si Tita Alisha at Tito Aushi.
Buong meeting ay hindi ko maiwasang mapalingon sa magkapatid na Grieco.Gusto ko magpapicture sakanila tapos ipagyayabang ko sa kaklase ko.
"Kuya Perci!Akala ko you're not attending anymore."bati agad ni Ashianna kay Percival ng matapos ang meeting
Ako lang ba o iba yung ugali ni Ashianna kay Percival?
"Ashianna,tumangkad ka ah."Nakangiting wika ni Percival habang ginugulo ang buhok ni Ashianna
"Paano naging matangkad yan?Mukhang grade 7."pagsalungat naman ni Priam
"Shut up Rimo.You're not matangkad rin naman e."ganti naman ni Ashianna
Mukhang close na close silng tatlo.
"Ah by the way,this is Nyssa my friend!"nagulat ako ng hinila ako ni Ashianna papalapit sakanila
Ngumiti ang magkapatid sakin.Waaah,tatanawin ko na utang na loob ang ginawa mo Ashianna.
"H-hello."natatarantang bati ko
"Parang nakita na kita.Ikaw ba yung nanalo sa painting competition dati?I'm a fan of your works."wika ni Percival
Is he talking about my painting during the art exhibit?
"A-ah yes,that's me."
Magsasalita pa sana si Percival kaso bigla akong hinila ni Alas.
"Ashianna,let's go.Uuwi na tayo."wika nya
Pagkatapos nun ay mabilis nya na akong hinila papalayo.Napailing nalang ako.
Kung nagseselos ka,aminin mo nalang kase.
***
