[26:Chills]
-𝐍𝐲𝐬𝐬𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
Napasilip ako sa labas ng bintana habang tinatahak ni Tito Eli ang daan papunta sa school ko. Nagpresenta na kase sya na ang maghahatid sakin.
"Tito Eli,nagpresenta ka lang bang ihatid ako para may excuse kang bisitahin si Ma'am Cassandra sa school?"tanong ko kay Tito Eli
Mabilis syang lumingon sakin habang masama ang tingin sakin.
"Hindi ka ba magpapasalamat muna sakin?Kundi dahil sakin,anong mangyayari sainyo ni Alas?"ganti ni Tito Eli at napangiti nalang ako
"Yiieee,salamat nga pala dun Tito!"
Tumigil na ang kotse at nasa harapan na kami ng gate ng school.
"Bumaba ka na ang ingay mo."wika ni tito Eli at napanguso nalang ako
Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na ako ng sasakyan. Medyo maaga pa dahil kakaunti palang ang estudyante.
"Pumasok ka na sa classroom mo. Dadaanan ko lang si Cassandra dahil may kailangan kaming pag-usapan." utos sakin ni Tito na hindi pa makatitig sa mata ko
Sabi ko na nga ba bibisitahin nya si Ma'am Cassandra e. Dadaanan lang daw pero may nakita akong mga bulaklak sa likod ng sasakyan nya. iba talaga pag inlove.
Hindi ko nalang sya pinansin at naglakad na ako papunta sa SSG office dahil syempre nandun si Alas.
I was smiling all the way to SSG office. I still can't believe na iuurong na ni Dad yung kasal.
Sumilip ako sa pimto at nakita na si Alas lang ang nasa loob. Good thing that girl 'Kira' is distancing herself.
"Psstt!Babe!" tawag ko kay Alas
Napalingon naman sya sa pintuan at agad syang ngumiti sakin. Napansin ko na naging palangiti na si Alas ngayon hindi katulad nung dati na laging nagsusulat. Pero kahit nagsusungit parin sya minsan...ang cute pa rin na makita syang ngumiti.
"You seem to be in a good mood,you're smiling from ear to ear." komento ni Alas
Oh,yeah! Nandito nga pala ako para ipaalam sakanya yung sinabi sakin ni Dad.
"I have a good news."sambit ko habang pasimpleng umupo sa upuan na katabi nya.
He continued staring at me habang hinihintay ang sasabihin ko.
"Iuurong na ni Dad yung arranged marriage ko kay Wade.He also said he will support our relationship as long as you won't hurt me."
He looked at me with surprised face. Hinila nya ang upuan ko papalapit sakanya.
"Really?!You're not kidding right?Totoo ba?"tanong nya sakin
Nakangiti akong tumango sakanya.
"Sakto, 16th birthday ni Ashianna next week tapos balak ni Mommy imbitahan yung parents mo. Ayaw ko na sana sabihin sayo dahil ayaw kong problemahin mo pa. I didn't expect it would turn out this way. "sambit nya at lalong lumawak ang ngiti ko
Naku, sigurado akong matutuwa si Mom... Fan na fan yun ni Tita Alisha e.Buti nalang hindi ko pa sinasabi sa kanila na isang 'Han' si Alas.
"Anong bang mga pagkain ang gusto ng magulang mo?So we can atleast prepare some food that they like." tanong ni Alas
I can feel the nervousness in his voice.Masyado ba syang natakot sa Dad ko dati kaya kinakabahan sya ngayon?
"Chill ka lang, babe.I'm sure they will like everything you prepare. Hindi naman sila mapili sa pagkain."sagot ko
Hinawakan nya ang kamay ko at napabuntong-hininga.
"Sorry,i was a little nervous. Mukha kaseng hindi ako gusto ng tatay mo nung unang kaming nagkita." pag-amin nya at natawa naman ako
Kung ako rin naman ang nasa kalagayan ni Alas ay kakabahan rin ako.
Magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa cellphone ko. It was 'Wade'. Bakit tumatawag na naman ang lalaking 'to?
"Who is it?"tanong ni Alas
Ipinakita ko naman sakanya ang screen ng phone ko.He gave me a look na parang nagtataka rin kung bakit tumatawag si Wade.
Sinagot ko nalang ito at hinintay magsalita si Wade.
"Hey,i heard the news!Totoo bang inurong na ng Dad mo ang kasal?"tanong agad nya
He sounded so tense.
"Yes. Sinabi sakin kagabi ni Dad na hindi na daw matutuloy. Why do you sound so tense,isn't this a good thing for both of us?"sambit ko
No matter how i see it, this is absolutely a good thing for us.
"It is a good thing for us, but not for Dad. Kaya pala galit na galit sya sakin kahapon. Now he is totally keeping an eye on Alas."sagot nya sakin
What!?Anong bang problema nila?Bakit ba pinagpipilitan nila kami?!
Di ako papayag na idadamay nila si Alas.
"Whatever.I'm going to deal with this by myself. Basta mag-ingat kayo,lalo na si Alas. Para lang sa kaalaman mo, matagal ng kalaban ng mafia namin ang mga 'Han'. Kaya hindi sya magdadalawang-isip patumabahin si Alas. Among the three of us, Alas is the one with the most dangerous position." babala nya bago pinatay ang tawag
His last sentence sent chills to my spine.Hindi ko alam pero may hindi ako magandang nararamdaman.
***
