[18:Rejected]
-Nyssa's Pov-
"Sino ba kase yung ipapakilala mo samin?"tanong ni Mom sa kabilang linya ng telepono
Napangiti ako habang nakatitig sa classroom nila Alas.Sa wakas,makakawala na rin ako sa arranged marriage na yun.
"Basta!Surprise,bawal sabihin!"sagot ko at tumawa naman sya ng mahina
"Aabangan ko ang surprise na yan.Sige na,ibaba ko na 'to."
"Bye!"
Pinatay ko na ang tawag at sinilip ulit si Alas.Mula dito sa labas ay natatanaw ko na agad sya.Siguraduhin nya lang talaga na gagalingan nya ang pag-arte mamaya dahil kung hindi bubugbugin ko sya.
Pero kahit naman mukhang walang pake si Alas sa mga nangyayari.Magaling naman sya makisama kaya hindi na ako kinakabahan.
Ang inaalala ko lang talaga ay si Dad.Sya lang naman kase ang may gustong ikasal ako sa asungot na Wade na yun e.Si Mom naman napilit lang sya ni Dad kaya sya pumayag.
Dahil nga kasapi kami ng mafia.Natural lang na dapat akong ikasal sa isa pang mafia leader para mas lalong lumakas ang pamilya namin.
Ang complicated naman ng buhay ko.Gusto ko lang naman maging painter,ikasal sa taong mahal ko,magka-anak at mamuhay ng payapa.Kaso imposible na yata yun dahil nga kay Wade.
"Reese!"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko.Napatingala ako at nakita si Alas na nakakunot ang noo.
"B-bakit ka ba sumisigaw?"nauutal na tanong ko
"Kanina pa kita tinatawag,di ka sumasagot.You're always lost in thoughts."sagot nya naman at napanguso nalang ako
Malay ko ba?Kanina nasa loob lang sya ng classroom,ang bilis nya naman makapunta dito.
"Kotse ko ang gagamitin natin ngayon ha!"wika ko habang isinasakbit sa braso ko ang bag ko
Miss na miss ko na magdrive ng kotse.Simula nung makilala ko si Alas parang lagi nalang akong nakikisakay sa sasakyan nila e.
Lumabas na kami sa gate at dumiretso sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko.
Masaya kong binuksan ang pintuan ng kotse ko pero nung papasok na ako ay bigla akong pinigilan ni Alas.
"Why?!"naiiritang tanong ko
"Dun ka sa kabila,ako ang mgdadrive."utos nya sakin at nagsalubong naman ang kilay ko
"Ayoko nga!Marunong naman ako magdrive."tutol ko
Baka nga mas magaling pa ako magdrive kesa sayo e.
"Ako na nga...babe."
Natigilan ako dahil sa sinabi nya.Hindi ako nagkamali ng rinig diba?!Tinawag nya akong 'babe'!
Di ko na mapigilan ang ngiti ko.Kinilig ako masyado dun ah!
Kaya ba gusto nya sya ang magdrive dahil boyfriend duties yun?
"Sige na nga.Dahil tinawag mo akong 'babe' pagbibigyan kita.Lilipat na ako sa kabila...babe."pagpayag ko habang ginagaya ang tono ng pananalita nya kanina
Napaikot nalang ang mata nya dahil sa ginawa ko.Di ko nalang sya pinansin at sumakay na ako ng kotse.Binigay ko sakanya ang address at nagdrive na sya pauwi sa bahay namin.
Pagtigil palang ng kotse sa harapan ng bahay ay nakita ko na si Mom na naghihintay sa may labas ng pinto.
Nagkatinginan kami ni Alas at mukhang nakuha nya naman kung anong ibig kung sabihin.
Bumaba na si Alas sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto tsaka ako inalalayan pababa.
Good job,babe!
Mukhang alam na agad ni Mom ang surprise na sinasabi ko nung makita nya si Alas.
"Mom,sya si Alas.Boyfriend ko."
"Good evening,Maam."bati ni Alas
Wag ka na mahiya,Alas.Future Mother-in-law mo yan.
"Good evening rin.Tsaka wag ka na maging pormal,boyfriend ka naman ng anak ko.Pwede mo na akong tawaging Tita or Mom.Mamili ka nalang dun."wika naman ni Mom
Ang galing talaga ni Mom.Ganyan nga Mom,tulungan mo ko.
"Ah Tita nalang po."sagot naman ni Alas
"Tara na,pumasok na tayo sa loob!"aya ko sakanila
Habang naglalakad kami papasok ay kinalabit ako ni Mom at nagthumbs up sya sakin sabay bulong ng...
"Galing mo talaga pumili.Ngayon palang alam ko ng magiging sobrang ganda at gwapo ang mga apo ko."
Natawa nalang ako ng mahina dahil dun.Si Mom talaga,ang bata bata ko pa gusto na agad bigyan ko sya ng apo.
Pagpasok namin sa dining room ay nakita ko na agad si Dad na salubong ang kilay ng makitang lalaki ang kasama ko.
"Sinong kasama mo?"tanong agad ni Dad
Hindi sya nakatingin samin nung tinanong nya yun at hindi man lamang nya kami pinaupo.
"S-si Alas po,boyfriend ko."
Isang malakas na pagbagsak sa lamesa ang narinig ko matapos ko sabihin yun.Ibinagsak ni Dad ang kamay nya sa lamesa at tumayo sa kinauupuan nya.
"I don't care if you love each other.Break up with him.You already have a good fiancee,lahat na nasa kanya i'm sure mamahalin mo rin sya pagkinasal na kayo.Kaya layuan mo yang lalaking yan.Di ko tatanggapin ang relasyon nyo"malamig na wika ni Dad
Umalis sya ng hindi man lamang kami sinusulyapan.Napabuntong-hininga nalang ako.Alam ko naman na ganitong reaksyon ang makukuha ko e.
"B-baka nabigla lang ang Dad mo.Maiwan ko muna kayo,kakausapin ko lang sya."wika ni Mom at sumunod kay Dad
Nakakahiya naman kay Alas.Nadadamay pa sya sa family problems ko.Is it really okay to drag him here?
Bumalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang paghawak ni Alas sa mga kamay ko.
"Hey.Okay ka lang?"tanong nya sakin
Madadamy ko na naman si Alas dito kahit di nya naman talaga gustong pumunta dito.Blinack-mail ko lang sya kaya sya pumayag na magpanggap.
"Sorry..."yun nalang ang nasagot ko sakanya
"Para saan?"tanong nya at napatingin naman ako sakanya
Ano ba yan.Akala ko ba matalino ka?Bakit hindi mo alam yung dahilan kung bakit ako nagsosorry?
"Dahil pinilit pa kitang magpanggap at pumunta dito.Nadamay ka pa tuloy sa problema ko."nakasimangot na sagot ko
"Stupid.Di mo naman ako pinilit.Kusa akong sumama sayo,ibig sabihin ginusto kung magpanggap at pumunta dito.Kay ngumiti ka na dahil lalo kang pumapanget pang nakasimangot ka."
Ayan na naman sya.Di na kita maintindihan!Minsan ang sungit mo,minsan ang bait mo!You act like i'm one of you're responsibilities!You're showing care for me!Tapos ano?!After ng ilang minuto mawawala na agad?Di na talaga kita maintindihan.Dahil sa ginagawa mo lalo mo akong binibigyan ng pag-asa.
***
