[29:Chaos]
-Nyssa's Pov-
Balisa akong sumakay sa kotse, ganun rin si Mom at si Dad. Ilang minuto pagkatapos naming makita ang balita ay tinawagan ako ni Tita Alisha at pinapapunta ako sa ospital. Di mapigil ang panginginig ko kaya si Dad ang nagmaneho ng sasakyan.
"Nyssa, kumalma ka lang. Magiging okay rin si Alas." wika ni Mom at tumango nalang ako
Ayaw kong mag-alala ang mga magulang ko sakin pero nanlalamig parin ang mga kamay ko at ang lakas ng kabog ng puso ko.
Mabilis kaming nakadating sa ospital at agad kaming nagtungo sa ICU.
Sinalubong ako ni Tita Alisha ng yakap nung nakita nya ako, napayakap ako pabalik pero litong-lito parin ako sa mga nangyayari. Sarado ang pinto ng ICU kaya hindi ko makita ang nasa loob ng kwarto.
"Tita, ano pong nangyari kay Alas?" kahit kalmado ang aking pagtatanong ay hindi ko parin maitago ang pag-aalala sa boses ko
"Stable na ang lagay nya pero hindi parin sya nagigising. Comatose daw sabi ng mga doktor, hindi rin daw nila alam kung kailan sya magigising." sagot ni Tita Alisha
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko dahil sa narinig ko. Masaya ako dahil stable na ang lagay nya pero nakakapanghina nung narinig ko na pati doktor ay hindi alam kung kailan sya magigising.
Napalingon kami parehas ni Tita Alisha dumating si Tito Aushi at Ashianna habang humahangos. Kasabay rin nun ang pag labas sa ICU ng doktor.
"Kayo po ba ang family ng pasyente?" tanong nito pagkatapos lumabas ng kwarto
Tumango si Tito Aushi dahil mukhang magkakilala sila ng doktor.
"Okay na ang kalagayan nya, pwede na syang ilipat sa normal room. It's a good thing na wala nabasag sa skull nya despite his head injury. Pero dahil nga matagal bago maisugod sya sa ospital ay nawalan sya ng maraming dugo, though we already solve the problem. Tungkol naman sa pagka-comatose nya...dahil yun sa lakas ng impact sa ulo nya. Malaki ang chance na magising sya pero we really can't determined when will it be." sambit ng doctor
Yung nangyari kay Alas...posibleng hindi aksidente yun diba? Bago sumarado ang pinto ng ICU ay sinubukan kong sumilip. Gusto ko syang makita kahit saglit lang, di ako mapalagay hanggat hindi ko sya nakikita.
Bumalik ako sa wisyo nung may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko...si Ashianna.
"Nyssa girl, don't worry too much. My Kuya Alas is strongest kuya ever, i'm sure after a few days gigising na yun. He probably will miss you already kaya siguro bukas he's gising na." nakangiting wika ni Ashianna
Napangiti nalang din ako dahil sa sinabi nya sakin. They're doing their best to ease my worries. Tama si Ashianna, sigurado akong magigising agad si Alas.
After half an hour ay maayos namang nailipat si Alas sa ward. Ako muna ang nagbabantay sakanya dahil umalis para bumili ng pagkain si Tita Alisha at Ashianna habang si Tito Aushi naman ay inaasikaso ang imbestigasyon sa car accident. Si Mom at Dad naman hinayaan akong magkaroon ng oras na makasama si Alas.
Halos maluha ako nung una ko syang makita paglabas nya sa ICU...di ko mabilang ang mga aparatong nakakabit sa katawan nya.
Napaupo ako sa upuan katabi ng kama nya. Sabi nila kahit comatose ang isang tao ay naririnig parin nito ang paligid. Marahan kong hinawakan ang kamay ni Alas at hinalikan yun.
"Babe, gumising ka na. Miss na kita agad e." my voice cracks as i mutter those words
The next thing i knew is...i'm crying.
"Pag di ka nagising agad...maghahanap ako ng iba, sige ka!" dagdag ko pa
Okay lang kahit sungitan mo ko paggising mo. Okay lang kahit mas toyoin ka pa kesa sakin. Okay lang kahit sermunan mo ko buong araw. Basta imulat mo lang mga mata mo, okay na ako.
Pinunasan ko na ang luha ko ng maramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa pinto, mga nurse yata. Pagbukas ng piinto ay naroon nga ang nurse kaya lumabas muna ako.
Pagbukas ko ng pinto ay wala sila Mom at Dad na naghihintay sa may upuan. Where are they? Hinanap ko sila at nagpasikot-sikot sa ospital. Nakasalubong ko pa sila Tita Alisha dahil sa paghahanap ko sa kanilang dalawa. Sinubukan ko silang tawagan pero hindi nila sinasagot and that's weird.
"Oh why are you alone?"tanong sakin ni Ashianna
"Hinahanap ko sila Mom at Dad wala sa loob ng ospital nasa labas yata."sagot ko
"It's okay, kami na bahala kay Alas." wika naman ni Tita Alisha at napatango nalang ako
Hindi ko alam kung bakit pero nanlamig ang kamay ko at mabilis na tumakbo sa labas ng hospital. Wala sila sa labas at nung tiningnan ko ang kotse namin ay wala namang tao. Ang weird kase kung may pupuntahan sila, sasabihin agad nila sakin yun.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring ito. Si Wade! Agad ko itong sinagot.
"Nyssa! Your parents are in danger! Sinabi sakin ng mga tauhan ko na pinakidnap ni Dad ang mga magulang. I just also found out that he's the one behind Alas' car accident. Damn it! That psycho won't really stop unless we marry each other.Listen to me, wag na wag kang pupunta sa bahay namin, he's using your parents as a trap."
Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa mga naarinig ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagod at napaupo ako sa sahig ng parking lot. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.
"Nyssa?Nyssa!Are you still there?!" rinig kong sigaw ni Wade sa telepono
Napatitig nalang ako sa kawalan. Kung ito ang magiging resulta ng pagtanggi sa pesteng kasalan na yun sana matagal nalang akong pumayag. Kung ginawa ko yun dati pa...si Alas, si Mom, at si Dad, di na sana sila nadamay. Am i really that greedy?!
Tumayo ako at dumiretso sa sasakyan namin. Sumakay ako at agad isinaksak ang susi at pinaandar ito. I was driving light-headedly while staring directly at the road.
I'll do want he want just to stop this chaos.
***