[25:Princess]
-𝐍𝐲𝐬𝐬𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-
Pagkatapos namin kumain ng mga pagkain na mas mahal pa sa allowance ko ay nagpahinga muna kami.Hindi ko na kayang kumain pa dahil sa sobrang busog ko.
Oh,may nakita nga pala akong Cosmetic shop katabi ng restaurant na 'to.I want to buy a new lipstick.
"Babe,i wanna buy something at the cosmetic shop.Hintayin mo nalang ako sa kotse."wika ko
Nilabas ko na ang wallet ko sa bag at tumayo na.Napatayo rin naman agad si Alas.
"Samahan na kita."sambit nya at napiling naman ako
"Hindi na,mabilis lang na---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung hinila nya ako palabas ng restaurant
Sige,sumama ka na tutal hinila mo na ko papunta sa cosmetic shop e.Pagpasok ko ay medyo marami ang namimili sa loob.Nakuha agad ni Alas ang mga atensyon nung customer pati na rin nung mga nasa cashier.Hay,kaya ayaw kop sya isama dito dahil alam kung pagpepyestahan sya ng mga babae dito.
Dumiretso na agad ako sa lipstick display para pumili ng bibilihin ko.Gusto ko nang umalis agad dahil mga matunaw na si Alas sa tingin nung mga babae sakanya.
Kumuha ako ng dalawang kulay ng lipstick at humarap kay Alas.
"Ano sa tingin mo mas bagay sakin,yung pink or red?"tanong ko sakanya
Napatingin lang si Alas sa hawak kong lipstick at nagkibit-balikat.
"I don't know.Both of them looks good on you."sagot nya naman sakin
Napanguso naman ako.I know he wants to give me a compliment but i really need an answer.
"You're not helping at all."bulong ko at sapat na yun para marinig nya.
"Uhm,just buy all of them.The more the better,right?"suhestyon nya
Napaikot nalang ang mga mata ko.Alam kong mayaman sila pero gaano ba talaga karami ang pera nila para gumastos nang ganun kadali?
"Ano namang gagawin ko sa ganyang karaming lipstick?Masasayang lang yan.Isa lang naman ang kailangan ko."wika ko at lumipat sa kabilang section para humanap pa ng ibang pamimilian.
Habang pumipili ay napansin ko uli ang pag-ingay ng paligid.
"Hi,do you still have the color of this lipstick ba??And nagtitinda rin ba kayo ng perfume dito?"
"Yes,maam.Meron po."
Napkunot ang noo ko ng marinig ang pamilyar na boses at pananalita na yun.Napalingon ako sa counter kung saan nangagaling ang boses.
"Really?!I'll buy all of them.Ibigay mo sakin yung ilang products then just deliver the rest sa bahay namin.Here's the address."walang duda na si Ashianna nga ang nakikita ko sa counter
Damn,Akala ko magastos si Alas pero mukhang normal lang talaga sa pamilya nila na gumastos ng marami.Babalik na ulit sana sa pagpili nang bigla ulit akong mapatingin kay Ashianna dahil may nahagip akong pamilyar na tao sa tabi nya.Naka-cap at mask ito pero kilalang-kilala ko ang postura at pananamit nito.
Nanlaki ang mata ko ng marealize na si Percival ang kasama ni Ashianna.Oh my gosh,may something ba sa dalawang 'to?
Napatingin ako kay Alas nakatinngin lang sa mga naka-display at mukhang hindi nya napansin si Ashianna.Sigurado akong kukunot na naman ang noo nito pag nakita si Ashianna na kasama si Percival.
Ililigtas muna kita ngayon,Ashianna.Hindi na muna ako bibili dahil siguradong hindi namin maiiwasan ang counter.
Kumapit ako sa braso ni Alas at napalingon naman sya sakin.Sinigurado kong natatakpan ko ang direksyon nila Ashianna.
