9:Hades

1.5K 41 0
                                    

[9:Hades]

-Nyssa's Pov-

Nasa bahay ako ngayon ni Alas dahil nga tutor ko sya.Sayang nga wala si Ashianna,sana may kausap ako.

Napatingin ako kay Alas na pirming nakaupo sa sofa at busy kapipindot sa laptop nya habang ako ay pinagsasagot nya.

Napasipol nalang ako dahil sa sobrang tahimik ng paligid.

"Stop.You're noisy."saway agad sakin ni Alas kaya napatigil ako

Ang sungit naman ang aga-aga tapos nakakunot na agad yung noo.Feeling ko maagang tatanda si Alas,parang laging stress na stress sa kahit anong bagay.

"Alas,breaktime muna tayo.Sumasakit na ulo ko sa mga 'to.Tsaka wala akong maiintindihan pag walang laman yung tyan ko!"reklamo ko kay Alas habang nakahawak sa tyan ko

Hindi nya ako tinapunan ng tingin at nagapatuloy lang sa pagpindot sa laptop nya.

"5 minutes palang ang nakakalipas simula nung pinagsagot kita.Wag ka nang magreklamo,ikaw ay may guto nito diba?"

Napanguso ako dahil sa sagot nya.Parang akong papalubog na sa sofa na inuupuan ko.Sobrang boring!Tsaka 5 minutes palang yun?Akala ko 5 hours na akong nakaupo!

Kung alam ko lang na ganito pala ka-strict si Alas sa pagiging tutor edi sana di ko nalang syang tutor,dapat jowa nalang!

Itinigil ko ang pagsusulat at inilapag ko sa coffee table ang mga papel bago lumapit kay Alas.

"I-tour mo nalang ako sa bahay nyo."suggestion ko

"No."mabilis na sagot nya

Ouch.Wala ka na bang pake sa feelings ko?

"How about kwento mo sakin lovestory ng parents mo?"suggestion ko ulit

"No."mabilisan nya ulit na sagot

Dun ko na sya sinamaan ng tingin.Pero kahit pa titigan ko sya ng masama ay hindi sya natinag dahil nakatuon ang buong atensyon nya sa laptop nya.

"Whatever!Can you just tell me,where the bathroom is?"tanong ko nalang

Kanina pa ako naiihi e!Ang breaktime lang yata dito ang ang pag-ihi.Walang kain-kain.Hindi yata 'to tutor,torture yata itong napasukan ko.

"Go to the dining area then turn left,that's the bathroom."sagot nya sakin

Ano ba yan.Hindi man lamang ako sasamahan.Napakasama mo Alas huhuhu!

"Hmpk!"

Nag-inarte ako ng matindi.Padabog akong naglakad papunta sa banyo.Bawat lakad ko ay malakas ang tunog.Pero hindi ko malakas na isinara ang pinto ng banyo dahil nga baka masira ko!Yare ako kay President Han.

Yun na nga umihi na ko dahil sasabog na yung pantog ko.Pagkatapos ay bumalik naman agad ako sa living room kung saan ako nag-aaral kanina.

Pagbalik ko ay hindi ko na makita si Alas.Nasa kwarto nya yata.Nagkibit-balikat nalang ako.Babalik na sana ako sa upuan ko ng mahagip ng mata ko ang laptop ni Alas.Bakit nya naman iniwan ang laptop nya dito?

Bukas ito,at nung tiningnan ko ang nilalaman ay nanlaki ang mata ko.

Hindi ba ito yung writing community kung saan aka lagi nagbabasa ng story?Mahilig din dito si Alas?

Napatingin ako sa account ni Alas at lalo akong napanganga sa nakita ko.

Siya si Hades?!Yung author ng killing series?!Omygod!Idol na idol ko yun e!

Pinicturan ko muna ito.Ipagyayabang ko lang sa mga kaklase ko na kilala ko si Hades.

"Reese,i brought some snacks so stop complaining about--"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Alas na pababa ng hagdan.May hawak syang tray na may mga pagkain.Pero nakakunot ang noo nya dahil siguro naki-usisa ako sa laptop.

"Who told you to peek into someone's laptop?"kunot noo nyang tanong at agad na isinara ang laptop nya.

"Alas,di ko sinasadya promise!Napatingin lang ako.Hindi ko naman alam na ikaw pala si Hades e.Idol kaya kita!"mabilis kong sagot

Mnghihingi nga ako ng autograph.

"Forget it.Hindi ako si Hades."wika nya

"Anong pinagsasabi mo.Ikaw si Hades!Hindi naman ako bulag,nakita ko yung account mo."pagsalungat ko sakanya

"Just forget it.Wala dapat makaalam nito."wika nya na may pagbabanta

Ayaw nyang may makaalam na sya si Hades?

Parang may light bulb na umilaw bigla.May naisip na akong ideya.Wala ka nang kawala sakin,Alas.

"It's okay.Magaling naman ako magtago ng sekreto.Pero sa isang kondisyon..."

Nagsalubong ang kilay nya ng marinig ang huling pangungusap ko.

"What?"

"Magpanggap kang fiancee ko."

Nakangisi pa ako sakanya.Nagulat ako ng ngumisi rin sya pabalik.

"Hell,no."

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon