27: Birthday

1.2K 39 0
                                    

[27:Birthday]

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

"Kuya,aattend ba si Nyssa girl?"tanong sakin ni Ashianna habang paikot-paikot sa harapan ng salamin at tinitingnan ang suot nyang gown.

Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay nyang araw. Ang 16th birthday nya. Sobrang pinaghandaan rin  ni Daddy ang birthay ni Ashianna,  pakiramdam ko nga naubos yung pera sa bank account ni Daddy.

"Ah that's right. Nasaan na pala sila?"tanong naman ni Mommy

She seems so excited about meeting Reese's parent.

"They're on their way."sagot ko sakanila

"Daddy, is it bagay ba?"tanong ni Ashianna kay Daddy

"Of course you look so beautiful, mana ka sa Mommy mo e."

Napatingin naman ako kay Ashianna. Dati kasingliit lang sya ng teddy bear ko tapos ngayon she is almost as tall as my mom. I still can't believe na may nagbabalak na manligaw sa kapatid ko. Kailangan ko na talaga mag-ingat lalo na sa magkapatid na Priam at Percival na yun. Kahit may tiwala ako kay Priam, di parin dapat ako magpakampante.

"How about you,Kuya?Do i look good?" baling sakin ni Ashianna

Magsasalita na sana ako ng may pumasok sa pintuan.

"Happy Birthday,Asha. Ang tanda mo na!" bati agad ni Priam pagpasok nito sa pinto

Ang ingay talaga nang isang 'to. Kasama nya si Percival na nakangiti lang kay Ashianna.

"Excuse me, i'm still bata pa kaya! Not like you, magkasing-edad lang tayo pero mukhang ka ng matanda."sagot naman ni Ashianna

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito at nakita ang text sakin ni Reese.

"Nasa labas na daw ng bahay sila Reese." anunsyo ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko

Ganun rin sila Mommy,balak siguro nila salubungin ang mga magulang ni Reese.

Inayos ko pa ang muna ang suit ko bago ako lumabas sa pinto. Sumunod naman lahat sila sakin at nagtungo na kami sa front door. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Reese. She was holding a gift and behind her was her parents and her uncle.

"Happy Birthday,Ashianna!" nakangiting sabi pa ni Reese

"Thank you, Nyssa girl!Omg, you're so pretty."

Napangiti sakin si Reese, napangiti nalang rin ako pabalik at napabaling sa mga magulang nya. Tinago ko ang kaba ko at inabot ang kamay ko sa Dad nya.

"Welcome po, Tito." sambit ko

Napatingin pa muna sya ng ilang segundo sa kamay ko bago sya nakipagshake-hands sakin. Alam kong sobrang lamig na ng kamay ko dahil sa kaba.

"Salamat."

Bumaling naman ako kay Tita nakipagkamayan rin sakin. Napatango naman sakin ang Tito Elijah nya.

Pagkatapos nun ay isa-isa silang binati ni Mommy.Syempre, nagulat sya na makita ang Tito ni Reese na kababata nya. Napatingin sakin si Daddy at bumulong sakin.

"Bakit di mo sakin sinabi na Tito pala ni Nyssa si Elijah?! Paano kung sumama lang yan dito para agawin yung wifey ko?!"

Napaikot nalang ang mata ko. bakit ba lagi nyang iniisip na laging aagawin sakanya si Mommy. Hindi parin sya nagbabago, napakaseloso.

"Daddy, calm down. He has a girlfriend already. Tsaka tingin mo ba magpapaagaw si Mommy? Don't be so paranoid."bulong ko rin

Nagpakilala rin si Daddy at pagkatapos nun ay nagpadesisyunan nila na magkwentuhan muna habang hindi pa nagsisimula ang party. This is gonna be along night, i guess.

-------

-𝐍𝐲𝐬𝐬𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napangiti ako habang tinitingnan sila Mom at tita Alisha na masayang nag-uusap. Tinago ni Mom ang pagkagulat nya ng makita si Tita Alisha kanina.

"Babe."

Napalingon ako kay Alas na may inaabot saking isang baso ng juice. Kinuha ko naman yun sakanya at agad itong ininom. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Alas nung kinuha ko sakanya yung baso.

"Lamig ng kamay mo ah. Halatang kabado ka." komento ko sabay tawa ng mahina

Napailing nalang sya at hinawakan ang kamay ko.

"Normal naman siguro yun. Syempre, tatay mo yun kaya gusto ko maganda ang impression nya sakin." sagot nya naman

Napangiti nalang ako at marahang pinisil ko ang pisngi nya.

"Ang cute mo, babe." bulong ko

Maglalandian pa sana kami pero natuon ang atensyon namin kila Tita Alisha dahil sa lakas ng tawa nila. Mukhang nagkakasundo naman silang dalawa.

"Feeling ko mas cute pag kambal, isang babae tapos isang lalaki, tapos yung isa kamuha ni Alas yung isa kamukha ni Nyssa."rinig kong wika ni Mom

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mom. What are they talking about?

"Those two should probably get married." dagdag pa ni Tita Alisha

Married?! 21 years old palang kami,hello?

Nagkatinginan kami ni Alas pero kaiba sa reaksyon ko...nakangiti sya sakin.

"That is actually a good idea. What if magbago isip ng Dad mo tapos---"pinutol ko na agad ang sasabihin ni Alas

"Tigilan mo nga ako. Bata pa tayo, tsaka nag-aaral pa tayo 'no!" sambit ko

Kahit matagal na kitang gustong pakasalan, gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral. Pero kung pipilitin mo ako edi sige papayag na ako. Charot!

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon