17:Call me Babe

1.4K 45 0
                                    

[17:Call me Babe]

-Alas' Pov-

Patingin-tingin ako sa orasan ng classroom namin habang pinapaikot ang ballpen ko sa aking mga daliri.

It's been 12 minutes after the bell rings.Where is she?

"Pres,di ka pa ba kakain?Sumabay ka na samin papunta na kami sa cafeteria!"aya sakin ng mga kaklase ko

Umiling ako at binalik ulit ang tingin sa orasan.Hindi ako mapakali sa upuan ko kay nagpasya na akong tumayo para pumunta sa classroom nila Reese.

I don't know what's with me recently but i'm not comfortable when i can't see or hear Reese.Siguro nasanay na akong nasa tabi ko sya kaya naninibago ako pag wala sya.Naiirita rin ako pag bigla nalang sya nawawala sa paningin ko.

Natatanaw ko pa lang ang classroom nila Reese ay napansin ko na agad ang ilan sa mga kaklase nya na lumalabas para kumain.Nasaan na kaya yun?Don't tell me,kumain sya mag-isa?

Nung sumilip ako sa pinto ng classroom nila ay nakita ko sya sa upuan nya habang abala sa sinasagutan nyang papel.Anong ginagawa nya?Parang sya nalang ang nagsasagot?

"Oh Pres,si Nyssa ba hanap mo?"tanong ng isang kaklase nya sakin na papasok na sana sa loob

Napatango naman ako sakanya.Pumasok na sya sa loob ng classroom pagkatapos nun.

"Nyssa!Nandyan si Pres,hinahanap ka!"sigaw nito at karamihan ng tao sa loob ay napalingon tuloy sakin

Napasapo nalang ako sa noo ko.Pwede nya namang sabihin nalang kay Reese,bakit kailangan pang isigaw?

Lumingon sa kinaroroonan ko si Reese at napangiti agad sya ng makita ako.Iniwanan nya ginagawa nya at lumapit sakin.

"Babe!Miss mo na agad ako?"nakangiting nya tanong

Di ko nalang pinansin ang sinabi nya.

"Let's eat now.Baka maubusan na tayo ng upuan sa cafeteria."wika ko at napatango naman sya

"Wait,kukunin ko lang yung sinasagutan ko!"

Mabilis nyang hinablot ang papel na sinasagutan nya at bumalik agad sa pwesto ko.

"Tara na,babe.Kanina pa ako nagugutom."hinila nya ako habang nakakapit sya sa braso ko,nagpahila nalang ako.

Kanina ka pa pala gutom pero mas inuuna mo pa yung papel na yan.

Nung makarating kami sa cafeteria ay umorder na ako ng pagkain habang si Reese naman ang naghahanap ng uupuan namin.

Pagdating ko sa table namin ay abala na naman sya sa ginagawa nya.Di ko na tuloy maiwasan ang pagkunot ng noo ko.

"Reese,mamaya na yan.Kumain ka na muna."wika ko habang kinukuha ang papel na sinusulatan bago ko inilapag ang tray ng pagkain.

Napatingin ako sa papel at wala akong nakita kundi numbers at malalaking ekis may mga drawing din na kung ano-ano.

"Ano ba kase 'to?"tanong ko sakanya

"Di ko kase ma-gets yung lesson namin sa math e.Alam mo naman na malapit na ang examination."sagot naman nya habang kumakain

Napatingin ulit ako sa papel nya.Lahat ng solution na ginamit,mali!At kalahati ng papel na 'to puro drawing ang laman.Hindi talaga sya makapagpokus pagdating sa pag-aaral.

Hindi ko na rin kase natuloy yung pagtutor ko dahil nga sobrang busy ngayon sa Student Council.

"I'll give you my notes for this.Pwede mo yun aralin pag free time."wika ko at napatingin naman sya sakin

"Talaga?!"di makapaniwalang tugon nya

Ganun ba talaga ka-surprising yung sinabi ko?Mukha ba akong madamot?

"Alam mo Alas,napapansin ko lang.Mas bumabait ka na sakin.Tapos ngumingiti ka na rin sakin.Malaking improvement yan ha."komento nya

Ako?Anong ibig sabihin nya sa 'bumabait'?Masama ba ako?

Tsaka ngumiti ako nung time na nandito yung tito nya au dahil ang tamlay nya tingnan.Hindi ako sanay na hindi sya nangungulit at nag-iingay.

"By the way,balak kitang isama sa family dinner namin.Para naman makilala ka ni Dad at Mom tsaka para narin bawiin na nila yung arranged marriage na yun."sambit nya

Oh,this would be the first time i'm meeting her parents.She rarely talks about her parents so i'm curious.

"Anong kailangan kong gawin?"tanong ko

"Isa lang,tawagin mo kong 'babe'."sagot nya sakin

Eh?

"No way.Is that even required?"mabilis na sagot ko

Ang cheesy pakinggan.

"Oo,required yun!Try mo lang!Ang baduy naman na magjowa tayo pero names natin ang tawag natin sa isa't isa!"pagpupumilit nya

Wala akong ganang napatingin sakanya at nakangiti pa sya habang pinipilit ako.

"Babe."

"Ano ba yan!Walang emosyon,sinong maniniwala satin nyan?Isa pa babe,gusto ko yung sweet!"reklamo nya at napaikot nalang ang mga mata ko

Sweet?Mukha bang alam ko kung paano gawin yun?!

Di ko alam kung bakit ako sumusunod sa mga sinasabi nya pero pagbibigyan ko nalang.

"B-babe..."nauutal pa na sabi ko

"Awww,nahihiya ka ba babe?HAHAHA cute mo!"

"Tss,bahala ka na nga dyan.Ayaw ko na."singhal ko

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Ito naman,galit agad.Isa nalang please!Di ako tatawa,promise!"pangungulit pa nya pero di ko nalang pinansin

It's not even a requirement.She just want to hear me call her 'babe'.This little brat,di na ako magtataka kung bakit magkasundo sila ni Ashianna.

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon