4:Epic Fail

1.6K 43 1
                                    

[4:Epic Fail]

-Nyssa's Pov-

Halos madapa ako palabas ng bahay dahil excited na excited ako para pumasok sa school.

Muli ko pang tiningnan ulit ang wallet ko para masigurado na dala-dala ko parin ang credit card.

Masasampal ko na rin si Alas,ganti ko lang yun dahil sa pangdadapa nya sakin nung nakaraang araw.Nagkasugat kaya ako nun sa tuhod.

Well,hindi ko naman sya sasampalin talaga e.I'll just slap him using the credit card,it won't hurt since this card is just light as feather.

Pumasok na ako sa sasakyan ko at as usual tatakbuhan ko na naman yung mga nakabuntot sa akin na guards.

Buti nalang talaga expert ako sa pagdadrive.Siguro na rin dahil lagi ko silang tinatakbuhan kaya nasasanay na ako.

Bago pa man makalapit sakin ang mga bodyguards ay agad ko nang pinaandar ang sasakyan ko.Nakita ko naman na sinisundan parin nila ako gamit ang isa pang sasakyan.

Hindi muna ako dumiretso sa school at pinaikot-ikot kouna ang kotse ko sa iba't ibang ruta hanggang sa tuluyan ko na silang mailigaw.

Just so i thought na wala nang makakapang-bwisit sakin ay may natanggap akong tawag sa cellphone ko.Kahit unknown number ay sinagot ko parin.

Nagpokus na ulit ako sa pagdadrive

Hindi muna ako sumagot at hinintay muna ang kabilang linya sa pagsagot.

Ilang segundo ang lumilipas ay tanging paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya.Kung hindi sya magsasalita aba,lalong hindi rin ako magsasalita.Bahala sya,pataasan kami ng pride dito.Kahit maubos load ko hinding-hindi ako ang unang magsasalita.

Inilagay ko ulit ang atensyon ko sa kalsada.Ilang kotse na ang nalagpasan ko ay di parin sumasagot ang tumawag sakin.Kung na-wrong number sya dapat man lang patayin nya na!

"Hello?!Sino ka ba?Kung wala ka namang ganap sa buhay ko at na-wrong number ka lang papatayin ko nalang yung tawag kaysa nagsasa--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng tumawa ang nasa kabilang linya.Lalaki ang tumatawa,mahina lang ito na para bang may nakita syang nadapang bata.Luh,baka psychopath 'to ha.

"My future little wife is really funny."

Napakunot ang noo ko ng mapagtantong si Wade ito.Di ko pa sya nakikita sa personal at sa pictures ko lang sya nakikita,ngayon ko lang din narinig ang boses nya.

Okay i'll admit he's handsome and his voice fits his face.I'll be brutally honest,HE'S SEXY!but he kills people so there's no way i'll marry this man.

"Little wife,my ass!Hinding-hindi ako papakasal sayo,gag*!"nanggigigil na sigaw ko bago ko pinatay ang tawag

Naibato ko pa sa upuan ng sasakyan ang cellphone ko dahil sa sobrang galit.

Nang makarating na ang sasakyan ko sa school ay huminga muna ako ng malalim para kumalma at mawala ang galit ko.Ang saya-saya ko pa man din kanina tapos sisirain lang nung bwisit na Wade na yun.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nakasalubong ko si Ms.Sheena Pireo,subject teacher namin sa Math.Close kami kase super bait nya pero may pagkamataray depende sa taong kaharap nya.Ganda rin nito,kung lalaki lang ako liligawan ko si Ms.Sheena.Lagi rin syang nasa SSG Office dahil sya ang adviser nila dun.

"Ms.Sheena,si Alas po ba nasa SSG Office na?"tanong ko sakanya

"Wala pa e,pero kakakita ko lang ng sasakyan nila kanina sa kabilang school.Baka parating na rin yun."sagot naman sya at napangiti naman ako

"Mauna na ko,Ms.Sheena!Byeeee!"wika ko at patakbong pumunta na sa front gate

Sumasang-ayon talaga sakin ang tadhana.Tingnan mo nga naman kung sino ang nakikita ko ngayon.Nakapasok na si Alas,at pinapaligiran pa sya ng mga estudyanteng nagbubulungan.Di ako nainform na half student,half anak ni satanas at half celebrity pala si Alas.

"ALAS!"

At dahil bida-bida ako ay malakas na isinigaw ko ang pangalan ni Alas dahilan para mapatingin sya sakin pati narin ang ibang mga estudyante.

Patago kong kinuha ang credit card ko sa wallet at naglakad papalapit kay Alas.

Nakakunot lang noo nito at para bang iritado sa lahat ng bagay na nakikita nya.

"What now?"tanong nya

Inangat ko na ang kamay ko kung saan nakalagay ang credit card ko.Ang epic siguro nito kung didikit sa pisngi nya yung credit card.

Bumwelo na ako at isinampal sakanya ang credit card.

"Omygod,bakit nya sinampal si President?"

"Oo nga.Wala naman syang ginagawang masama"

Eh?

Nanlaki ang mata ko ng makita ang credit card na nasa semento.At napatingin ako sa kamay ko nakadikit sa pagmumukha ni Alas.

Nahulog yung credit card nung itinaas ko yung kamay ko at yung kamay ko yung mismong nakasampal kay Alas!Kaya nagmukhang sinampal ko sya at mukhang nalaksan ko dahil kita ko ang bakat ng kamay sa mukha ni Alas.

Napaatras ako ng makita ang mga tingin sakin ni Alas.Ramdam mo yung galit nya kahit nakatingin lang sya sayo.

Wala na akong malunok na laway dahil natuyo na ang tubig sa katawan ko dahil nag-aapoy na sya sa galit.

Sh*t,ayaw ko pang mamatay.Someone please help me.Magpapakabait na ko,please!

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon