19:So what

1.3K 48 4
                                    

[19:So what]

-Nyssa's Pov-

Hindi na bumalik si Dad sa hapag-kainan.Sinabi sakin ni Mom na baka nagulat lang daw si Dad sa mga nangyayari kaya nya nasabi yun.Kahit alam kong nagsisinungaling si Mom ay sumang-ayon nalang ako.Ayaw kong mag-alala rin sya sakin.

"Reese,do you want to go somewhere?"napatingin ako kay Alas

Go where?Wala na akong ganang gumala.

"Saan naman yan?"tanong ko

Nagkibit-balikat lang sya na para bang sinasabing 'secret'.Bakit tuwing malungkot ako tsaka naman bumabait itong si Alas?

Napatango nalang ako tsaka tumayo sa kinauupuan ko.Minsan lang mag-aya si Alas kaya sasama na ako.Tsaka isa pa,kailangan ko rin magpahangin.

Sumakay na kami sa kotse at dahil nga hindi ko alam kung saan kami pupunta,si Alas ang nagdadrive.

Di ko maiwasan ang mapatitig kay Alas habang nagmamaneho sya.

Ngayon ko lang naisip 'to pero ano ba talaga kami?

Alam ko sa sarili ko gusto ko si Alas.And it's obvious!

Pero para kay Alas,ano ba ako sakanya?Pwede nya naman akong iwan at umuwi na dahil tapos na yung pagpapanggap namin.Instead,he's taking me somewhere.He can ignore and reject me anytime but he didn't.Suplado si Alas pero ramdam ko na may pakialam sya sakin.At alam ko na aware sya sa nararamdaman ko sakanya.

Minsan naiisip ko kung,nagpapanggap parin ba kami?

"Reese..."

Bumalik ako sa realidad ng tawagin ni Alas ang pangalan ko.

"Why?"

"Wag mo nang isipin yung nangyari kanina.Mas lalo kang pumapanget tuwing nakasimangot ka."sagot nya sakin

Hindi naman yung nangyari kanina yung iniisip ko e!

"Tawagin mo nalang akong 'babe' para ngumiti ulit ako."wika ko

Saglit syang tumingin sakin at binalik ang tingin nya sa kalsada tsaka umiling.

"Damot mo,babe."

Nagsusuplado na naman sya.Parang everyday yata may dalaw 'to e.

Tumigil kami sa isang park.Maingay ang paligid dahil karamihan puro bata ang naglalaro sa may playground.

"May pasecret-secret pa,sa park lang pala tayo pupunta."bulong ko bago bumaba ng kotse

Umasa pa naman ako na may surprise sya sakin.Pero ano pa bang aasahan ko sa lalaking walang sweetness sa katawan.

Lumiwanag ang mukha ko ng makita si Manong na nagtitinda ng fishball.Gutom na gutom na ako dahil hindi kami nakakain sa bahay.

Agad akong humawak sa braso ni Alas.

"What?"tanong nya at lumingon sakin

Ngumuso ako at tinuro si manong na nagtitinda ng fishball.

"Babe,bili tayo nun!Nagugutom na ko e."wika ko

Wait,kumakain ba ng fishball si Alas?E diba hindi mahilig sa streetfoods ang mga richkid.Bahala na nga!

Hinila ko nalang si Alas at nakipagsiksikan sa mga bumibili.Bumili ako ng para saming dalawa ni Alas pero kung ayaw nya,okay lang matakaw naman ako sa fishball e.

Bakit kaya ang daming tao dito?Malapit na gumabi pero puno parin ng tao ang park.Siguro dahil dinagdagan nila ng dekorasyon at mga pailaw ang paligid.

Paglingon ko kung saan ko iniwan si Alas ay hindi ko na sya makita.Saan yun pumunta?Naglakad ako papunta sa iba pang bench dahil baka lumipat lang sya ng pwesto.

Maraming tao at dahil gabi na ay madilim na ang paligid ay nahihirapan ako sa paghahanap.Napakunot ang noo ko ng may makabangga sakin isang lalaking naka-hoodie at facemask.Muntik ng matapon lahat ng fishball na hawak ko.

Yung sauce ng fishball ko nasayang lang!

"Miss,sorry!"

Napaangat ako ng tingin sa nakabangga sakin.Yung boses na yun ay nangggaling kay Pecival!

"Oh,you're Nyssa right?"

Halos mapunit ang labi ko sa lawak ng ngiti ko ngayon.Naalala nya yung pangalan ko,sheyt!Waaaaaaahhhh!

"Yeah,b-bakit ka pala nandito?Maraming tao dito baka pagkaguluhan ka."babala ko

"It's okay.May shooting kase kami dito sa park kaya maraming pumunta para manood."sagot nya naman at napatango ako

Kaya pala sobrang dami ng tao ngayon.

"How about you,why are you here?Ikaw lang ba mag-isa dito?"pabalik na tanong nya sakin.

Nakakahiya namang sabihin na iniwan ako ng kasama ko dito.

"No,she's with me."napalingon ako ng may magsalita sa likuran ko

Alas!

"Oh Alas,ikaw pala.So,kasama nyo rin si Ashianna ngayon?"tanong muli ni Percival

Naramdaman ko ang paglagay ni Alas ng kamay nya sa baywang ko.Napatingin naman si Percival sa kamay ni Alas tsaka napatango.

"Paano ba yan mauuna na ako,mukhang naistorbo ko yata yung date nyo.See you next time!"

Napakaway nalang ako habang naglalakad sa palayo.Tumingin ako kay Alas na may hawak na dalawang bote ng inumin.

"Bumili lang ako ng maiinom natin tapos bigla ka nalang nawala,babe."nakangiting wika ni Alas habang inaabot sakin ang inumin na binili nya

Pinagdiinan nya talaga yung salitang 'babe'.Kahit nakangiti sya ay ramdam ko ang pagkainis sa boses nya kasabay pa ng matatalim sya tumingin.

Kadalasan cute si Alas tuwing nagseselos,pero this time natatakot na ako.Kailangan kong magjoke para mabawasan yung tensyon.

"Babe,selos ka na naman.Umamin ka nalang kase na mahal mo na ako."biro ko

"So what if i really love you?What are you going to do?"

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon