32: Thankful

1.5K 37 0
                                    

[32: Thankful]

-Nyssa's Pov-

"Alas, are you sure you can drive this." tanong ko kay Alas

If he got into another accident again, ako mismo ang mag-uuntog sakanya sa pader.

" Babe, if you don't wanna fall... hug me tight." nakangising sabi nya sakin bago pinaandar ang motor nya.

Minsan talaga chansing rin 'to e. Why is he being so flirty at the wrong time ang getting moody at the right time. I really can't understand this guy.

 Dahil gusto ko rin naman, i hugged him tightly. Ang bango nya, amoy ospital. Naputol ang mga sandaling yun ng bigla nya paandarin ng mabilis ang motor. Pakiramdam ko humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko.

I slapped his back gently.

" Bagalan mo lang! Pag talaga naaksidente ka pa, babatukan na kita." sigaw ko kay Alas  dahil baka hindi nya ako marinig

Wala akong nakuhang sagot kundi isang mahinang tawa. Mukha bang nakakatawa 'to?! Nagtaka ako kung bakit wala kaming nakikitang guards nung dumaan kami sa main gate. Weird?

"Babe, what happened to the guards?" tanong ko sakanya

"Ask your uncle about it." sagot nya sakin

Tito Eli? Nailabas na ba ni Tito Eli si Mom and Dad?

"Teka, saan tayo puputa ngayon?" tanong ko ulit

I don't have the key to our house.

"Sa bahay namin. Dun rin nila dinala ang Mom at Dad mo."

So, they're safe. That's good.

He slowed down a little nung lumihis kami ng daan. Napansin ko rin ang madalas na pagtingin nya sa side mirrors.

"Babe, is there something wrong?"

Hindi nya ako sinagot agad at naramdaman ko ang kaunting pagbilis ng motor.

"May sumusunod sating kotse, wag kang lilingon. Hindi dapat nila mahalata na napapansin natin sila." wika nya at nanlamig ang kamay ko

May sumusunod samin?! Is it Wade's Dad? Alas takes a different route to confirm if the car is really following us. Pero patuloy parin ang pagsunod nito  samin.

"Alas, anong gagawin natin?" kabadong tanong ko

"Don't worry. Sinend ko na yung location natin kay Daddy baka mamaya nandito narin sila." sagot sakin ni Alas

Nung napatingin ako sa side mirror ay napansin ko na lumalapit na samin yung kotse. Napahigpit nalang ang kapit ko kay Alas dahil dun.

Napasigaw  ako ng marinig ang putok ng baril na galing sa likuran namin. Napamulat ako ng mata nung makarinig ako ng malakas na pagsingaw ng hangin. Natamaan yung gulong namin!

Nagulat ako nang imbis na itigil ni Alas ang motor ay inilihis nya ito para  haraangan ang kotse. Bigla naman kaming iniwasan nung kotse at bumangga ito sa gutter. 

Sabay kaming bumaba ni Alas sa motor. 

"Are you hurt?" tanong nya sakin

"No." sagot ko sakanya

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nung biglang may lumabas sa kotse. Walang iba kundi ang tatay ni Wade. May dugo na  tumutulo sa mula sa ulo nito dahil  sa pagkakabangga. Kahit ganun hindi nya parin binibitawan ang baril nya habang  nakatutok samin. 

Agad  akong hinarangan ni Alas. 

"Masyadong matigas  ang ulo mo, Nyssa. Binalaan na kita diba?" wika ni William

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Ang kapal ng mukha nyang takutin ako gamit ang pamilya ko at si Alas.

"Anong gagawin mo ngayon ha? Marami na akong pinatay na tao, kaya wag nyong isipin na  hindi ko kayo kayang patayin." natatawang sambit nito

Sa pagkakataong 'to wala kaming pwedeng ipanglabaan sakanya kundi ang mga kamay at paa namin. Kung meron lamang  kahit bato o matitigas na kahoy sa paligid na pwedeng gamitin. Nanlaki ang mata ko nung may naalala ako bigla.

I have a gun in my pocket!  

Hindi ko ipinahalata kay William ang naiisip ko at kusang tumago  sa likod ni Alas para  hindi nya makita kung ano man ang gagawin ko.

"Alam mo ba kung ilang milyones  ang ginastos ko para sa kasal na yun?!" sigaw ni William

Inilabas ko ang baril sa bulsa  ko at marahan 'tong ikinasa. Buti nalang tinuruan ako ni Tito Eli kung paano gumamit ng baril.

"At  ikaw naman, paanong nangyaring buhay ka parin ngayon? Hindi ba, pinapatay na kita?" baling naman nito kay Alas

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nung naisip ko na kailangan ko na syang barilin. I want to get rid of him but i never wanted to kill someone. If i atleast shoot him in the  leg, it will probably slow him down.

"Sayang naman hinndi na kayo makakaabot buk----AAAHHHHHH!" napasalampak sya sa sahig  nung binaril ko sya  sa hita

Napatingin sakin si Alas at sa baril na hawak ko. 

"Let's go!" sambit nya  at hinawakan ang kamay ko

Sabay kaming tumakbo sa daan na dapat tatahakin namin. Wala na kaming pakialam kung mapagod kami sa kakatakbo gusto lang  namin makalayo.

" Hindi kayo makatakas!" napalingon ako ng marinig ang sigaw ni William

Kahit may tama sa hita ay patuloy ang paghabol samin. Bumalik lahat ng kaba ko nung itutok nya sakin ang baril nya.

Mabilis ang mga sumusunod na pangyayari. Ang alam ko nalang ay  bigla akong niyakap ni Alas at kasunod nun ang isang malakas na putok ng baril.

"Alas!" 

Napatingin ako kay William at nagtaka ng makitang may tama sya ng baril at nakadapa na sa kalsada.

Ibinalik ko ang tingin kay Alas at wala naman syang tama. Mahigpit parin syang nakayakap sakin. Pagtingin ko kay Alas  ay  nakatingala sya sa langit kaya napatingin rin ako. Dun ko nakita ang isang helicopter na may lamang sundalo.

At sa kabilang side ng kalsada ay tumigil ang ilang kotse ng mga pulis. Nung bumaba ang sakay nun ay agad akong napatakbo sakanila. 

" Mom,Dad!" sigaw ko sabay yakap ng mahigpit sakanila

"Okay ka lang ba?Hindi ka ba  nasaktan?" tanong nila sakin at umiling naman ako

Napabaling ang tingin nila kay Alas na kasama naman si Tito Aushi, Tita Alisha at maging si Ashianna ay nandun rin. 

Napangiti  si Mom at Dad at biglang  yumuko.

"Thank you for saving our daughter." bigkas nila 

Napangiti naman si Tita Alisha.

"Di nyo na kailangan magpasalamat, parte kayo ng pamilya namin. Magpasalamat na lang tayo na napigilan agad natin si William." wika ni Tita  Alisha

Naramdaman ko ang paghawak ni Alas sa kamay ko habang tinitingnan namin ang mga pulis na dinadala  ang katawan ni William sa ambulansya.

Right, i'm so thankful it has come to an end now.

***





Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon