[15:Improvement]
-Nyssa's Pov-
Wala na akong nagawa kundi magpahila kay Ashianna papasok sa sasakyan nila.Tumabi sya sakin habang hindi pa rin binibitiwan ang braso ko.
Bumukas ang pinto ng sasakyan at bumungad si Alas.
"Dun ka sa likod."wika nya at tinuro pa ang likudang bahagi ng sasakyan
Uh-okay.Tatayo na sana ako ng bigla akong pigilan ni Alas.
"Not you.I'm talking to Ashianna."sambit nya
Si Ashianna?Napatingin ako kay Ashianna na parang gulat rin dahil gusto syang paupuin ng kuya nya sa likod kung saan wala syang kasama.
"Kuya,how dare you!I have no kausap there!Hindi ba pwedeng share nalang tayong tatlo sa unahang seats?"reklamo agad ni Ashianna
Kadalasan kase si Alas ang laging nasa likod dahil gusto nya laging mapag-isa.
"This is only for two person.Go sit there.Wag ka na magreklamo dahil baka gabihin na tayo."sagot naman ni Alas
"Oh my gosh.He's really making me upo in here.I can't believe it."bulong pa ni Ashianna bago lumipat sa likudan
Hindi sya pinansin ni Alas at umupo nalang ito sa tabi ko.Medyo lumapit ako kay Alas sa at bumulong sakanya.
"Anong nangyari sayo?Paiba-iba mood mo ngayon?"tanong ko sakanya at napailing naman sya
"Nothing.I'm just really tired."mabilis na sagot nya sakin
Nanahimik nalang ako pagkatapos nun dahil mukha namang ayaw nya akong kausapin.
Pagtigil ng sasakyan sa bahay nila ay bumaba na kaming tatlo.
Hindi pa kami nakakapasok sa bahay ay naamoy ko na agad ang masarap na pagkain.Nung pumasok na kami sa loob ay namangha ako ng makita ang pagkain sa lamesa.Nung dati marami din naman pero ngayon ay parang magpapakain kami ng isang barangay sa sobrang dami ng pagkain.
"Oh nandito na pala kayo."nakangiting bati samin ni Tita Alisha habang nilalagay ang plato sa lamesa
"What's with the food?Sinong may birthday?"tanong agad ni Alas
Nagkatinginan naman si Tita Alisha at Tito Aushi tapos napaubo nalang si Ashianna.Nagpapadali pang umupo si Ashianna sa upuan.
"Aren't you dating?Ashianna told us that you're officially dating.So,we're celebrating it."sagot naman ni Tito Aushi
Parehas kaming napalingon ni Alas kay Ashianna na umiwas ng tingin samin.Ah,did she also heard that i called Alas 'my boyfriend'.Kung alam ko lang sana hindi ko nalang sinabi.
Ang dami ko ng nagawang problema para kay Alas.Nakakahiya na.Baka mamaya magback-out na 'to sakin.
"Ah hindi po kami---"hindi ko na natuloy yung sinabi ko nung hinawakan ni Alas ang kamay ko at tinaas iyon na para bang pinapakita sa magulang nya.
"Yes,we are dating.But this food is excessive,baka masayang lang di naman natin mauubos."wika ni Alas habang nakatingin sa pagkain
Samantalang ako ay nakatungo lang dahil namumula ang mukha ko.Hinawakan nya yung kamay ko sa harap ng magulang nya!Gusto ko sumigaw!Gusto ko magwala!Kinikilig na ako ng sobra!
Hinila na ako ni Alas sa upuan katabi ng upuan nya at umupo naman ako dun.
"Ashianna,akala ko ba pupunta rin si Priam dito?"tanong ni Tita Alisha kay Ashianna
Napaikot naman ang mga mata nya.
Priam?Are they talking about Priam Oliver?Yung kapatid ni Percival?Waaaah!Kilala nila yung magkapatid na yun?Sikat na sikat sila ngayon e.Tapos crush na crush ko dati si Percival.
"I didn't invite him.He's nakakainis kase.And maybe may iba syang gagawing important.You know his Kuya and him is a celebrity na."sagot naman ni Ashianna
Kaloka talaga yung mgabpamilyang sobrang yaman.Bigtime yung mga kaibigan.
"Are you talking about Percival's brother?"di ko na napigilan ang pagtatanong
"Yes.Priam is my childhood friend pero i'm not masyadong close to his Kuya."sagot naman ni Ashianna
Woah.They were childhood friends?!That's so cool.
Wala kaming ginawa kundi nagkwentuhan habang kumakain.Katulad ng sinabi ni Alas ay hindi nga namin naubos yung pagkain pero sabi ni Tita Alisha bibigyan nya nalang daw yung mga kapitbahay para walang masayang.
Hindi ko alam na uso rin pala ang bigayan ng ulam sa mga mayayaman.
"It's late now.Tara,hahatid na kita pauwi sa inyo."mahinang wika ni Alas
Napatango naman ako.Sa mabuting espirito na piniling sapian uli si Alas,sana wag ka na umalis sa katawan nya.
"Kuya,you're nagkukusa na.That's an improvement,i'm so proud of you."komento ni Ashianna at napaikot naman yung mata ni Alas.
Napatawa nalang ng mahina si Tita Alisha at Tito Aushi dahil sa sinabi ni Ashianna.
Hindi na ako nakapagpaalam ng hilahin ako ni Alas papunta sa labas kung saan naroroon ang kotse nya.
"Bakit mo sinabi sakanilang nagdadate tayo.Akala ko ba ayaw mo?"tanong ko kay Alas nung makarating kami sa labas
"Kaysa naman sabihin kung hindi e nakapaghanda na sila.Lalong masasayang yung pagkain."sagot naman nya sakin
Yun lang?Wala bang sagot na 'dahil totoong nagugustuhan na kita!'.Ano ba yan,umasa pa naman ako.Pero ano pa bang aasahan ko kay Alas,wala namang sweetness sa katawan yan e.
"E ikaw,bakit interesadong-interesado ka dun kay Percival?"pabalik na tanong ni Alas sakin
Napangiti naman ako ng may mapakiramdaman sa tanong nya.
"Naku,selos ka babe?Don't wprry,ikaw pinakagwapo para sakin."pang-aasar ko sakanya at napakunot nalang ang noo nya.
"Tss,whatever."
Porket gwapo,suplado.Hmpk!
***