12:Student Teacher

1.4K 43 2
                                    

[12:Student Teacher]

-Nyssa's Pov-

Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa gate ng school.Nawala na yung inis ko sa dalawa dahil lahat ng galit ko ay nakuha ni Tito Elijah.

Nagkwento kase ako sakanya bago umuwi ng bahay kahapon.Di daw sya makapaniwala na sa lalaking yun ako ipapakasal ng magulang ko.Syempre,sinumbong ko rin si Alas sakanya.Sabi ko sakanya,ino-overwork ako ng student teacher ko.Gusto ko lang talaga mawal yung sama ng loob ko kay Alas kaya ko sinabi yun.

"Ang saya mo ngayon,Nyssa ah.Iba talaga pagboyfriend si President."

Napalingon ako ng may magsalita sa likod ko at nakita ko si Ari,kaklase ko.Kumumot naman ang noo ko.

"Paano mo nalaman?"tanong ko at ngumiti naman sya

"Hindi ba inamin kahapon.Si President na nga mismo yung nagsabi sa lalaking kausap nyo kahapon e."sagot naman nya

Oh my god.I'm so stupid!Hindi ko man lamang naisip na may mga estudyante sa paligid na pwedeng makakinig samin.Ngayon akala tuloy ng lahat na boyfriend ko nga si Alas.

Wait...maganda nga yun e!Kung aakalain nilang boyfriend ko si Alas.Wala ng lalapit kay Alas.Lalo na yung Vice President na Kira na yun.Laging nasa office tapos kung ano-ano binibigay kay Alas.Baka mamaya gayuma na pala pinakapain nya kay Alas.

"Mauna na ako sa classroom.Kitakits nalang!"paalam sakin ni Ari at napatango nalang ako

Nandun na kaya si Alas sa office?Busy ngayon ang SSG dahil may papalapit na event which is the 'Victory Night'.Victory party yun para sa mga nanalo sa sports na galing sa school namin.Lahat imbitado.

Nagmamadali akong tumakbo sa office.Papasok na sana ako ng pinto kaso biglang lumabas dun si Maam Cassandra.

Si Maam Cassandra Olpea,bagong teacher sa school,strict,medyo bata pa at maganda.Bukod kay Kira,dito rin ako kinakabahan sa teacher na 'to.Labas-pasok rin 'to sa SSG Office.Maganda sya e,tapos matalino.What if mas prefer ni Alas yung mas matanda?Paano na ko?

"Oh Ms.Soriano,papunta na ako sa classroom nyo.Ako na muna ang magtuturo dahil busy yung student teacher nyo."wika nya at binaling ang tingin kay Alas

"Susunod na po ako.Gusto ko lang po kausapin si Alas."sambit ko at tumango namn sya tsaka ngumiti

Siguro narinig nya na rin na boyfriend ko si Alas.Kumaway lang sya bago tumalikod at naglakad na palayo.

"Babe!"sigaw ko kay Alas

Nakakunot noo naman syang lumingon sakin.Ngumiti ako ng nakakaloko at tinusok ang pisngi nya.

"Oy lumingon sya.So,babe nga kita?"pang-aasar ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin at binaling nya na ulit yung tingin sa mga papel

Tss,sungit!

"What do you want?"tanong nya habang nakatingin sa mga papel

"You."nakangiting sagot ko

Napabuntong hininga sya,inilipag ang ballpen at seryosong tumingin sakin.Yung tingin na nagsasabing 'Di ako nakikipaglokohan sayo'.Napasimangot nalang ako.

"Alam mo,try mo rin minsan magkaroon ng sweetness sa katawan.Hindi naman yun nakamamatay!"asik ko

"Bakit ka ba kase nandito?Okay naman na dun sa fiancee mo diba?Di na natin kailangan magpanggap dahil hindi ka rin naman pala gusto."wika nya

Bakit ba ayaw nya akong makita?Di naman nakakasawa yung kagandahan ko,hindi rin naman ako maingay,di rin ako makulit tsaka ang bait ko kaya.

"Hindi pa okay yun 'no!Kailangan pa natin magpanggap dahil sa mga magulang ko!"pagsalungat ko agad sakanya

Syempre,hindi ko hahayaan agad matapos 'to hangga't di mo ako nagugustuhan.Baka kase wala na akong pangblackmail next time kaya hindi ko na papakawalan 'tong chance na 'to.

Magsasalita na sana si Alas ng makarinig malalakas na yabag galing sa pintuan at iniluwa nito ang kaklase ko.

"Nyssa,nagkakagulo sa room ngayon biglang dumating yung Tito mo e!"sigaw nito

Agad akong napatakbo palabas.Oh sh*t,bakit ba sya nandito?!Mabilis kong tinakbo ang mahabang corridor at nagmamadaling pumasok sa classroom namin.

Pagdating ko dun ay nagsisigawan si Maam Cassandra at si Tito Elijah.Agad akong lumapit sakanya at hinila sya.

"Tito,anong ginagawa mo?!"pabulong na tanong ko

"Tuturuan ko ng leksyon yang student teacher mo."wika nya habang nakaturo kay Maam Cassandra

Napatingin ako kay Maam Cassandra at masama itong nakatitig kay Tito Eli.

"Hindi naman yan yung student teacher ko e!"usal ko

Ano ba yan si Tito.Nakakahiya naman kay Maam Cassandra pati sa mga kaklase ko.Bakit ko pa kase naisip na ikwento sakanya si Alas e.

"See?Sinabi ko na sayo na hindi ako student teacher,ayaw mong maniwala!"wika ni Maam Cassandra kay Tito Eli

"Sinong maniniwala sayo?Sa liit mong yan,hindi ka student?"sagot naman agad ni Tito Elijah

"Aba!"napahampas nalang yung kamay ni Maam Cassandra sa blackboard.

Natigil ang gulo ng pumasok si Alas sa eksena.Di ko namalayang nakasunod lang pala sya sakin.

"Uh,bakit di ko 'to napansin dati pa.So,this man is your uncle?"tanong sakin ni Alas at napatango naman ako

Nanlaki ang mata ni Tito Eli nung makita nya si Alas.

"You're Alas,right?"

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkalito kung anong nangyayari?The way Alas and Tito Eli address each other...

Magkakilala ba sila?

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon