20:No Erase

1.7K 53 1
                                        

[20:No Erase]

-𝐍𝐲𝐬𝐬𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"So what if i really love you?What are you going to do?"

Literal akong naging estatwa dahil sa tanong ni Alas.

Napuno ng maraming question mark ang utak ko.Anong ibig nyang sabihin?Gusto nya rin ba ko?Seryoso ba sya sa sinabi nya?Anong isasagot ko sakanya?

Nakatingin parin sya sakin at halatang naghihintay ng sagot.Teka,seryoso ba 'to?Baka nagjojoke lang 'to si Alas,sasapakin ko 'to.

"A-alas,seryosong tanong ba yan?"

"Mukha ba akong nagbibiro?sagot nya sakin

I don't know!How can i know,you never joked before!

Buti nalang talaga lumipat kami sa madilim na lugar kaya walang katao-tao.

Napatakip nalang ako sa mukha kong namumula.Lord,ito na ba yun?Magkakajowa na ba talaga ako?

"Alas,what do you mean?!Ganito ka ba magconfess?"tanong ko

Napasandal ako sa isang puno ng lumapit sakin si Alas at ikinulong ako gamit ang braso nya.

"Quit joking,and why are you calling me by my name?You used to call me 'babe',right?"nakangiti nya pang wika

Sheyt,ang hot nun!At tsaka kailan pa sya natuto lumandi?Saan nya natutunan yung kabedon?!

"You need to make it clear,Reese.Was it all an act?Acting like you like me but you seems so interested with that guy.What was his name again?Percival...right?Ano ba talagang tingin mo sakin?Nagpapanggap parin ba tayo hanggang ngayon?"wika ni Alas

Medyo nagulat ako sa sinabi nya.Minsan umaarte syang walang pakialam kaya akala ko hindi nya sineseryoso yung mga sinasabi ko.He never really open up with how he feels.

And for the second time i clearly don't know what to say and what to do.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago ko hinawakan ang pisngi at lumapit sakanya para halikan sya sa labi.

Mabilis lang ng mga pangyayari.Ilang segundo ng pagdampi ng labi ko sa labi nya.

It was just a smack since i'm afraid he will reject me.Fortunately,he didn't but he was dumbfounded.

"Tanga,mukha bang ipagpapalit kita kay Percival?Kita mo namang inlove na inlove ako sayo e."wika ko

Di ko mapigilan ang ngiti ko ng magtama na ang mga mata namin.Waaaaaaaahhhh!Hinalikan ko si Alas!

Parang gusto ng tumalon ng puso ko sa sobrang kilig!Kanina ko pa pinipigilan yung sigaw ko.Hindi ako tinulak ni Alas!

"Does this mean we are...l-like real couple now?"nauutal na tanong ni Alas

Namumula pa ang mukha nya dahil hindi nya siguro inaasahan yung ginawa ko.Maski ako ay hindi ko rin inaasahan na gagawin ko yun,parang may sariling utak yung katawan ko.

"I think so."nahihiya pang sagot ko

Ngayon ka pa talaga nahiya Nyssa?!E dati kung landiin ko si Alas ay parang wala nang bukas.Ang awkward kase dahil hindi namin alam kung anong gagawin naming parehas.

Kailangan kong pagaanin yung tensyon para makapag-usap kami ng maayos.

"Ibig sabihin nito lagi mo na akong tatawaging 'babe'."wika ko habang nakangiti

Napaganti na rin sya ng ngiti habang umiiling.

"It's pretty late now.Ihatid na kita pauwi,babe..."nakangiting wika ni Alas habang inaabot sakin ang kamay

Aaacckk,ang cuteeeee!Sumasakit na yung puso ko sa sobrang kilig,hindi ko kinaya.

Humawak naman ako sa kamay nya at naglakad kami papunta sa parking lot.Sumasakit na yung panga ko dahil sa lawak ng ngiti ko kanina pa.

Pagsakay namin ay pinaandar na agad ni Alas ang sasakayan.

Napatitig nalang ako sakanya habang lumilipad ang isip ko.Gosh,itong masungit na 'to,boyfriend ko na?!

Di ako makapaniwala!All this time,akala ko wala syang pake sakin.

"Alas..."tawag ko sakanya

"Why?"sagot nya agad at tumingin muna sakin bago tumingin ulit sa kalsada

"Wala nang bawian 'to ah,wag kang magsisisi!"wika ko

Baka bukas sungitan mo na naman ako tapos bawiin mo yung sinabi mo.Naku,subukan mo lang bubugbugin kita.

Tumingin sya sakin habang nakangiting umiiling.

"Sino nagsabing sayong pagsisisihan ko 'to?"

***

Blackmailing Mr.HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon