Chapter 8: Past

19 6 0
                                    

Kael's POV

"Kuya gising na anong oras na oh." pilit kong ginigising si Kuya kahit maski ako inaantok pa.

"Mm-mm"

"Kuya, oy. Lasing ka ba? Bubuhusan kita ng tubig dyan, ikaw maglalaba ng bedsheet mo." pananakot ko sakanya dahil alam kong ayaw nyang naglalaba.

"Inaantok pa ko eh. Mamaya mo na ko gisingin, pre." tuluyan na kong nagising sa sinabi ni Kuya.

Pre? Baka akala nya nakikitulog sya sa mga kaibigan nya. Sabagay, medyo malalim yung boses ko dahil kakagising ko palang at inaantok pa ko.

"Sige pre. Sleepwell."natatawa kong sagot sakanya.

Dahil nga tulog pa si Kuya ako nalang yung nagluto ng almusal nmin kagaya kahapon. Wala pa rin kasi yung mga helpers dito kaya kami lang din yung nakilos. Pagbaba ko wala na si Mama ni Kuya, mas okay yun hindi ko na kailangang magpanggap na ayos na kami.

Nagluto lang ako ng itlog, sinangag, longganisa at nagtimpla na rin ako ng gatas ni Kuya. Si Kuya nalang yung naggagatas samin dahil kape ang akin. Saktong pagkaahin ko bumaba na si Kuya.

"Oh gising ka na pre. Goodmorning." pagbibiro kong bati sakanya

"Mikaella tigilan mo ko ha. Ang aga-aga." nabubwisit nyang sabi.

"Akala mo siguro natutulog ka sa bahay ng iba, Kuya. Pati yung natutulog kong diwa nagising dahil sa tinawag mo saken"

"Mauna ka ng pumasok, may aasikasuhin lang ako." seryoso na nyang sabi. For sure may inutos yung Mama nya kaya naging seryoso na sya.

"Sige. Ako nalang magdadrive nung isang kotse."

Yung kotse na sinasabi ko ay yung kotse na niregalo saken ni Papa nung birthday ko bago sya nawala. Hindi ko ginagamit yun kasi kada sasakay ako umiiyak lang ako dahil naaalala ko lang si Papa.

"Drive safely."

Pagtapos kong maligo, nagbihis na ko at umalis. Di na ko nagpaalam kay Kuya dahil mas nauna pa syang umalis saken.

Habang nagdadrive ako papuntang school, may nakita akong familiar na tao. As in hindi ko akalain na makikita ko sya dito pa mismo sa lugar namin.

"Si Ian mo yun? Ang imposible nman, kasi sa malayo na sya nakatira. Baka same style lang sila. Baka nga." pagpapakalma ko sa sarili ko dahil para akong nakakita ng multo kahit buhay pa sya.

Nagdire-diretso nalang ako ng drive papunta ng school. Pagdating ko dun si Ijan yung sumalubong saken.

"Boss Kel call me --na ikaw lang daw mag-isa pumasok ngayon, kaya sinalubong na agad kita." sagot nya saken nung tinanong ko kung bakit sya nasa parking.

"Thanks, Tol." nakangiti kong sabi sakanya.

Hinatid pa nya ko sa classroom ko bago sya pumunta sa building nya. Btw, Ijan is 3rd year na kaya mas matanda sya saken. Tsaka boybestfriend ko din sya kaya medyo may concern sya saken, akala nung iba si Ua yung tinatawag ni Kuya para bantayan ako pero si Ijan talaga yun. Mas nauna kaming naging magkaibigan ni Ijan kesa nung naging kaibigan sya ni Kuys kaya mas close kami.

"Oh Elle bat ikaw lang mag-isang pumasok?" tanong saken ni Ate Isa pag-upo ko sa first row, nasa second kasi sya. Nasa likod ko sya to be specific.

"May pinuntahan pa kasi si Kuya, Ate Isa."

"Eh sino naghatid sayo dito? Dapat nag-iingat ka bebegurl." nag-aalala nyang sabi saken.

"Si ano po...si..." sasabihin ko bang si Ijan yung naghatid saken. Boyfriend nya kasi yun eh.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon