Chapter 14: Ex

27 5 0
                                    

Kel's POV

Pagkatapos naming mag-usap ni Topher kahapon ay umalis na agad sya. Actually hindi naman si Topher yung dapat sinasabihan ko ng problema ko eh, kasi di naman sya yung bestfriend ko, kundi si Luke.

Simula nung pagkabata ko sya na yung kasama ko. Nung una hindi ko sya pinapansin dahil ayoko sa maingay na tao pero hindi sya tumigil. Habang pauwi ako nun na naglalakad kasi malapit lang naman yung bahay namin sa school hinabol nya ko hanggang bahay. Wala kong nagawa nun kasi pinapasok na sya ni Mama sa loob.

*one message received*

From: Topher the helicoper

Hayss... pinakialaman na naman ni Kael yung phone ko, halata eh binago na naman kasi nya yung pangalan ng mga nasa contacts ko. Mamaya ko na aasikasuhin yun. Uunahin ko muna yung text saken ni Topher.

From: ChrisTopher

Hey Chael! Pasabay naman muna si Jana pagpasok ng school. May emergency lang kay Pyrhia. Thanks.

Ang hirap talaga kapag may utang na loob ka sa isang tao, lalo na sa mga kaibigan no. Sinasamantala nila masyado eh. Pero no choice.

"Kuya aalis ka na?" tanong ni Kael na kakababa pa lang.

"Oo eh. Kain nalang kayo dyan ako nagluto ngayon." akala ko magagalit sya pero niyakap nya lang ako. Hinalikan ko na din sya sa ulo.

"Ingat ka, kayo. Byiee Kuys."

Kahit maaga pa ay pumunta na agad ako sa bahay nila Anj, for sure naman may gising na sakanila. Hindi ko sinasabing si Luke yun ah.

"Ang aga mo naman mambulahog parekoy. Miss mo na siguro ako." sabi ng magaling kong bespren na kakagising lang pero nakangisi na agad.

"G*g*. Hindi ikaw pinunta ko dito b*b*." mura ko agad sakanya pagkapasok ko sa bahay nila.

"Yiee..Wag ka nang mahiya,baby. Alam ko namang mahal na mahal mo ko eh." pang-aasar pa nya saken.

Bago ako mapikon sakanya, umakyat nalang ako sa kwarto ni Anj. Pagpasok ko mahimbing pa syang natutulog. Tinitigan ko muna sya pero tumunog na agad yung alarm nya na agad naman nyang pinatay sa sobrang ingay, tas ayun tulog ulit.

"Good morning luv." sabi ko sa mismong tenga nya. Tinampal naman nya ko, akala nya siguro langaw.

"Luv gising na ikaw. Anong oras na oh, pag ikaw nalate ----"

Nagulat akong bigla syang bumangon. "Anong oras na ba?! Bakit hindi ako ginising ni Ate o kaya ni Kuya Luke?!"lumingon-lingon pa sya sa paligid nya bago napunta saken yung tingin nya. "Oh luv, bat ka andito?" gulat nyang tanong.

"Para sana gising ka nang maayos, I guess. Hindi para makakuha ng sapak sa umaga."

"Ohmy..sorry luv. Hindi ko sinasadya."

"What with the noise,Lyca? O Kel your here already." biglang sulpot ni Jana sa pinto.

"Oo nga Kel, bat andito ka na agad. Ang aga-aga pa ah." Kel? kasi andyan pa yung ate nya kaya di nya ko matawag na 'luv'.

"Chris text me that he has an emergency, asked a favor if I can accompany and fetch Jana for today. I have no choice,bruh." I told them in straight english.

"Yeah.. Get it, get it. He also call me kanina that he has an emergency about Pyrhia." napairap pa sya.

"Bakit ikaw? Bakit hindi nalang si Kuya." tanong ni Anj samin.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon