Kel's POV
Lalaki? Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino yung lalaking yun. Maski si Uke ay tinanong ko na din kung kilala nya pero wala daw syang nakikitang lalaki na kasama ni Anj nitong mga nakaraang araw.
"Boss, wala din kaming alam tungkol dyan eh." yun ang sinagot saken nung iba ko pang mga kaibigan ng tinanong ko sila kung may napapansin ba silang umaaligid kay Anj.
"Meron akong nakitang kasama nya last week sa mall. I was on a date with Isa that time. She seems happy with that guy, I thought it was you Chael but his action was different from yours." Sabi ni Zild kaya napatingin kami sakanya.
"Ano pa?" tanong ko.
"Inakbayan sya nung lalaki, she flitch but got okay after. Then I don't what happen next" inakbayan? Ni hindi ko nga yun ginagawa kay Anj dahil ayaw nya nun. Naiirita sya dun.
"Bat di mo sinundan?" inis na tanong ni Luke.
"I already said that I thought it was Kel, and I was on a date bro, I can't leave Isa para sundan si Anj...."
The thought of Anj cheating on me was freaking hurt. I question my existence again right now. Why is this happening again?
Kaming sampu lang ang nakakaalam tungkol dun sa issue na yun, gusto lang naming maging pribado muna yun hangga't hindi pa namin nakukumpirma. Hindi ko sinasabi kay Kael dahil baka sugurin nya at awayin pa nya si Anj. Pakset ang tanga ko sa kanya, niloloko na nga ko gusto ko pa rin syang protektahan sa ikakasakit nya.
"Kuya." tawag saken ni Xhia. Papasok na parehas kami nang kwarto.
"Hmm?"
"Yung mata mo... mugto." hindi nya masabi saken ng diretsyo. Dahil akala nya magagalit ako.
"Wag."
"Alam ko. Pero sana wag mong iiwan si Kael ha." di ko akalain na nakuha nya yung sinabi ko.
Isang salita lang yun pero ang daming ibig sabihin. Wag nyang sasabihin kay Kael na nakita nya kong ganito at namumugto yung mata, wag nyang sasabihin na umiiyak na naman ako, at wag, wag lang.
"Oo naman." hindi ko sya iiwan.
"Okay ka lang ba?" nag-aalala nyang tanong at lumapit pa sa pwesto ko pero umatras na agad ako.
"Okay lang ako Xhi." ngumiti ako sa kanya.
"Kapatid mo rin ako, pwede ka ring magsabi saken."
Tuluyan na kong naiyak at napaupo sa harapan nya. Wala na kong pakialam kung husgahan pa nya ko dahil sa pag-iyak ko, gusto ko lang ilabas yung emosyon na kanina ko pa tinatago.
"N...niloko nya ko. May iba na sya." hirap na hirap akong sabihin yun.
"Ba...bakit?" yun din ang gusto kong itanong. Bakit nya ginawa yun?
"May kulang siguro saken hahahah." para akong baliw na tumatawa habang nagbabagsakan ang luha.
"Hindi ka kulang. Walang kulang sayo." inis na sabi nya at umupo sa harap ko. "Worth it ka. Hindi ka dapat ginaganto."
Lalo akong napaiyak sa sinabi nya. Gusto kong maniwala pero ang hirap. Ang hirap kasi may nagpapamuka saken na hindi ako ganun, na hindi ko deserve na sabihan ng ganun.
Tumayo ako, kasabay nun ang pagtayo din ni Xhia sa pagkakaupo nya. Nakita ko syang nangingilid ang luha at mukang awang awa na sa sitwasyon ko ngayon. Pero di ko kailangan nun.
"Matulog ka na. May pasok pa bukas kaya dapat maaga kang magigising at tandaan mo, wag mong sasabihin sa kanya." ngumiti ako kay Xhia at hinalikan sya sa noo.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.