Chapter 16: Tattoo

17 5 0
                                    

Kel's POV

Nagising ako ng masakit ang ulo, malamang masakit talaga yung ulo ko. Sino bang lasing ang maayos pa rin ang pakiramdam pagkagising? Pero hindi ko talaga alam kung pano ako nakauwi at nakarating dito sa kwarto ko. Hindi naman siguro ako nagsleepwalk.

Hayss..ang mahalaga nakauwi nang ligtas. Naligo na muna ako bago ulit umupo at nagrewind sa utak ko ng mga nangyare kahapon. Habang nag-iisip ako may nakita akong capsule at tubig sa may lamesa sa tabi ng kama ko na may kasamang note.'Alam kong masakit yung ulo mo pagkagising kaya naghanda na agad ako ng gamot.'

"Kael.." mahinang sabi ko.

Bumaba na ko para sana magpasalamat sa kanya pero si Xhia lang ang naabutan ko.

"Good morning?" patanong nyang bati.

"Morning. Ikaw nagluto?"

"Oum. Wala kasi akong magawa kaya tumutulong nalang ako dito sa bahay. Nakaka----"

"Wag ka ng mahiya. Hindi ka nman na iba samin Xhia, pero kung gusto mo talagang tumulong kahit hindi naman na kailangan..okay lang."

"Feeling ko kasi pabigat lang ako dito, palamunin ganun." nakayuko nyang sabi.

"Hindi no. Simula ng dalhin ka namin dito at patirahin, kapatid na yung turing ko sayo. Kaya nga sabi ko feel at home."

"Ayy sayang. Balak ko pa namang ligawan si Kael." mabilis akong napatingin sa kanya pero nakangiti lang sya ng nakakaloko.

"Hindi ka naman seryoso dyan, no?" medyo kinakabahan na tanong ko sakanya.

"HAHAHAHAHAH. Grabe ang epic ng reaksyon mo. Syempre joke lang yun. Kael is just a bestfriend and sister."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinagot nya. Hindi naman kasi imposibleng magkagustuhan sila dahil..basta.

"Nasaan nga pala si Kael?"

"Tulog pa. Sabay naman kaming natulog kagabi pero parang pagod na pagod sya ngayon. Kaya hinahayaan ko nalang."

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya

"Sa tingin mo may gagawin ako? Seryoso?" alam ko namang sarcastic talaga syang tao pero pagkausap mo na talaga parang hindi totoo.

"Malay ko ba kung may lakad kayo ni Josh. Kung wala, sama ka nalang samin ni Kael para naman makalabas-labas ka naman."

"San ba?" tanong naman nya sa akin na parang nagtatanong sya kung saan papatayin ang target.

"Balak kasi namin na magpatattoo ni Kael." nakita ko lang yun sa planner ko kanina.

"Pede rin ako?" parang bata nyang tanong.

"Ikaw. Bahala ka, kung gusto mo pede naman."

"Sige sige sasama ako."

Kaming dalawa ni Xhia ang nagsabay sa almusal ngayon dahil nga tulog pa si Kael. Hindi naman boring kasama at kausap si Xhia actually, kasi siguro halos parehas lang sila ni Kael, mas matured nga lang sya ng konti. Just expect the sarcastic and jolly tone of her.

Pagkatapos namin kumain ay hinugasan na nya yung pinagkainan namin kahit sabi ko na wag na. Wala naman na kong nagawa dahil nung sinabi nya na sya na ay bossy ang dating. Umakyat nalang ako sa kwarto ni Kael para gisingin sya.

"Oy. Gising na. Mikaella?"

"Kuya mamaya mo na ko gisingin. Sabado naman ngayon ih. Let me enjoy my sleep, okay?"

"Pano yung tattoo na plinano natin? Papa-resched ko nalang?"

Yung tattoo na yun is napag-usapan lang namin kahapon, pambawi ko sa kanya dahil iniwan ko sya kahapon. Buti na lang at pede ngayon yung kilala kong tattoo artist. May discount pa.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon