Kel's POV
Grabe naman yung paglipas ng mga araw, napakabilis. Parang pumikit lang ako tapos... tapos na rin yung bakasyon. Sa susunod talaga hindi na ko pipikit.
"Ano? Ready na ba kayo?" tanong ko sa mga kasama kong papasok ngayon.
"Yes yes yow." masiglang sagot ni Kael. Tinignan ko naman si Xhia pero yung muka nya parang muka nang walang choice.
Nauna na si Kael pagbaba kaya nilapitan ko na sya para makasigurado lang na ayos talaga sya.
"You okay?"
"Muka lang akong bored pero excited na rin talaga ako. Sayang lang dahil 1st year palang ako." poker face nyang sabi. Kaya ang hirap nyang basahin eh, ganyan kasi lagi yung muka nya.
*one message received*
From: Luv
Isasabay nalang daw kami ni Luke ngayon. No need to fetch me. Love you.
Unti-unti akong napangiti dahil lang sa text na yun. Pero agad din nawala dahil sa sumunod na text.
From: Luke
Yow bro! Good morning. Papaalam ko lang na isasabay ko na saken si Anj pagpasok. Ingatan mo si Master ha. I love you so much, mwuah mwuah tsup tsup.
Ang saya ko na sana eh, kaso may umepal lang talaga. Kala mo naman importante.
"Ang pangit daw ng uniform ko pero suot na rin nya ngayon..." pagpaparinig ni Kael kay Xhia habang nainom sya ng tubig.
"Sinabi ko rin naman na bagay sayo ah. Saken ba?"
Natawa si Kael sa tanong nya. Bagay naman sa kanya sa totoo lang, sakto lang yung sukat sa katawan nya pero medyo mahaba yung palda kasi daw hindi daw sya komportable. Lumapit si Kael kay Xhia at hinawakan ang magkabilang balikat nito.
"Ano ka ba? Mas bagay ako sayo." banat nya sabay kindat.
Kung dati naweweirduhan ako sa ganyan nila. Lalo na ngayon kasi parehas ko na silang kapatid at dapat ganun na rin yung turingan nila pero hindi yata sila mabubuhay ng hindi nilalandi ang isa't isa.
Pagdating namin sa school ay hinatid ko muna si Xhia dahil naninibago palang talaga sya sa lugar. Kung iiwan namin sya mag-isa ay magmumuka syang batang nawawala sa mall.
"Oh Michael bakit ka andito sa building ng 1st year? Gusto mo bang bumalik?" bungad agad saken nung teacher dito. KIlala ba naman ako.
"Mam tama na po yung tatlong taon tayong nagkita at nagkasama. Andito ho ako kasi ihahatid ko po yung kapatid ko." napangiwi ako at natawa nalang sya sa muka ko.
"Sinong kapatid? Eh diba tapos na rin si Mikaella ng 1st year?"
Tinuro ko si Xhia na parang batang namamangha sa paligid nya.
"Anong pangalan mo iha?" tanong sakanya nung teacher, dun lang sya napalingon samin.
"Xhian Nuñez po."
"Nuñez? Bakit hindi kayo magka-apelyido kung magkapatid nga kayo?"
"Basta mam. Magkapatid kaming dalawa kaya aasahan ko po na may matututuhan yang kapatid ko ha."
Pagpunta ko sa building ng 3rd year ay hinanap ko pa yung section ko. Pero nakakagulat dahil wala si Kael sa masterlist.
"Hanap mo ba ko?" sulpot nya habang nasa pinto ng kabilang room.
"Magkaiba tayo ng section? Bakit?" tanong ko agad. Tumawa lang sya.
"Sinasabi ng tadhana na matuto ka na daw mamuhay at magfunction nang ikaw lang. Don't depend on me." nangiti pa syang sinabi yun.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.