Kael's POV
Time flies too fast that I can't even remeber when was the last time I see my brother. Pagkatapos kasi ng magulong pangyayaring yun ay mas pinili ko nalang na umalis na sa bahay, katulad ng dati. Kailangan lang naman na may isang aalis samin ni Kuya para mabigyan ng space yung isa't isa, makapag-isip ganun. At ako yung umalis kasi naisip ko na, paano kung sya yung umalis? Saan sya pupunta? Kaya ako nalang.
Atleast kasi ako may pupuntahan o may matutuluyan maliban sa bahay. Bumalik ako sa dati kong grupo dahil yun ang kondisyon ni Pres saken. Makikita ko lang daw ulit si Xhia kung babalik ako sa kanya, kung babalik ako bilang Mike. Si Ijan lang ang nakakaalam na umalis ako pero hindi ko sinabi at wala akong balak sabihin sa kanya kung saan ako pupunta, hindi na sya dapat masali dito sa plano ko, kasi mahalaga sya saken at ayoko syang mawala, delikado kasi tong pinasok ko kaya mahirap.
"May isang grupo akong hinamon para makalaban natin. Magsisilbing training na rin to sa mga bagong miyembro nang ating grupo." pag-aanounce ni Pres sa lahat.
Simula ng bumalik ako dito ay ako na ang palagi nyang pinapasabak sa mga kalaban nya lalo na kung malalakas at mataas ang posisyon. Buti nalang at malaya dito si Xhia kaya sya ang gumagamot sa mga sugat na natatamo ko pagkatapos ng misyon.
Pero hindi ko inaasahan na ngayong araw pala gaganapin ang laban na sinasabi ni Pres. Hindi lang yun dahil nagulantang ako ng makita ko kung sino ang grupo na hinamon nya, grupo yun nila Kuya. Grabe naman yung galit saken ni pres at gusto na nya talagang mamatay na ko.
Hindi nya ko pinasugod at pinanood lang saken ang mga nangyayare sa ibaba ng opisina nya, ang paglalaban ng grupo ni Kuya at ng grupo namin. Laking pasasalamat ko nalang na nakakulong si Xhia sa kwarto namin.
"Pwede ka ng bumababa Mike. Tulungan mo yung miyembro natin dahil ang hihina nila. Matatalo tayo nento eh." utos saken ni Pres kaya agad-agad akong bumababa at nilabanan ang ibang kagrupo ni Kuya na hindi saken pamilyar. Wala akong dala masyadong armas maliban sa iisa kong baril na nasa bulsa ng pantalon ko.
Pasikreto akong lumalapit kay Ua para makausap ko sya nang maitakas na nya si Xhia at Caloy dito. Sya ng sinunod kong target at nakuha naman nya yun kaya muntik na nya kong matamaan ng bala. Hindi nya ko nakilala dahil may maskara akong suot, hinawakan ko ang braso nya na may hawak na baril at tinignan sya ng deretsyo sa mata.
"Kael..." napangisi ako ng makilala nya ko pero hindi nya yun makikita dahil sa maskara na suot ko.
"Nasa 3rd floor si Xhia, pangalawang kwarto sa kanan. Itakas mo na sila bago pa tayo mahuli." mabilis na sabi ko sa kanya.
"Pano ka?" nag-aalala nyang tanong.
"Ididistract ko muna yung mga kamiyembro ko. Pasensya na pero matatamaan ko yung iba, tsaka pag-alis nyo dito kasama ako. Tumawag ka na din ng pulis." sabi ko sabay tulak sa kanya. Agad naman syang tumakbo at may pumalit na sakanyang magiging kalaban ko.
Patuloy ko pa ring nilalabanan ang mga hindi pamilyar saken na kagrupo ni Kuya, talagang iniiwasan ko silang sampu na makalaban dahil delikado para saken. Nakita ko sa gilid ng mata ko na paalis na sina Ua, Caloy at Xhia kasama pa nila si Quin at walang nakapansin na umalis sila maliban sakin.
Ilang minuto lang ang hinintay ko ay nakabalik na sina Ua at Quin dito sa labanan na to kaya nakampante na ko na ligtas na ang mga mahal ko. Patuloy lang ako sa pakikipaglaban, ginagamit ko din ang baril ko pero sa maingat na paraan dahil baka mataaman sina kuya kapag nagkamali ako ng baril. Hanggang sa naubos na ang umaatake saken kaya nalibot ko na ang paningin ko. Nakita ko si Kuya na nahihirapan sa kalaban nya kaya lumapit ako at binaril yun, which is kasama ko sa gang.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.