Epilogue

32 6 5
                                    

Kel's POV

"XHIA!!"

"Ang ingay naman nento. Bawal huminahon?" nakataas na kilay nyang tanong saken kaya napakamot ako sa batok ko.

"Sorry naman." paghingi ko ng tawad sabay gulo sa buhok nya.

Nandito kasi kami sa kwarto ko, syempre sumigaw ako kaya nagmadali syang umakyat.

"Anong bang problema mo?"

"Tatanong ko lang po sana kung ayos na ba ang lahat. Malapit na daw kasi sila Luke."

Umupo sya sa kama ko at deretsyo akong tinignan. Hindi ko madescribe yung ekspresyon nya kaya tumingin na lang din ako sa kanya.

"Okay na lahat. Inaantay ka nalang na bumababa at makarating yung mga bisita mo." mahinahon na nyang sagot sabay buntong hininga. "Sana andito sya. Kung pwede lang eh." dagdag pa nya sabay tawa nang peke.

Lumapit ako sa kanya at tinayo sya sa pagkakaupo nya pagkatapos ay niyakap ko sya. Nasa process pa rin sya nang moving on, hindi ko naman sya masisisi kung matagal bago sya makamove on... bago nya matanggap lahat ng nangyare.

Tahimik lang syang umiiyak sa balikat ko pero ramdam ko yung sakit ng pag-iyak nya. Ni hindi nga nya ko niyakap pabalik eh, kasi siguro may hinanakit pa rin sya saken.

"Galit ka pa ba saken?"tanong ko matapos nyang tumigil sa pag-iyak.

"Naiinis na lang ako sayo pero hindi na ko galit. Sa lahat ba naman kasi ng magiging dahilan ng pagkawala nya, bakit ikaw pa? Matatanggap ko pa kung nawala sya dahil sa gera, pero hindi sa ganung paraan at dahilan." sinubukan pa nyang magbiro pero mas nanaig ang kalungkutan.

"Gusto kong malaman mo na ayoko rin sa naging dahilan ng pagkawala nya. Hindi ko kinakayang maisip na ako yung naging dahilan kaya sya nagkaganun." sabi ko sa kanya, binigyan lang nya ko ng assuring smile kaya alam kong magiging okay ang takbo ng araw ngayon.

Nagkwentuhan pa kami ng ilan pang minuto bago napagdesisyunan na bumaba na bago pa dumating ang mga makukupad na mga bisita namin na kanina pa nagsasabi na malapit na raw sila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakarating dito sa bahay.

Halos sabay-sabay na dumating sila Luke, Joshua at Troy. Kasama nila sina Jana, Jersel, Sian, at Anj. Si Xhia lang ang nagwelcome sa kanila, bored pa yung muka. Hindi na yata magbabago yung ekspresyon nyang yun. Dumaretsyo na kasi ako sa pinakamamahal ko kaya hindi ko na pinansin yung iba.

"Kaibigan muna bago girlfriend, uy." sabi ni Luke kaya nagtawanan kami.

"Bitter ka lang kamo. Welcome to our house, Sian." ngayon ko lang pinagbalingan ng tingin yung bagong-bago sa bahay.

"Yaman mo pala Chael eh. Minsan manlibre ka naman." pagbibiro nya kaya binatukan sya ni Troy.

"Minsan nahihiya akong naging kapatid kita, para kasing di ka pinapakain sa bahay at hindi ka binibigyan ng pera." sabi sa kanya ni Troy habang may nandidiring muka.

Nalibang na ko kakatawa kina Troy at Sian at hindi ko na napansin na nakayakap na pala si Joshua patalikod sa kapatid ko kaya binato ko sila ng unan, pero nasalo yun ni Xhia na hindi man lang tumingin sa gawi ko.

"Ang smooth mo ah. Parang kanina lang katabi pa kita, ngayon nandyan ka na sa kapatid ko." sabi ko sa kanya habang may masamang tingin pero tinawanan lang nya ko.

Sina Jersel at Jana naman ay tahimik lang nakaupo sa sofa, naging maingay lang sila nang dumating sina Quin at Topher. At pagsinabi kong dumating na sina Quin at Topher ay syempre kasama na rin dun sina Ngelo, Pyrhia at Isa. Ang ineexpect ko darating sila by partners pero naging by magkapatid ang dating nila.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon