Kel's POV
Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin siguro nararamdaman ko na may gigising pa kong isang pangit. 4:00am palang 7 pa yung pasok namin pero kailangan ko na agad syang gisingin kung hindi parehas kaming late. Syempre bago ko sya gisingin nagluto muna ako, kaso may mga naghahanda na sa baba kaya hindi ko na tinuloy yung pagluluto kasi bumalik na yung mga helpers dito sa bahay... Wow, helpers..
Dumaretsyo nalang ako dun sa katapat kong kwarto. Kumatok muna ko pero walang sumagot. Pagpihit ko nung doorknob, hindi nakalock kaya pumasok na ko. Pagpasok ko naman tulog na tulog pa silang dalawa, gigising ko pa ba 'to? O hindi na. Kaso may pasok kami eh.
"Kael! Uy gising na. Male-late tayo nyan eh. Uy, anong oras na oh." hinampas ko pa sya nung unan sa tabi nya.
"Mmm" gumalaw sya ng konti pero di pa rin nagising.
"Mikaella, wag mo kong iniinis ha." pagkasabi ko nun dumilat na agad sya.
"Oh kuya?! Andyan ka pala? Kakagising mo lang ba?" tinaasan ko lang sya ng kilay. "Hala! Oo nga pala may pasok pa tayo." bigla nalang syang tumakbo papuntang CR.
Tinignan ko yung katabi ni Kael sa higaan. Ang amo ng muka, para syang angel pagnatutulog. Pagnagising naman sobrang siga at aakalain mong lalaki. Naalala ko na nman yung muka nung lalaki kahapon na nanloob sakanya. May black eye, tapos may lumalabas na mga marka ng pasa sa braso, parang pilay yung kaliwang paa. Grabe hindi mo aakalaing babae yung gumawa.
"Ano titignan mo nalang dyan si Xhia maghapon?" tanong ng magaling kong kapatid habang nakasandal sa pinto ng banyo nya.
"Babae ba talaga 'tong kaibigan mo?"
"Oo nman. Anong akala mo transgender?" natatawa pa sya habang sinasabi yun.
"Halika na. Kumain na tayo sa baba, nagluto na yung mga helpers dun."
"Pano si Xhia? Hindi ba natin sya gigisingin?"
"Kakausapin ko nalang si Aling Teresa mamaya para hindi sila masyadong magulat pagbumaba si Xhia. Sasabihin ko din na ipaghanda sya ng makakain at asikasuhin sya kung sakali."
"Pano yung mama mo? Mamaya makita nya si Xhia, pagkamalan pa nyang magnanakaw." sabi nya sabay irap.
"Nagtext saken si Mama. Hindi muna daw sya makakauwi dito dahil maraming tinatapos sa trabaho nya. Kaya feel free to us."
"Sabihin mo wag na kamo talaga sya umuwi."
"Mikaella? Masama yan ha." napabuntong-hinga muna ako bago ko sya hinawakan sa magkabilang balikat nya at hinarap saken. "Mama mo pa rin sya, okay? Kahit anong mangyare sya pa rin yung nanay mo. Hindi mo ba sya namimiss makasama....makabonding ganun."
Tinanggal nya yung hawak ko sakanya at tumalikod na ulit sya, handa ng bumaba sa hagdan. "Pangit nyang kabonding." yun na yung huli nyang sinabi bago tuluyang bumaba.
Napabuntong hinga na naman ako...hindi ko na alam kung pano sila pag-aayusin ni Mama. Bumaba nalang din ako, pagdating ko sa baba kumukuha na si Kael ng pangalawang pagkain nya. Nagsecond round pa si pangit.
"Hindi ka pa kakain?" tanong nya saken habang puno pa yung bibig.
"Huwag na. Mukang kulang pa yan sayo eh."
"Hala ka! Kumain ka oy. Mamaya bigla ka nalang mahimatay nyan."
"Sige na. Kumain ka na dyan." tumango lang sya habang nasubo.
"Aling Teresa?" tawag ko sa isang helper nmain.
"Bakit Iho? Anong kailangan mo? May mali ba sa niluto namin?"
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.