Kel's POV
Panibagong araw na nman para sa napakagwapong katulad ko. Grabe nahahawa na yata ko sa pagiging hangin ni Quin, lalayo na talaga ko dun sa lalaking yun. Pagbaba ko sa kusina si Kael lang yung nakita ko, alang nman yung multo diba?
"Good morning Babegurl!"
"Good morning Kuys. Kain ka na."
"Si mama?"
"May meeting, maagang umalis" nothing new, lagi nmang ganun. Parang kami na nga lang ni Kael yung nakatira dito sa bahay eh.
"Ah okay. Sinong nagluto?" tanong ko sakanya kasi sobrang tahimik nya ngayon.
"Ako. Wala yung mga katulong, pinagday off ng Mama mo." sagot nya.
"Mama natin. Kelan mo ba sya ulit tatawaging Mama? Nasasanay ka na ganyan yung tawag mo sakanya, 'Mama mo' 'sa Mama mo' 'yung Mama mo'. Mama mo rin nman sya ah."
"Pano ko sya tatawaging Mama kung kada maalala ko sya, naalala ko din yung ginawa nya. Kaya Kuya tell me pano?" seryosong tanong nya.
"Yung pananakit ba nya sayo yung dahilan kaya galit ka pa rin?" maingat kong tanong.
Hindi ko talaga alam kung anong nangyare sakanya, sakanila ni Mama. Kung bakit galit na galit sya kay Mama. Ni hindi nga nya kinakausap o hinaharap si Mama eh. Basta pagbalik ko dito sa bahay ganyan na sya, pag si Mama na yung pinag-uusapan tahimik na sya at sobrang seryoso.
"Yung pananakit nya Kuya kaya ko pa, nakalimutan ko na. Pero yung ginawa nya kay Papa, hindi ko nakakalimutan."
"Kael ilang taon na yun oh, mano kayang patawarin mo na si Mama."
"Bat ba parang andali lang sayong patawarin si Mama? Ah oo nga pala, wala ka kasi dito yung mga panahong nahihirapan si Papa. Yung mga panahong pinapanood nya si Mama na sumama sa iba, yung mga panahong umiiyak sya kasi hindi na nya kaya." umiiyak nyang sabi.
Tama nman sya wala ko dito nung nasasakatan si Papa, iniwan ko silang dalawa. Mahirap din nman para saken na patawarin si Mama, it took months. Pero naisip ko sya na nga lang yung natira, tapos magagalit pa ko sakanya.
"Okay sorry. Tama ka wala ko dito, pero hindi rin nman naging madali saken na patawarin si Mama."
"Pero alam mo ba kung gaano kamahal at ano yung pinakamasakit na sinabi ni Papa saken. 'Alagaan mo yung Mama mo, mahalin mo sya gaya ng pagmamahal ko sakanya. Wag kang magagalit sakanya kasi may pagkakamali din ako, kaya siguro naghanap sya ng iba.'" pagkukwento nya. " Pero k*ng*na pano ko di magagalit kung pagkatapos nyang sabihin yun, makikita ko nalang sya nakahiga sa kabaong." galit na galit nyang sigaw saken.
Niyakap ko na sya, kasi iyak na sya ng iyak na halos hindi na makahinga. Iniisip ko nalang na sana hindi pala ko naging selfish nung mga panahon na yun. Edi sana hindi nya naranasan to mag-isa, hindi nya to hinarap mag-isa. Dapat kasama nya ko nun.
" Sorry. Sorry sa lahat. Magpahinga ka na dun sa kwarto mo, sobrang exhausted mo na. Mamaya na tayo mag-usap. Papasok na si Kuya ha. I love you babegirl."
"Mag-ingat ka. I love you Kuys."
Sinamahan ko sya paakyat at papasok ng kwarto nya. Pinahiga ko na rin sya sa kama nya at pinatulog bago ako umalis. Nagbihis na rin ako at pumasok.
"You're late, Mr. Alcantara." sita saken ng terror teacher nmin.
"My apologies, Miss." walang emosyon kong sabi
"You may now seat."
I was pre occupied with what happen earlier. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin yung sarili ko, ano ba kasing nangyare saken at iniwan ko sila. Sobrang selfish ko talaga.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Genç KurguHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.