Chapter 11: Ian and Mike

20 5 4
                                    

Continuation...

Nagtrain si Mike ng isang taon. Makikita ang pagiging magaling nya,hindi lang sa paghawak at paggamit ng kutsilyo, kundi sa pakikipaglaban. Sapagkat sumasabak na rin sya sa mga misyon ng grupo. Pati pagbaril ay natutunan na rin nya.

Madalas nga lang ay kasama pa rin nya si Ian. Tinawag na rin silang 'Perfect Partner in Crime' dahil sya ang lumalaban at si Ian nman ang sa computer. At halos tatlong taon na nilang ginagawa iyon.

"May kukwento ako sayo since matagal na tayong magkasama. Wait..magbestfriend na ba tayo?" biglang sabi ni Mike habang nakatambay sila sa lugar kung saan sila unang nagkita.

"Siguro...tatlong taon na rin nman tayong magkaibigan." natawa pa si Ian dito. Kay Mike lang sya nagpapakita ng emosyon, o baka parehas sila na sa isa't isa lang nagpapakita ng emosyon dahil pagdating sa ibang tao ay parehas silang seryoso. "Ano pala yung kukwento mo?"

"Sayo ko lang sasabihin 'to ha. Actually gangster din yung Kuya ko. May grupo din sya. At hindi talaga Mike ang totoo kong pangalan."

"Weyt...gangster? So nakikipaglaban din yung kuya mo?"

"Oo." ngumiti ng malungkot si Mike dun.

"At ano yung totoo mong pangalan?" tanong ulit nya.

"Mikaella. Elle yung nickname ko."

"So...nice to meet you Elle. Ako si Xhian, Xhia for short."

"So hindi mo rin totoong pangalan yung Ian?" tanong din ni Mike sakanya.

"Mm-mm." tango nalang ang tanging nasagot ni Ian sakanya.

"Uy nakakaawa yung bata oh."

"Saan?"

"Ayun oh. Puntahan natin."

"Uy boi! Ginagawa mo dyan?" tanong ni Ian sa batang lalaki.

"Naghahanap po ng makakain. Lugar nyo po ba 'to mga Ate?" tanong din ng bata.

Parehas na napatingin si Mike at Ian sa isa't isa at sabay na natawa dahil ganun din sila nagkakilala.

"Naiisip mo ba yung naiisip ko?" seryosong tanong ni Mike.

"Gusto mo syang ampunin, tama?"

"Sige na Ian. Kawawa nman sya eh." nag-sad face pa si Mike para umepektib daw.

"Sige, aampunin natin sya." nagbuntong hininga nalang si Ian.

"Oy bata. Gusto mong sumama samin? Teka, may mga magulang ka ba?" dun lang din napagtanto ni Mike na baka may pamilya pa itong inuuwian.

"Talaga po Ate?! Isasama nyo po ako sainyo?" inalog-alog pa nito si Mike.

"Oo. Simula ngayon kami na ang mga magulang mo." nakangiting sabi ni Mike sa bata.

"Sino kayang tatay saming dalawa?" bulong ni Ian. "May makakain ka dun tsaka matutuluyan. Gusto mo ba yun, bata?"

"Opo." masayang sagot ng batang lalaki.

"Ano palang pangalan mo?"

"Caloy po. Walong taon gulang."

"Ambata mo pa pala. Ako si Ate Ian, sya nman si Ate Mike."

Nagmamadali na silang maglakad patungo sa building nila dahil halatang gutom na si Caloy. Nakaakbay lang sila dito para hindi mawala sa paningin nila.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon