Oyi's POV
"Papaalala ko lang sainyo. Wag magdadala ng baril." bumuntong-hininga pa si Boss Kel, "Putcha ayokong sumugod si Kael."
"Opo Bossing." sabay-sabay nming sabi.
"Alam na nman nya diba Boss?" tanong ni Pareng Ua.
"Oo. Pinaalam ko, mahirap na. Basta walang mapupuruhan sainyo ha." sabay-sabay ulit kaming sumaludo.
Ngayon na kasi yung araw na magtatapatan si Boss at Jason. Di ko nga alam sa Jason na yun at gusto pang maka-away si Kel, I mean di ba sya natatakot? Lalo na pang sinugod pa sya ni Master. Sabagay hindi nman nya kilala si Master.
"LET'S GET READY TO RUMBLEEEEEE!!!" sigaw ni Uke.
Sa isang lumang building kami makikipag-away. Ewan ko ba kay Jason, ang cheap, di man lang sa isang ma-ayos -ayos na lugar. Halatang poor.
"Ang bilis nyo nman ata." nakangising sabi ni Jason pagdating namin.
"Walking distance lang eh. Anong ine-expect mo, maghelicopter pa kami." walang emosyong sagot ni Ron.
"HA-HA-HA, AH." sarcastic na tawa ni gagu.
"Seryoso ka ba talaga dito, Jason?" tanong muna ni Boss na nakaupo dun sa malayo.
"Oo nman. Tinatanong mo pala talaga yan, pagkatapos mong agawin saken si Angelika."
"Oh? Ikaw pala yung pangit na nanliligaw sa kapatid ko? Anubayan kakakita palang natin minus point ka na agad saken." malokong sabi ni Uke. "Ikaw rin ba yung nag-utos na harangin ako sa school." seryoso nman sya ngayon. Weyt! hinarang sya...tumingin ako kay Ngelo, nakangisi na sya.
"Sino bang kapatid mo?"
"Ayy hindi mo ko kilala? Lucas Santos pre, nakakatandang kapatid ni Angelika Santos."
Halatang nagulat si Jason sa nalaman nya. Syempre hindi nya talaga malalaman na kapatid ni Uke si Anj dahil hindi nman nya sinasabi. Lahat kami, hindi nmin sinasabi na may kapatid kaming babae. Dahil mahirap, sobrang hirap.
Nakita nmin na may binulong si Jason dun sa mga tauhan nya. Natakot na yata.
"Simulan na natin 'to." 3..2..1...GO
Nagkanya-kanya kaming sugod. Si Jason at Boss Kel lang ang pachill chill sa upuan. Si Yoan nman tsaka si Ijan nasa ibang lupalop nentong buliding nanghahack ng mga cctv.
"Oh Troy, parang dati lang kinalaban mo pa yang grupo na yan ah, dahil gusto mong maging makapangyarihan. Bat kasama ka na nila ngayon." tinignan ko muna yung kalaban ko. Nung nakilala ko sya, sinuntok ko na.
"Maling balita yata ang nakarating sayo, pare."
Pero totoo yung kinalaban ko dati sina Boss Kel. Di dahil gusto ko syang matalo, kundi dahil gusto ko syang maging kaibigan. Idol ko kasi sya simula dati. Yung maangas nyang aura, makapangyarihan nyang tingin, at yung nakamamatay nyang ngisi. Tas antinik pa nya sa mga babae kaya ayun.
Matalino din kasi yang si Boss, kaya simula nung naging parte ako ng grupo nya nagsipag na rin akong mag-aral. Dati kasi puro bulakbol ako tas lampa pa kaya ayaw nya talaga akong isali. Nun ko lang din nakilala si Master nung nag-kaaway kami. Dun ko lang din napagtanto na kung maangas si Boss mas maangas si Master.
"Oh wala na?" kunyaring nagulat na sabi ni Kel. Ubos na kasi yung mga kalaban, si Jason na lang yung natira sakanila.
"Hayop ka talaga Michael! Wala kang patawad, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bat mas pinili ka ni Angelika kesa saken. Eh masama ka."
Biglang tumayo si Boss at pinigilan nung susugurin na sana ni Topher si Jason. Sayang nabugbog na sana si gagu.
"Alam mo kung bakit MAS pinili ako ni Angelika? Dahil MAHINA ka, hindi mo sya kayang ipagtanggol." tumigil saglit sya. "Sa susunod alamin mo muna kung sino yung kinakalaban mo. Ni hindi nga pinawisan yung mga kasama ko eh." nakangising saad ni Kel.
Tinignan ko yung nga kasama ko, anim lang kami dito. Tumabi ako kay Ron.
"Pre, nasaan yung dalawa? Bat anim lang tayo dito?" tanong ko.
"Umalis. Nagmamadali nga si Ua eh."
Nasaan kaya yung mga yun? Hay...bahala na nga sila.
Kael's POV
Nakakatuwang panoorin sina Kuya dito sa malayo. Tamang away lang sila, ako kasi hindi na ko gumaganyan ih. Tapos na ko dyan.
Maski sina Ijan at Yoan kita ko dito sa pwesto ko. Nanghahack sila, nays. Sayang pala hindi ako bumili ng popcorn para nakain ako habang pinapanood ko sila.
"Sige suntukin mo dyan... Oh sa likod mo. Hala! Nakipagkwentuhan pa yata si Oyi sa kalaban nya."
Buti talaga pinaalam saken ni Kuya kung saan sila makikipag-away. Boring nman kasi sa bahay, kaya kahit ayoko talagang makinood pumunta pa rin ako dito.
Naks...tamang chill lang si Michael Alcantara habang yung mga kasama nya nakikipag-away. Tinignan ko yung kabilang dulo, kung nasaan yung lider ng kalaban ng mga tukmol. Jason, huh? Naagawan lang sya nanghamon na ng away si g*go, nakakatawa.
"Matagal pa yata sila. Alis na nga ko, kagutom dito."
Naglakad-lakad lang ako kung saan-saan, naghahanap ng makakainan. Tas ayun may nakita ako na 7-eleven sa kabilang kanto. Wala nman sigurong makakakilala saken dito no? Bumili lang ako nung giniling na may kanin, 30 pesos lang 'to mga pare.
"Eto lang po, Ma'am?" tanong nung babae sa cashier.
"Tsaka po tubig pala." nakalimutan ko kasi, baka mabilaukan ako wala akong tubig.
"Sige po. Initin ko lang po itong pagkain nyo."
"Ah okay po, uupo lang po ko dun."
Umupo ako dun sa malapit na saksakan, phone charger machine yata yun? Basta yun. Nalowbat kasi ako kanina habang naghihintay kina Kuya. Aba...mas nauna pa ko dun kesa sakanila na makikipaglaban. Buti nalang di ako napansin nung kampon nung Jason.
"Ma'am eto na po yung binili nyo." abot saken nung crew dito sa 7-eleven
"Ah sige. Salamat Kuya."Binuksan ko na yung pagkain ko. Nays mainit init pa yung giniling. Habang kumakain ako may nakatingin saken na bata sa labas, nakakaawa nman. Kumain lang tuloy ako ng mga 10 subo tas kinalahati ko yung tubig, bago ako lumabas at binigay yung pagkain ko dun sa bata.
Hinugot ko na ren yung cellphone ko dun sa machine. Pagbukas ko tadtad ng missed call galing kay Quin. Anong nangyare dito sa lalaking 'to? Pagkatapos nilang umalis ni Ua kanina, tatawag tawag sya ngayon. Hindi ko nman sya macall back dahil wala akong load.
Naglakad-lakad lang ulit ako, hanggang may natanggap akong text galing kay Yoan.
From: Yoan
[Master? Where are you now? We can't call your phone.]
Pero dahil nga wala akong load di ko sya mareplayan.
Uke Calling...
"Hello? Bat?" tanong ko agad.
"Baket? May nangyare ba kay Ua?" tanong ko ulit, nang hindi sya sumagot nagsalita ulit ako. "Sige. Papunta na ko dyan. Bye."
Naglakad-takbo na ginawa ko para makapunta agad ako sa condo ni Ua. Buti nalang medyo malapit na ko dun. Ano nman ba kasi 'tong problemang pinasukan nila? Shemayyyy.
********************
Please Vote, comment and share poooo...salamatchhhhh sa mga nagbabasa.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.