Chapter 18: New

15 4 0
                                    

Kel's POV

"Kuya?" tawag saken ni Kael.

Oo, ni Kael. Dalawa na kasi silang natawag saken ng Kuya. Sya at si Xhia, tinanggap na rin nya ko sa wakas bilang kapatid nya.

Isang buwan na ang nakakaraan at pinipilit ko naman ng bumawi kay Kael. Kung kailangan nya ng kasama, ako yung sasama sa kanya. Kapag may gusto syang puntahan o sabihin, saken sya unang nagsasabi. Ngayon nagagawa ko nang maging mabuting kapatid at boyfriend. Time management lang pala ang kailangan at unahin ang pinaka-importante, at yun ay ang mga kapatid ko, lalo na si Kael.

Pero hindi pa rin nawawala sa kanya na biglang sasabihin saken na unahin si Anj dahil kaya naman nyang mag-intay.

"Mm-mm."

"Pede ba kong bumili ng panibagong study table?" tanong nya saken. Duda na ko dito ah.

"Bumili? O nakabili ka na?"

"Hihihi...Nakapag-order na ko Kuya ih. Dali na Kuya." sabi nya sabay lapit saken at pakita nung inorder nya.

"Black. Kael hindi ka mahilig sa black kaya panong sayo to?"

Maganda naman talaga yung study table pero kung bibili kasi si Kael ng gamit nya lagi yong kulay blue, kahit anong shade pa yan ng blue basta blue.

Ngumiti lang sya saken ng alanganin.

"Kay Xhia to, tama?" sya lang naman ang mahilig sa itim dito.

"Kuya...kasi---"

"Xhia?!"

"Bakit Kuya?" kaswal lang syang pumasok sa kwarto ko.

"Ikaw nag order nento?" tanong ko sakanya.

"Opo. Kuya kas--" naging mamong tuta yung muka nya.

"Bat hindi ikaw ang nagpaalam saken nito?"

"Baka kasi pagalitan mo ko. Kaya kay Kael ko nalang sinabi na ipaalam sayo."

"Xhia. Minsan ka lang humingi saken ng mga bagay-bagay. Hindi naman kita papagalitan kung may bibilhin ka na para sayo naman. Syempre tatanungin lang kita kung saan mo gagamitin para alam----"

"Mag-aaral na ko next school year." pagputol nya sa sasabihin ko na kinagulat ko ng sobra.

"Sa wakas nasabi na rin nya." rinig ko pang bulong ni Kael.

So matagal na nila tong plano? Bakit hindi nila sinasabi? Ang hirap talaga kapag ikaw lang yung nag-iisang lalaki sa inyong magkakapatid, ganun rin kasi yung feeling ni Luke.

"Seryoso?" tanong ko ulit sakanya at tumango lang sya.

Sa sobrang tuwa ko napatayo ako sa study table ko para yakapin sya. Nagulat pa sya kaya ako lang ang nakayakap.

"Congrats. I'm so proud of you." bulong ko.

Tsaka nya lang ako niyakap pabalik pagkatapos kong ibulong sa kanya yun, kasabay ng pagkarinig kong pag-iyak nya.

"Akala ko magagalit ka kapag sinabi ko." umiiyak pa rin sya.

"For your information Kuya, kabadong-kabado pa sya nung mga nakaraang araw habang sinasabi saken yan." singit ni Kael kaya napabitaw na ko sa pagkakayakap kay Xhia.

"Bakit naman ako magagalit kung gusto mong mag-aral? Ano pang gusto mo para mabili na natin? Halika punta tayong tatlo sa mall para makita din natin yung inorder nyo, maniningin na rin tayo ng mga gamit."

"G ako. Paubos na rin naman yung gamit ko dyan." bored na sabi ni Kael.

"Mag-aayos na ko."

Nang makaalis na silang dalawa sa kwarto ko ay nag-ayos na rin ako at tinignan ang savings ko, baka kasi wala na kong pera. Ang lakas ko pa naman mag-aya tapos wala na pala kong panggastos.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon