Kael's POV
Gumising pa rin ako ng masakit ang katawan, pero aaminin ko na nakatulong yung pain reliever na pinainom sa akin ni Kuya kahapon, kaya masasabi kong kumikirot nalang sya ngayon.
4:30 palang hindi ko alam kung gising na si Kuya pero tumayo na ko at baka makatulog ulit ako kung hindi ko pa lilisanin ang pinakamamahal kong kama. Syempre kahit makirot pa yung katawan ko kailangan ko pa ring pumasok. Ano nalang sasabihin ko kapag tinanong ako bukas ng mga teacher namin kung bakit ako absent ngayon? Alang naman sabihin ko na 'Masakit po kasi yung katawan ko kahapon dahil nagpatattoo ako' edi pinagalitan naman ako nun.
"Good morning Aling Teresa." halos maging bulong nalang yung bati ko. "Ang aga nyo naman pong gumising."
"Baka kasi magising na ang iyong Kuya Chael. Maghahanap na agad yun ng pagkain panigurado."
"Gusto nyo po ako nalang maluto ngayon. Sige na Aling Teresa, mukang pagod na pagod na po kayo ih."
"Pero, kasi baka pagalitan ako ng Mama mo na pinapakilos kita dito sa bahay. Ayaw pa naman nun na napapagod ka." sinaktan nga ko tas ayaw akong mapagod. Tss
"Naku, Aling Teresa. Hindi po ako mapapagod kung magluluto lang ako. Tsaka sabihin nalang natin na gusto kong lutuan ngayon si Kuya kasi mukang problemado sya." gusto ko lang talaga syang pagpahingahin. Bata pa naman si Aling Teresa, mga 30 palang sya siguro.
"Sige na nga, iha. Basta ikaw ang bahala saken kapag nalaman to ng Mama nyo ah."
"Sige. Salamat po."
Nagluto ako ng hotdog at itlog para sa aalmusalin namin. Wala na kasing masyadong stock kaya no choice, hindi rin naman kami maarte.
Nang makaluto na ako ay pumunta na ko sa kwarto ni Kuya. Unti-unti ko pang binuksan ang pintuan nya para hindi sya magising. Nakita ko lang syang nakadapa sa kama nya na topless. Actually ganyan talaga matulog si Kuya, minsan pa nga wala talaga syang saplot, hindi ko nalang pinapansin.
"Kuya. Kuya." tinapik ko pa yung balikat nya pero hindi man sya gumalaw.
Pinagmasdan ko muna sya. Hindi naman mapagkakaila na gwapo sya pero wag mo lang sasabihin sa kanya ng harap harapan dahil lalaki na naman ang ulo nya. Si Kuya... Si Kuya yung masasabi ko na full package na, kasi siguro sa lahat ng gangster na nakilala ko sya lang yung sobrang loyal. Sa sobrang loyal nya..kaya nyang talikuran yung pamilya nya para lang habulin ka.
Inalis ko nalang agad yun sa isipan ko. Past na yun, hindi na dapat pang binabalikan. Hindi nman nya siguro uulitin yun, diba?
"Kuya, 5 na kailangan mo ng gumising dyan. Anong oras ka ba kasi natulog kagabi at puyat na puyat ka ha?"
"Kanina ka pa dyan?" inaantok nyang tanong saken.
"Hindi naman. Halika na, baba na tayo. Nagluto ako."
"Sige sige. Mauna ka na."
Pumunta na ko sa may pinto nya at pinanood kung ano pang gagawin nya.
Na dapat hindi ko ginawa.
Kinuha kasi nya yung selpon nya at nagtipa dun, panigurado na tinetext na nya si Ate Anj. Ni hindi man nga lang nya muna ko binati ng 'magandang umaga'. Kaya wala akong nagawa kundi umalis nalang sa sa kwarto nya at ginising na lang si Xhia.
"Uy Xhi! Gising na. Kakain na tayo para makainom ka na rin ng pain reliver."
"Good morning, babe! Ang aga mo naman yatang nagising."
"Nakakahiya naman sayo at pinagluto kita, kaya tumayo ka na dyan."
"Thank you babe." tumawa pa muna sya bago dumarestyo sa banyo para mgahilamos.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.