Chapter 21: Summer Job

13 4 0
                                    

Kel's POV

Maaga pa lang ay umalis na si Kael dito sa bahay, yun ang sabi ni Aling Teresa nung tinanong ko sya.

"Saan po kaya nagpunta yun?"

"Yun ang hindi ko alam iho. Basta nakita ko lang sya na umalis at dala nya yung sasakyan na niregalo sakanya ng Papa nyo."

Wala akong nagawa kundi intayin nalang syang umuwi dito. Hindi ko naman kasi yun matatawagan dahil hindi nya dala yung selpon nya.

Hanggang sa bumaba si Xhia ay hindi pa rin sya nakakabalik.

"May problema ba tayo Kuya?" tanong pa nya habang nakain kami.

"Alam mo ba kung nasaan si Kael?"

"Hindi. Akala ko nga nandito sya sa baba eh."

Hayyy Mikaella! San ka ba kasi nagpupupunta? Hindi mo man lang nagawang magpaalam saken nang hindi ako nag-aalala sayo.

"Ma? Pwede bang hindi muna ko makapasok ngayon?" tumawag na ko kay Mama para magpaalam at saka mahanap na si Kael.

[Michael, you can't. Marami pang paper works ang nag-iintay sayo dito. Hindi naman siguro importante yan para umabsent ka.]

"Ma nawawala po kasi si Mikaella."

[Son, Mikaella can manage herself. Uuwi yun dyan kapag gusto nyang umuwi, don't worry and her anymore, she is big now. How's Xhia there?"

I sigh in disbelief. Nagawa nyang kamustahin si Xhia na hindi naman nya kaano-ano kesa kay Kael na anak nya. Kaya hindi ko masisisi si Kael kung ayaw na nya talagang malapit kay Mama, kasi parang wala namang pakialam si Mama sakanya eh.

"She is fine, Mama."

[Good. Make her safe everytime and feels at home, okay? Got to go son.]

 Kailangan ko ng mag-ayos para makapasok na ko, sa mismong company ni Mama. Summer job. Para magkaroon ako ulit ng pera dahil hindi nalang si Kael ang binubuhay ko ngayon kundi si Xhia na din. Hindi naman pedeng humingi lang ako ng humingi kay Mama ng pera dahil gusto ko din naman na ako nalang yung gumagastos sa mga pangangailangan nila.

"Kuya. Dun muna ko kina Josh ha, magmomovie marathon lang kami. Wag kang mag alala andun naman si Jersel ba yun? Basta yung kapaid ni Josh. Bukas na ko uuwi, byee." mabilisang paalam sakin ni Xhia.   

At dahil nga si Xhia yun, wala akong magagawa kundi pumayag. Grabe, iniiwan na talaga ako ng mga kapatid ko mag-isa, hindi man lang tinanong kung okay lang na mawala muna. Porket bakasyon sinusulit nila yung pag-alis alis.  

Nasa sasakyan na ko nang magtext saken si Zild. Tinanong ko kasi sya kung alam ba nya kung nasaan si Kael since magbestfriend naman sila.   

From: Zild

Kael is in our house, enjoying my parents accompany. Let her stay there for a meanwhile because my parents is missing their so-called daughter.  

Okay. Nakampante na ko dahil alam ko na kung nasaan si Kael. Bat ba hindi ko agad naisip yun? Ganyan din sya dati eh, kapag bakasyon halos dun na tumira kina Zild. Ang dahilan nya ay may mga magulang kasi daw sya dun, may nagmamahal sakanya na hindi nya nararanasan sa mismong tahanan nya.

Hindi ko naman sya masisisi kasi totoo naman. Simula nung nawala si Papa, wala nang tumayong magulang samin kaya ayun, napabayaan na kami at nagkalayo. Kahit ako rin naman may tinuturing na mga magulang.   

Yung mga magulang ni Luke.

"Good morning Sir Michael." bati saken nung receptionist. 

"Morning."

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon