Chapter 2: King of the Gangster

74 7 0
                                    

Uke's POV

Panibagong araw para sa napagwapong katulad ko. Ang aga-aga nagtext agad si Kel. Ni hindi man lang naggood morning muna o kaya kinamusta ako. Parang hindi best friend eh. Mungtanga.

From: Kel my friend

Meeting at tambayan, recess time bawal malate. May sasabihin lang ako

Ano naman kayang sasabihin neto, baka tungkol kay Master. Papayagan na ba nya kaming manligaw sa kapatid nya? I mean, ako, papayagan na ba nya kong ligawan yung kapatid nya kahit matagal ko naman ng ginagawa yun. Wag na pala yung iba, wala naman silang ambag sa lipunan.

Oyi's Calling....

"Hello!"

[Oy Uke! Nabasa mo na ba yung text Boss?!] Bat parang ang taas naman agad ng energy nito? Makasigaw eh, amo lang ang peg?

"Oo, bakit?" Hindi ko sya ginaya na parang pasigaw na ang pagsasalita. Mahaba pa ang araw, baka maubusan agad ako ng energy.

[Alam mo ba yung sasabihin nya?] Napahilamos ako ng mukha. Hanep na yan, dictionary ba ko at alam ko ang lahat?

"Di ko alam. Pero baka tungkol kay Master." Naknang, sarap babaan ng tawag eh.

[Baka nga. Oh sige na bye, kita nalang mamaya.] Pagkatapos nyang magsalita ay binaba na nya agad ang tawag.

Kahit kelan talaga ang bastos netong lalaking to. Di porket ako ang kanang kamay ni Kel dahil nga sa matalik kaming magkaibigan ay alam ko na yung sasabihin nya. Usual maaga na naman ako sa school. Dapat sa akin na nila binibigay yung susi ng school eh, para ako nalang yung nagbubukas nito.

"Hoy! Alagad ni Michael! Nasaan yung amo mo?" Napaangat ang tingin ko nang may humarang sa akin habang naglalakad ako. Parang kilala ko to ah, isa to sa alagad ni Jason, yung kalaban naming gang sa kabilang paaralan. Gago paano to nakapasok dito?

"Anong sabi mo? Michael? Baka gusto mong makarating to sakanya. Watch your words, at pake mo ba kung nasaan sya." Lalagpasan ko na sana sya nang magsalita na naman sya.

"Di porket kasama ka nila di ka na magagalaw." 

"Are you threatening me? Kung oo, you're threatening the wrong person, dude," saad ko. 

Pagkatapos ng walang kwentang eksenang yun dumiretsyo na ko sa class room. Aba, mabuti sana kung binigyan nya ko ng pera eh, baka natuwa pa ko sa kanya. Kaso bad trip lang ang dala nya.

"Hoy Topher! Nabasa mo na ba yung text ni Kel?" Nag-iba ang mood ko nang makita ko mula sa labas ang isang tropa.

"Oo, pero di ako pupunta." Ha? Hakdog.

"Bakit? Anong meron?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya. May nangyari ba dito na hindi nya sa amin sinasabi? Overthink na ko nyan.

"Basta. Don't you worry." Tumawa pa sya na parang may nakakatawa sa sinagot nya.

"Wazzup Uke at Topher." Napalipat ang tingin ko sa bagong dating.

"Oy Quin, ngayon lang yata kita nakita?" Isang buwan na kaya mula nung nagsimula yung klase tapos ngayon lang sya sumulpot. Aba, anong akala nya sa sarili nya, anak ni Henry Sy o ng may-ari ng paaralang ito?

"Ay oo, nagkaroon kasi nang problema kaya di agad ako nakapasok. Pero now I'm here, wala pa si Master?" Luminga-linga pa sya at mukang hinahanap nga si Kael.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon