Kael's POV
Nakasakay na ko sa kotse ni Uke, papasok palang kaming dalawa. Pano ba naman nakikain pa muna dun sa bahay kasi hindi pa daw sya nag-aalmusal at baka nag-aantay na ko sa kanya sa labas. Eh hindi ko nga alam na susunduin pala nya ko ih. Kaya ayun pagkaalis ni Kuya, kumain na sya dun..kasabay pa nya si Xhia.
Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit merong sulat para saken dun sa mailbox sa gate. Habang nakain kasi kanina yung dalawa may inabot sakin na sobre si Aling Teresa, pangalan ko daw yung nakalagay dun sa sobre. Ayoko namang buksan sa harap ni Uke at baka isumbong pa ko kay Kuya. Para kasi syang death threat.
"Gusto mo Master samahan na kita sa C.R dyan sa malapit?" tanong nya pagkababa nmin ng kotse nya.
"Hindi na. Malapit lang naman yun. Basta kapag hinanap ako ni Kuya sabihin mo...umihi lang ako dyan sa isang building sa tabi-tabi. Tsaka pinuntahan ko si Ijan kasi may tatanong pala ko sa kanya." pagpapalusot ko para hindi sya maghinala tungkol dun sa sobre.
"Ah sige. Ingat ka pagpasok, kita nalang tayo sa room mamaya. Byieee." pagpapaalam pa nya.
Naglakad-lakad ako papunta dun sa isang abandunadong building, dun nilalagay yung mga sirang upuan at lamesa, parang tambakan ganun. Dun ko kasi napagdesisyunan na buksan yung sobre dahil walang taong pumunta dun.
"Pretending to be a nerd, but actually a monster?" patanong kong basa dun sa nakasulat sa papel na nakalagay sa loob ng sobre. "I wish someday that is not the cause of your death."
Sabi na nga ba death threat to eh. Pero ang pinagtataka ko bakit hindi na sya konektado kay Kuya, dati kasi kapag may nagpapadala saken ng death threat may kinalaman si Kuya...pero ngayon parang wala. So it means that...
"Kilala talaga ako nung nagpadala nento." pabulong kong sabi.
"Receiving death threat, huh?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"I saw Luke and he said that you will go to me. I don't know this is my building now?"
"Palusot ko lang yun sakanya. Baka kasi isumbong nya ko kay Kuya kapag sinabi ko yung totoo."
"So you used me as your excuse. Really Tol?" sarcastic nyang tugon saken.
Eh natatakot kasi ako kapag nalaman ni Kuya na may nagpadala saken ng death threat paniguradong hahanapin nya yun. Pero kung dati to baka nagsumbong na ko sakanya, since konektado nman sya ang kaso kasi ngayon... walang kaugnayan sakanya yung D.T.
"I think Im the who's gonna tell this to Kel." maglalakad na san sya palabas ng building pero hinarang ko agad sya.
"Wag. Please Ijan." pagmamakaawa ko.
"Sure." nakahinga ako ng maluwag "In one condition."
Alam kong hindi magpapaawat tong bestfriend kong to kaya tinanong ko sya kung anong kondisyon yun.
"Every death threat you will receive, make sure that I know that too."
"Pano kapag nakalimutan kong sabihin sayo?" baka makalusot lang nman.
"Then you are doom." nakangisi pa sya habang sinasabi yun kaya alam kong totohanin nya talaga na isususmbong nya ko kay Kuya.
"Fine. Deal."
Para makasigurado talaga sya na ligtas akong makakarating sa building ko na may kalayuan sa building nya, hinatid pa nya ko sa mismong room ko. Bago ako pumasok kinausap ko muna sya.
"Pano ba yan... dito na yung room ko." sabi ko na para bang magjowa kami, nakita ko pa ang pag-irap nya kaya natawa ko ng mahina. "Salamat sa paghatid at sa pagtatakip saken kay Kuya." seryoso at pabulong ko nang sabi sakanya.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.