Chapter 28: Fear

12 4 0
                                    

Kael's POV

Tahimik akong nagkukulong sa kwarto ko nang may biglang bumato sa bintana at nabasag ang salamin. Sumilip ako sa may butas na bintana para makita ko kung sino ang bumato pero wala namang tao akong nakita.

Tinignan ko ang bato, nakabalot yun ng papel. Kinuha ko yun at binasa ang nasa loob.

BOOM!!!

-P

Nabitawan ko ang hawak kong papel dahil sa nakasulat sa loob. Putek, pano nila nalaman kung saan ako nakatira, pangalawa na to. Alam ko naman kung sino ang nagpapadala nento pero hindi ko pa rin maiwasang mainis kung pano nila nalalaman ang tungkol sa akin at sa pamilya ko. Tinago ko nalang muna ang threat na yun sa drawer na may lock para walang makakita na kahit sino. Kung dati binabalak ko palang puntahan yung nagpapadala nito, ngayon desidido na ko, itutuloy ko na yung binabalak ko. Nagsuot ako nang black tshirt at pants, pati na rin itim na cap. nagdala din ako ng itim na jacket dahil malayuang byahe ang dadanasin ko.

Pagbaba ko palang ay agad ng hinanap ng mga mata ko si Kuya. Ilang araw na kasi syang hindi umuuwi dito. Nung mga nakaraang linggo naman ay hindi kami halos nakakapag-usap kasi naging busy ako sa mga school activities, tapos sya naman ay sa girlfriend nya.

"Aling Teresa nakauwi na po ba si Kuya?" tanong ko nang mapadaan si Aling Tere.

"Nako iha, hindi pa nga eh. Maski yung mama nyo ay hinahanap sya." sagot nya saken.

"Ah sige po. Salamat." nakangiti kong sabi.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na naman kasi alam kung saan nagsususuot yung kapatid ko at hindi ko sya mahanap.

"Problema mo?" biglang sulpot ni Xhia, may dala pa syang isang basong tubig.

"Hindi pa kasi umuuwi si Kuya, nag-aalala na ko, baka mamaya may nangyari na dun. Alam mo ba kung nasaan sya?" baka kasi nagkausap silang dalawa.

"Hindi. Hindi rin kami masyadong nagkakausap eh. Ghe kain muna ko."

Habang kumakain si Xhia ay tinawagan ko muna yung bestfriend ni Kuya. Isang ring palang ay sinagot na nya agad.

[Hello Master?] bungad nya.

"Uke, alam mo ba kung nasaan si Kuya?" yun na agad ang tanong ko.

[Hindi eh. Bakit?] napasabunot nalang ako sa buhok ko sa buhok ko sa sagot nya.

"Ah wala wala. Salamat."

Agad kong inend ang tawag at ngayon naman ay ang bestfriend ko ang tinawagan ko.

[What?] masungit na sagot nya ng tawag.

"Mamaya ka na magkatopak. Ijan, alam mo ba kung nasaan si Kuya?" napakagat nalang ako sa labi ko habang inaantay syang sumagot.

[No.] nadismaya lalo ako sa sagot nya.

"Sige bye."

Ganun dina ng ginawa at sinabi ko sa iba pang kaibigan ni Kuya pero puro hindi daw nila alam ang sinasagot nila. Napaupo nalang ako sa tabi ni Xhia na pinapanood ako habang naiistress sa nawawala kong kapatid.

"Hindi daw nila alam kung nasaan si Kuya." medyo inis na sabi ko.

"Uminom ka muna ng tubig para kumalma ka." pinagsalin pa nya ko sa baso, ininom ko agad.

Kael mag-isip ka kung sino pa ang pwedeng makaalam kung nasaan yung kuya mo.

Parang may light bulb sa ulo ko nang maalala ko si Ate Anj. For sure alam nya kung nasaan yung kapatid ko diba? Kaya tinawagan ko na agad sya.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon