Kael's POV
Dahil nga sa malapit na ang bakasyon ay dumadami na ulit yung mga requirements na dapat ipasa, pero chill lang ako kasi halos napasa ko na yung iba kaya konti nalang yung gagawin ko.
"Babe okay ka pa ba dyan?" tanong saken ni Xhia na umiinom ng juice sa tabi ko.
"Konti nalang talaga babe." sagot ko sa kanya habang nakatutok pa rin sa ginagawa ko.
"Kain ka muna kaya. Kagabi ka pa hindi kumakain eh, magtatanghalian na nakatutok ka pa rin dyan sa ginagawa mo." para syang nanay ko na pinapagalitan ako.
"Konti nalang, Xhi."
"Ako pa naman ng nagluto ngayon tas hindi mo kakainin." pagpapaawa pa nya.
"Fine. You win. Kakain na ko tutal dalawang subject nalang naman to."
Niligpit ko muna yung mga kalat ko, tinulungan na din ako ni Xhia para mas mapabillis yung pagliligpit. Ang gulo nga ngayon ng kwarto ko ih. Para syang tambakan ng mga pinaglumaang gamit.
Sinilip ko na din si Kuya sa kwarto nya dahil halos isang linggo na kaming di nag-uusap. Naging busy kasi kami pareho. Simula nung malling namin last last week wala na, narealize ko ang bilis pala ng panahon no? Lalo na kapag andami mong ginagawa.
"Kumain ka na, babe?" tanong ko. Talagang sineryoso na namin ni Xhia yung pagtawag ng 'Babe' sa isa't isa.
"Oum. Kasabay ko pa nga si Kuya eh."
"Oh anong gagawin mo pa dito? Papanoorin akong kumain?"
"Oo. Wala naman akong gagawin eh." lagi naman.
"Baka matunaw naman ako nyan ha." pagjoke ko sa kanya dahil masyado na naman syang seryoso.
Marami na ang kinain ko ngayon dahil baka hindi na ulit ako makakain mamaya. Kailangan ko na kasing gumawa ulit at baka magcram ako hindi ako agad gumawa, sayang naman yung mga ideas na naiisip ko. Tsaka hanggang Friday nalang kasi yung deadline, syempre kapag maaga mas dagdag points at para makapagrelax na rin ako kapag napasa ko na to.
"Tapos na ko kumain."
"Sige iwan mo nalang dyan. Ako na bahalang magligpit. Goodluck babe." nagflying kiss pa sya saken.
Sinilip ko ulit si Kuya sa kwarto nya, nagsusulat lang sya dun. Ganun kasi sya magbabasa muna tas take down notes tapos pagsasamahin na lang nya yung mga ideas.
"Kaya mo to. Konti nalang." sabi ko sa sarili ko at nagstretching muna bago buksan ang laptop ko. Report na lang kasi yung gagawin ko.
Tatlong oras na kong nakatutok lang sa laptop at ginagawa yung mga report na requirement ng mga teacher namin. Mga pahirap sa buhay, buti nalang pumayag sila na laptop ang gamitin kesa maghandwritting. Nang malapit na kong matapos ay may kumatok sa pinto.
"Pasok." sabi ko nang hindi tinitignan yung pinto.
"Kael tapos ka na ba?" agad akong napatingin sa nagsalita.
"Hindi pa Kuys pero malapit na. Bakit?"
Kinamot nya muna yung batok nya bago nagsalita, "Pede ka ba bukas? Arat gala."
"Mmm... kung matatapos agad ako dito, pede ako. Kaya leave me alone muna." pabiro kong pagtaboy sa kanya, tinawanan lang nya ko.
"Sige. Take your time and goodluck." paalam nya bago lumabas ng kwarto ko.
Alam ko naman na nag-aaya na naman sya na lumabas kami kasi nga pinaninidigan na nya talaga yung sinabi nya na babawi sya saken. Pero kahit ganun, alam ko pa ring may mangyayari ulit na sisira samin. Hindi ko na lang masyadong pinapansin kasi sinusulit ko nalang. Natapos din ako pagkalipas ng dalawang oras.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.