Kael's POV
Aaminin ko na naging mas busy kami ngayong bakasyon kesa nung may pasok pa. Nung may pasok pa kasi nagkikita-kita pa kaming tatlo dito sa bahay, pero ngayon wala na talaga. Nagkaroon na yata kami ng sari-sariling mundo. Ako laging na kina Ijan, si Xhia naman laging na kina Ua, tapos si Kuya nagtatrabaho. Kung hindi naman sya nagtatrabaho, kasama naman nya si Ate Anj.
"Aalis ka ulit Kuya?"
Kakauwi lang nya kasi galing companya nila. Ni hindi man lang ako binati nung pumasok sya ng bahay, diretsyo akyat na agad, tapos ngayon bababa sya ng nakapang-alis na.
"Oo eh. Sasamahan ko si Anj ngayon, may pupuntahan daw kasi sya."
"Ah okay. Ingat kayo." sabi ko nalang sakanya nang hindi tumitingin. Nanonood kasi ako.
"Hindi pa umuuwi si Xhia?" tanong nya. Umiling ako, sign na hindi pa kami nagkikita ulit ni Xhia.
"Ohkay. Alis na ko. Ikaw ba, hindi ka aalis ngayon?"
"Nope. Dito lang ako sa bahay ngayong araw. Byiee."
Pagkaalis ni Kuya ay nanood lang ako ng nanood hanggang sa magutom. Pero dahil nga ako lang naman mag-isa dito bukod sa mga helpers ako nalang din nagluto ng sarili kong pagkain. Ayoko nang mang istorbo ng ibang tao para lang ipagluto pa ko no. Kasi bat ko pa gagawin yun kung kaya ko namang gawin yung ipapagawa ko pa sa iba, diba?
Ian calling......
"Helow? Nasaan ka nang bata ka ha? Aba, nakalimutan mo yatang may bahay kang inuuwian dito at kung san-san ka nagpupupunta." panenermon ko agad.
[Eto na nga po, Inay. Pauwi na ho ako dyan sa bahay. Makasermon naman to akala mo palagi ding nasa bahay.]
"Osige sige. Mag-ingat ka pag-uwi mo at nagluluto pa dito."parang nanay kong sabi. Natawa lang sya.
Konti lang ang niluto ko dahil paniguradong busog pa si Xhia pagdating dito. Hindi naman kasi yun papauwiin ni Ua ng gutom.
Siguro nagtataka kayo kung bakit parang okay lang saken na nagkakamabutihan na silang dalawa no? Ganto kasi yan, crush ko pa rin naman si Ua pero nakikita ko na nagkakagusto na si Xhia sa kanya. Aba, anong laban nung crush sa gusto? Tsaka halata naman na may feelings na rin si Ua sa bestfriend ko, hindi kay Ijan ha, kay Xhi. Kaya hinayaan ko na silang dalawa na magkamabutihan.
"I'm home. Kamusta ka naman dyan babe? "
"Babe mo muka mo. Pagkatapos mo kong ipagpalit dun sa Joshua na yun." kunwaring pagtatampo ko.
"Sorry na. Babawi ako sayo."
"Kahit wag na uy. Kumain ka na dyan, baka gutom ka."
Saglit lang kaming kumain ng kasama ko dahil parehas kaming inaantok. Pagdating naman sa kwarto nagkwentuhan pa kami. Sabi nya, nakilala na daw nya yung mama ni Joshua tsaka yung kapatid nun, si Jersel. Magkaibigan rin kami nun ni Jersel pero hindi kami close. Naging magkaibigan lang yata kami kasi magkaedad lang kami at minsan ay nagkakaintindihan kaya ganun. Pagtutuloy nya ng kwento, nagustuhan daw sya ng mama ni Ua kasi muka daw syang mabait na bata.
Wow, sanaol approve na agad sa magulang.
Nung ako na yung magkukwento nakatulog na sya kaya no choice kundi matulog na din ako.
Kel's POV
"How's them?" Anj suddenly ask.
"Whos is them?" nagtataka kong tanong dahil wala naman syang binabanggit na pangalan.
"Your sisters."
"Nasa bahay si Kael ngayon. Hindi ko lang alam kung umuwi na rin ba si Xhia dahil hindi naman sya nagmemessage saken."
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.