Kael's POV
"Kael!" Napabangon ako nang marinig ang boses na iyon. Nahulog pa ang ilang unan na nasa tabi ko dahil sa bigla kong pagbangon.
"Oh? Pababa na!" sigaw ko habang inaayos ang pinaghigaan ko. Nang pupulutin ko na sana ang huling unan na nahulog ay narinig ko na naman ang sigaw nya.
"Pupuntahan pa kita dyan?!" Napangiti ako sa narinig at pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakahiga. Nagkumot ulit ako para magpanggap na kakagising ko palang.
"Sige!"
Habang paakyat sya ay naririnig ko pa rin ang pagrereklamo nya. Lalo na nang buksan na nya ang pintuan ng kwarto ko. Pero no choice sya dahil hindi nya ko matitiis bilang pasaway nyang kapatid.
"Alam mo napakapabebe mo," sabi nya habang tinatanggal ang comforter ko. Nagmake face pa sya kaya ginaya ko.
"Oh tapos?" pambabara ko.
"Kung di lang kita kapatid, naku, matagal ka ng nakatikim ng ultimatum." Napataas ako ng kilay sa sinabi nya pagkatapos ay hinampas ko sya sa braso kaya sumama ang tingin nya sa akin.
"Ipasan mo nalang ako," saad ko pa, walang pakialam sa masamang tingin nya.
"Ay napakagaling." Nakapamewang nya sabi. "Bilisan mo lang ang pagkilos at baka malate pa ko. Tsaka for your information malapit ng magtime kaya umayos ka na."
"Pati rin naman ako. Ay, hatid mo pala ko sa room," sabi ko habanag nakapasan sakanya at pababa na kami ng hagdan. Ni hindi ko nga akalain na ipapasan nya talaga ako eh.
"Ano ka chicks? Malaki ka na no." Ows? Share mo lang?
"Bantayan mo nalang ako habang papasok ako." Ayan ha, binigyan ko pa sya ng choice para umayos yung desisyon nya sa buhay.
"K. Nga pala hintayin nalang kita sa may parking. Pumunta ka nalang dun." Kahit hindi ko nakikita ay ramdam ko naman na umirap sya pagkasabi nun.
Habang pababa ay nagpapraktis na ako ng introduction ko. Hello guys!!! I'm Mikaella Alcantara, 19 years old, 2nd year highschool. Mestiza, may kasingkitan ang mata pero wala akong lahi ah, makapal yung kilay ko na maraming humahanga. Hindi ako katangkaran. Yung buhok ko naman ay kulot na mahaba, hindi rin katangosan yung ilong ko at sakto lang yung hugis ng labi ko.
Yung masungit na yun ay ang kuya ko. Medyo dark yung balat nya saken tapos bilogan ang mata nya, matangkad, malinis ang gupit at medyo matangos ang ilong. Parehas kaming pa-V shape yung muka kaso chubby lang yung pisngi ko kaya nagmumukang bilog. Manipis naman ang labi nya tapos yung kilay nya ay parang inahit pero makapal din, kaya magandang tignan.
Kapag nakita mo kaming magkasama ay hindi mo kami mapagkakamalan na magkapatid dahil hindi naman kami sobrang magkamuka, no. He's a gangster, a leader of all gangster in our school. Pero mabait naman yun. And I'm his nerd sister. Pero hindi naman talaga ako nerd, sya lang ang tumawag sa akin nuon dahil may makapal akong salamin.
"Wow! Ako pa mag-aadjust," sabi ko dahil ano sya, chicks paglaki manok? Binababa nya ako sa isang upuan sa dining table namin at sya ang nag-asikaso ng kakainin ko. Parang siraulo lang, pinagsisilbihan pa ako.
"Hala namang ako." Pagsusungit nya pa, di naman uubra sa'ken.
I use my devil voice, Handa ng ilabas ang alas ko sa kanya para mapapayag sya sa gusto ko. Kuya lang sya kaya ako pa rin ang masusunod no. Ang kapal naman nya kung sya.
"Sige wag mo kong sunduin sa room, ipagkakalat ko na mahilig ka sa Phines and Ferb." Pftt.. Syempre nakakahiya naman kung malalaman ng iba na yung leader ng mga gangster mahilig sa Phines and Ferb. Hindi lang sa Phines and Ferb, sa ibang cartoons din katulad ng Ben10, Adventure Time, at Spongebob.
BINABASA MO ANG
Gangster And Nerd Siblings
Teen FictionHow's the life having gangster brother and nerd sister, did they treat each other well or they just treat each other like a nothing. Would they risk again for having a good connection to each other after all the bad things happened to them.