Chapter 29: Give Up

11 5 0
                                    

Kael's POV

Isang buwan na ang nakakalipas mula nang puntahan ko ang building na yun. Simula nun ay lagi ko ng sinusubaybayan si Xhia, baka kasi pagnawala sya sa paningin ko ay makuha na sya ng dati kong grupo, ayoko namang mangyare yun kaya todo bantay talaga ako sa kanya. Pinapanahanap ko na din kina Ijan si Caloy para mawalan na ng hawak saken si Pres.

Patuloy pa rin kami sa pag-aaral. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung nasaan na si Kuya. Ang hirap nyang hanapin dahil sobra sya kung magtago, ni wala kaming matrace tungkol sa location nya, nagtulong-tulong na nga kami ni Xhia na magaling sa kompyuter para lang mahanap sya pero wala pa din. Hindi ko man inaamin pero masakit ang nangyayare para sa akin, dahil sa pangalawang pagkakataon ay iniwan nya ulit ako, with the same reason.

"Bakit hindi nalang tayo humingi ng tulong sa pulisya para mapadali tong paghahanap natin?" sabi samin ni Ron kaya napatingin kaming lahat.

"At anong irarason natin? Na nawawala ang kaibigan natin dahil sa broken hearted sya ngayon? Sa tingin mo ba tutulungan tayo nun sa rason natin?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Oyi.

"Sigurado bang wala kahit isa sa inyo ang may komunikasyon kay Kuya?" tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay silang umiling kaya napayuko nalang ako sa may mesa, andito kasi kami sa kusina at nakain. Halos araw-araw na nga yata kaming nagkikita dahil sa hinahanap namin si kuya.

Nagstay lang sila ng mga ilan pang mga minuto bago napagpasyahang magsiuwi na. Naintindihan ko naman sila dahil may sari-sarili silang buhay, hindi naman pwedeng magstock lang kami dito at puro si kuya ang iniintindi namin, siguro kami ni Xhia pede pa pero sila... hindi maaari.

"I just come back here tommorrow. Call me if you have lead about him, I'm just call away. Ingat kayo." sabi saken ni Ijan, sya kasi ang pinakahuling lumabas at umalis.

"Oum. Ingat ka pag-uwi." pilit na ngiti kong sabi sa kanya kaya ginulo nya pa ang buhok ko.

Tungkol dun sa deal namin, nasabi ko na sa kanya na nakatanggap ulit ako at pinuntahan ang lugar. Nagalit sya dahil bakit daw ako sumusugod mag-isa at paano kung may nangyaring masama saken. Sya lang kasi ang pwede kong masabihan ko nun, tsaka isa pa, bestfriend ko si Ijan kaya allowed naman syang malaman ang nangyayari saken lalo na kung masama yun.

Pero hindi ko inaakala na isang araw pagkauwi ko ay mangyayari na ang kinakatakutan ko.

I'm sorry? HAHAHAHAHAHA

-P

Yun ang unang papel na nabasa ko. Kahit nahihirapan ay kinuha ko pa ang isa at binasa.

You lost your sight on her, so we get her. Good luck, Mike!

-P

Napaiyak nalang ako habang nakatingin sa dalawang papel na nasa harapan ko. Fuck. Bakit nangyayari to saken? Isang pagkakamali lang nawala na ang lahat ng binubuo ko. Nawala na sila saken.

"Ijan." tawag ko at pilit pinipigilan ang pag-iyak.

[Yes?] nang marinig ko ang boses nya ay hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. [Hey, what happen?]

"Nakuha na sya. H-hindi ko alam kung anong gagawin ko."

[I will go there. Wait me, okay?] tumango ako na para bang makikita nya yun.

"Hihintayin kita."

Nakatulala lang ako dito sa sala, hinihintay ang pagbukas ng pintuan at pagdating ng bestfriend ko. Kahit nakatulala ay patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa mga mata ko, kahit punasan ko sila ay hindi pa rin tumitigil. Meron pa bang worst na mangyayari ngayong araw? Sana naman ay wala na, kasi pagod na pagod na ko.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon