Patch POV
Mabilis na sinundan ko si Jani papasok nang mall ang kaso di ko siya mahagilap. Ang bilis naman ng babaeng yon? Saan naman kaya nagpunta yun?
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng pants na suot ko upang itext siya kung nasaan siya. Ngunit ilang minuto ko ng naisend yung text ay wala pa itong reply. Sinubukan ko ng maglakad lakad nagbabakasakaling makita ko siya ngunit wala pa rin. Napadaan ako sa dunkin donut at naisipang bumili ng isa para sa kanya. Dahil paborito niya yun. Eto nalang siguro yung ipang susuyo ko sa kanya.
Nang makabili ako at kinuha ito ay nakarinig ako ng isang pagtatalo sa di kalayuan. Kahit kelan talaga di na marunong pumili ng lugar ang mga tao. Kahit saan nalang talaga ay nagiiskandalo pa.
" Damn you freaking dyke!" Sigaw ng familiar na boses.
Agad na nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Jani. Mabilis na lumapit ako sa kumpulan ng mga tao. Andaming nanunuod sa kanya for goodness sake! Sino naman kaya ang dumagdag sa pagkainit ng ulo future wife ko!?
Nagsumiksik ako papunta sa harapan para makita kung anong nangyayare. Agad napakuyom ang kamao ko ng makita ko si Aikee na may ngisi pa sa kanyang labi. Parang balewala rito ang pang-iinsulto ni Jani sa kanya kanina. Lumapit ito kay Jani ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay nakatikim na ito ng malutong na sampal.
Lumapit na ako sa kanilang dalawa at parehas na hinawakan ang mga braso nila. Hindi na maganda ang ginagawa nilang dalawa lalo at nasa public places kami. Hindi magandang makitang ang mga sikat sa business world ay magkaron ng scandal sa public. Kung dati na katulad pa rin kami nung high school and college na nasasangkot sa mga gulo ngayon hindi na maaari pa dahil makaka apekto iyon sa business namin pare parehas. Paniguradong pare parehas kaming mayayare sa pamilya namin. Dinala ko silang dalawa sa parking lot para dun mag-usap-usap.
" Bitawan mo ko Patching!" Inis na sambit ni Jani.
" Stop pulling me you biatch!" Reklamo ni Aikee at inalis ang braso niyang hawak ko.
" What happened? Bakit kailangan pang magkaron ng gulo? Are you both insane?" Tanobg ko sa kanila.
" Ask this dyke, She started it!" Inis na dinuro pa nito si Aikee at inirapan.
Napabuntong hininga ako bago binalingan si Aikee na naka crossed arms lang at nagkibit balikat.
" Explain." Mahinahon na sambit ko habang nakatingin kay Aikee.
" Why do I need to explain to you? " Mataray na sambit nito.
Napataas ang kilay ko sa inasal nito. Kahit kelan talaga ay napaka tigas ng mukha ng babaeng ito. Kaya di na ako nagtataka kung bakit iniwan siya ng parents niya rito sa Pilipinas eh. Napaka tigas ng ulo.
" Wala ka na talagang ibang dulot kundi gulo." Mahinang sambit ko at tinignan si Jani na masama pa rin ang tingin kay Aikee.
" What did you say? " Di makapaniwalang sambit nito.
" You are a troublemaker." Asik ko at inirapan siya.
Napasinghal ito sa sinabi ko. Kahit kelan talaga ay napaka mainitin ang ulo ng taong ito. Malakas siya mang-asar pero napakabilis mapikon at magsimula ng gulo. Sakit siya ng ulo ng parents niya kahit kay Vee, nung highschool pa lang kami ay si Vienna ang umaayos ng gulo niya at kumakausap sa parents niya para di siya maparusahan.
" You know nothing bitch!" Asik nito sakin.
Unti unti siyang lumapit sakin na any time ay sasaktan ako nito. Pero di ako natatakot sa kanya kaya inayos ko ang tayo ko. Nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya. Masama ang tingin naming dalawa sa isa't isa na animoy may kuryenteng dumadaloy sa mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...