Patch POV
Nang makababa kami ng stage agad akong nagpaalam sa kanya na pupunta muna ako ng restroom dahil halo halong pakiramdam na ang nararamdaman ko ngayon. Samahan pa nitong pagkalam ng sikmura ko.
Hindi ko inaasahang hahalikan niya ako sa harap ng maraming tao. Hindi niya ako ininform na gagawin niya yon. Gusto kong magalit sa kanya pero kailangan kong pigilan kundi baka masira ko ang plano niya.
Agad akong pumasok sa isang cubicle pagkarating ko ng restroom. Sinubukan kong ilabas ang sama ng loob ng tyan ko pero di naman lumabas kaya nagpasya akong lumabas nalang ulit para maghugas at mag ayos ng sarili ko.
Bumuntong hininga ako dahil kailangann ko talagang pakalmahin yung sarili ko. Di ko na malaman kung ano ba tong nararamdaman ko sa dami ng naiisip ko. Tulad ng pagsisinungaling ng daddy niya na sobrang kinasama ng loob ko, yung paghalik niya at yung kaba na sasabihin ng mga kaibigan ko. Wala silang alam sa lahat ng nangyayare sakin dahil wala akong sinabihan niisa sa kanila.
" You look pale." Bungad ng taong di ko inaasahang makita ko rito sa loob ng restroom.
Gulat na napalingon ako sa gawi niya pagkakita ko ng mukha niya sa reflection niya sa salamin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko pagkakita ko sa magandang mukha nito.
" Uhmm... Sorry Patch." Nakayukong sambit nito.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya dahil sa paghingi nito ng tawad. Tinapon ko ang tissueng pinampunas ko sa kamay ko bago ako lumapit sa kanya.
" Para saan ang sorry mo Jani?" Takang tanong ko sa kanya.
" Sorry kasi nasaktan kita at iniwasan. Ikaw yung nandyan nung mga panahon na andami kong problema. Ikaw yung kaibigan ko na takbuhan ko palagi pero dahil lang sa feelings mo para sakin eh iniwan kita at sinaktan." Mahabang paliwanag nito.
Para naman akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit sobrang namiss ko siya. Walang gabi na di ko siya iniisip. Gustuhin ko g magmove on pero ang hirap kasi malalim na yung nararamdaman ko para sa kanya.
" Sorry din dahil di ko napigilan yung sarili ko." Humihikbing sambit ko.
" No, Patch it's not your fault. Wala namang taong kayang pigilan yung nararamdaman eh lalo lagi rin akong nakadikit sayo." Tatawa tawang sambit nito kahit na may luha na ring umaagos sa pisngi niya.
Napalayo ako ng konti sa kanya upang harapin siya. Nakangiti kaming parehas sa isa't isa. Hinaplos ko ang pisngi nito upang alisin ang luhang patuloy na umaagos.
" I'm happy for you dahil natagpuan mo na yung taong para sayo." Sambit nito at marahan na napangiti.
Unti unting nabura ang ngiti sa labi ko. Para akong natusok ng karayom sa dibdib. Alam kong hindi naman niya yun sinasadyang sabihin dahil wala naman siyang alam sa mga nangyayare pero ang sakit pa rin. Mahal ko pa rin kasi siya.
" It's no---." Di ko pa natatapos ang nais kong sabihin ng bumukas ang pinto ng restroom.
" Are you done?" Nag aalalang tanong ni Arq sakin.
Napakalas ako ng yakap kay Jani at kinuha ang pouch ko. Nakangiting humarap ako kay Jani upang magpaalam bago lumapit kay Arq na naghihintay sakin sa labas ng restroom.
" Akala ko inindian mo na ako eh." Seryosong turan nito at nakahawak sa bewang ko habang naglalakad kami pabalik sa pwesto namin. " Pinatawag ka na sakin ni daddy dahil may sasabihin daw siya."
Tumango nalang ako at di na siya pinansin pa. Bago pa kami makalapit sa pwesto ng parents namin nakasalubong pa namin si Montero na masama ang timpla sa mukha.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...
