Patch POV
Lumipas ang dalawang linggo simula nung gender reveal ng twins ng mga Smith. Balik trabaho ulit kami at buong dalawang linggo kong kasama ang stupida na wala ng ginawa sa trabaho kundi kakangiti habang hawak ang cellphone nito.
" Masyado naman talagang pakipot ang isang Janicka Taki." May ngisi sa labing turan nito.
Tulad niyan hawak na naman niya ang cellphone niya mula kanina. Napataas ang isang kilay ko dahil sa narinig. Kelan pa niya chinachat si Jani? Ginugulo na naman ba niya ang future wife ko.
" Stop bothering her." Cold na sambit ko.
" Well, I'm not bothering her we're textmate since the day we kissed." May nakakalokong ngiti sa labing sambit niya.
Napahigpit ang hawak ko sa aking ballpen. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Hanggang kelan ba ako masasaktan ng ganito?
" Oops, sorry di ko sinasadya."may pagka concern na sambit niya ngunit napatsk nalang ako dahil alam kong intentional niyang sinabi yon.
Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagtatarabaho ko. Mas nag focus nalang ako rito kesa pakialaman pa ang babaeng nasa tabi tabi.
" I'm hungryyyy." Rinig kong sambit niya at nagstretch pa talaga.
Tsk.
" Edi kumain ka at wag kang maingay." Seryosong sambit ko habang pinipirmahan ang isang contract.
" Samahan mo ko lunch tayo sa labas." Aya nito sakin.
Nahihibang na ba ang taong toh? Kelan pa kami naging close para kumain sa labas? Childhood friend kami pero NOON yun. Tsaka magkaribal kami kaya no way na sasabay akong maglunch sa kanya.
" Patricia, tara na kain na tayo." Muling aya nito at nakakairita ang boses niya.
Sinamaan ko siya ng tingin samantalang nakangiti lang naman ito na parang tanga sa harap ko.
" Kumain ka mag-isa stop pestering me, Stupid." Mataray na sambit ko at inirapan siya.
" Sungit mo naman mommy." Rinig kong bulong niya.
" I'm not your mother." Inis na sambit ko.
" But you're our mother diba? Nung naglalaro tayo dati and ako ang favorite mong anak." Sambit niya.
Nagpupuyos na ako sa inis sa kanya ngunit pinipigilan ko lang yung sarili ko. Bakit ba kailangan niya pang ipaalala yung bagay na yon tsk. Humugot ako ng malalim na paghinga upang kumalma.
" Get out." Kalmadong sambit ko.
" I don't wanna." Parang batang sambit nito.
" I said get out!" Pagsigaw ko.
Hindi ko na kaya pang pigilan yung sarili ko. Masyado na akong naiinis sa babaeng toh. Hanggang kelan ko pa ba siya makakasama rito.
Agaran naman itong tumayo at umalis ng office ko. Napahawak nalang ako sa sintido ko ng nakaalis na siya. Sumasakit na ang ulo ko sabayan pa ng kirot sa dibdib ko.
Bakit biglang nagkaganito ang nangyare samin ni Jani. Ginusto niyang layuan ko siya at balewalain na yung pinagsamahan namin sa mahabang panahon dahil lang sa tinago kong feelings pero eto siya at mas piniling kausapin si Aikee.
Anong nangyare bakit nag iba bigla yung ikot ng mundo. Di pa rin ako makapaniwala na okay silang dalawa pagkatapos ng halikan nila sa parking lot. Is she start liking Aikee na ba? Pero imposible yung bagay na yun.
Ano ba Jani bakit ginaganito mo ko? Bakit sinasaktan mo ko ng sobra? Ang sakit mo namang mahalin.
Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako kundi ko lang nakita ang isang patak na tumulo sa papel na pinipirmahan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...