Aikee's POV
Pagkalabas niya ng unit ko ay napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ba nakakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ba ang big deal sakin ng mga sinabi niya noon.
Simula nung gabing nangyare sa bar at nakita ko ang pag iyak niya dahil sa takot. Pakiramdam ko na dapat nasa tabi niya lang ako para maprotektahan ko siya.
Pero mukhang hindi naman niya ako kailangan dahil may taong gagawa na nun sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa handle ng mug na hawak ko. Tama, bakit ko pa nga ba siya iniisip eh hindi naman kami close o friend like what she said after I confront her last time.
Di ko dapat stress-in ang sarili ko sa kanya. Ano ba siya sakin diba? Siya ang karibal ko kay Jani kaya hindi ko dapat nararamdaman toh eh. Dapat kay Jani ako naka focus.
Inubos ko na ang iniinom kong coffee bago nagpasyang umakyat sa kwarto ko para magpalit ng susuotin ko. Nakaligo naman na rin ako kaya nagpalit nalang ako.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone kong nasa loob ng suot kong jagger pants. Agad ko itong kinuha at hindi na tinignan ang name ng caller.
"Hello?"
" Where are you?" Rinig kong sambit na familiar na boses.
Tinignan ko ang name ng caller para makumpirmang siya nga ang tumatawag sakin. I smiled when I saw that it was really her.
" Good morning baby you miss me?" Nakangiting sambit ko I bit my lower lip para pigilan ang pagtawa ko.
" In your wildest dream duh." Napatawa ako dahil sa sinabi nito kahit hindi ko siya nakikita alam kong napairap ito ng sabihin niya yon.
" Don't laugh tsk." Nagpapalatak nitong saad.
Pinigilan ko ang pagtawa dahil baka bigla niyang ibaba yung tawag sayang naman minsan lang tumawag toh eh.
" Bakit pala napatawag ka?" Tanong ko.
" Can you pick me up here at my house?" May nangungusap na tinig nito.
" Sure baby hintayin mo ko." Nakakalokong sambit ko sinadya ko talagang i-emphasize yung salitang baby para asarin siya.
"Tsk, baby your ass loko. Bilisan mo ha."
" Yes master!" Sammbit ko at binaba na yung call.
Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko para puntahan ang bahay niya. Bale dalawang bayan pa lalagpasan ko para makapunta ng bahay niya.
Ilang minuto lang ng pagmamaneho ko ay nakarating na agad ako sa subdivision nila. Di ako agad pinapasok nung guard dahil walang sticker yung kotseng ang gamit ko ngayon. Kaya pinatawagan ko sa kanya si Chyenne (shai-en) Veneracion ang aking partner in crime nung high school at college.
Agad akong pinatuloy ng guard ng nakausap niya ito at dumiretso sa tapat ng bahay nito. Pagkababa ko ng kotse siya namang pagbukas ng gate sa katabing bahay nito. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang dalawang taong lumabas mula rito.
Nakalingkis pa sa braso nito ang isang babae na halata namang hinaharot siya ngunit ang yelong aura nito nung unang beses ko itong nakita ay may gandang ngiti sa labi nito. Tsk.
" Call me when you got there, hon." Rinig kong sambit ng malanding babaeng nakakapit sa braso niya.
" Sure, hon." Malanding turan naman nitong isa at ginulo pa nito ang buhok nung babae niya.
Hon my ass!
Yan din tawag niya kay Larzqueza tapos sa babae din niya. Wala ba siyang naiisip na ibang itatawag sa mga kabit niya tsk. Sabagay para di agad mahuli kaya pare parehas ng endearment. Whatta cheater bitch.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Roman d'amour[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...