CHAPTER THIRTY-ONE: SORRY

601 24 4
                                    

Aikee's POV

Wala na akong inaksaya pang oras pagkaalis ko ng ospital ay agad na binyahe ko ang mansyon ni Daddy. All this time siya ang may kinalaman kung bakit iniwan ako ni Patch ng walang pasabi.

Hindi ko akalain na kinausap niya ito na iwan na ako dahil para sa kanya ay si Patch ang may kasalanan kung bakit namatay si Mommy at pati na rin ang magiging anak sana naming dalawa ni Patch.

Sobrang sakit para sakin na yung tatay ko pa ang siyang tuluyang nagpalayo sa babaeng mahal ko at sisihin ito sa mga bagay na hindi rin naman nito ginustong mangyare at kung kelan sa oras na nasasaktan ito sa pagkawala ng anak namin.

Sa oras na sana ay karamay namin ang isa't isa. Hinding hindi ko mapapatawad si Daddy sa ginawa niya saming dalawa ni Patch. Hinding hindi!

Nang makapasok ang kotse ko sa garage ni daddy ay agad na pumasok ako ng mansyon niya. Gulat pa ang ilang maid sa biglaang pagpasok ko. Akmang babatiin pa sana ako ng mga ito ngunit agad silang natigilan ng mapansin ang hindi magandang aura sa mukha ko.

" Nasan ang amo niyo?" Malumanay na tanong ko ngunit nagtatangis ang mga bagang ko sa galit.

" N-nasa libr---" Hindi ko na ito pinatapos pa.

Padabog na umakyat ako ng hagdanan patungo sa kinaroroon ng library sa loob ng mansyon na ito. Ang galit na nararamdaman ko ngayon ay gustong gusto ng sumabog at kapag ganito ako walang kahit sino ang pwedeng umawat kundi pati sila ay madadamay.

Walang katok katok na pinasok ko ang library. Agad na bumungad sakin ang ama ko na nakapikit habang nakaupo sa swivel chair nito. Sa pagdilat nito ay saktong sakin agad ang tingin niya, Tila inaasahan na nito ang pagdating ko.

" Maupo ka." Kalmadong sambit nito.

" Bakit mo ginawa yon!?" Galit na sambit ko.

" Inaasahan ko na yan ang ibubungad mo sakin." Kalmado pa rin siya. " Sa pag uwi palang ng babaeng yun inaasahan ko ng kakausapin mo ko sa bagay na ito."

" Wala kang puso!" Sigaw ko. " Sa mga oras na naggising ako sobrang durog na durog ako dahil dalawang taong mahal ko ang nawala sakin!" Hinanakit ko. " Hinayaan mo kong magdusang mag isa at mangulila sa kanila. Ikaw lang ang bukod tanging kilala kong magulang na tiniis ang anak niyang makitang masaktan ito. Hindi mo alam kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdaanan ko!" Galit na sigaw ko. " Hindi na ikaw ang daddy na nakilala ko!"

Nagsimulang maglandas ang mga luha sa pisngi ko. Habang binabanggit ang mga katagang iyon. Bumalik sa ala ala ko lahat ng nangyare sakin sa loob ng limang taon.

F L A S H B A C K . . .

" Love?" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na tinig. " Lumaban ka ha. Wag mo na ulit kami bibiruin ng ganun ha. Mas okay pa na biruin mo ko gaya ng d-dati. Namimiss na kita love. Gising ka na p-please." Ramdam ko ang hawak nito sa kamay ko " Pangako Hindi na ako mapipikon kapag inaasar mo ko. Hindi na rin kita susungitan. Kaya please gumising ka na." Humihikbing sambit nito.

Pinipilit kong idilat ang mga mata ko at ikilos ang katawan ngunit napakabigat ng pakiramdam ko.

" M-may isa pa akong Hindi nasasabi sayo love. W-wala na ang baby natin." May kung ano sa dibdib ko pakrinig niyon.

"Patch!" Tanging sigaw ko sa isip ko. 

" L-love sa paggising mo baka Hindi mo na ako makita. G-gusto ng daddy mo na l-layuan kita. Ayoko man gawin pero b-baka mas makakabuti na rin sakin na lumayo muna. Hindi ko pa matanggap Ang pagkawala ng anak natin l-love. Mas Nahihirapan rin a-ako na makita kang nakaratay rito. Magbakasyon lang ako. I p-promise babalikan kita. babalik ako."

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon