CHAPTER THIRTY: SECOND CHANCE?

625 29 2
                                    

Patch POV

" Sakay." Seryosong sambit nito.

Napahiwalay ako ng yakap sa kanya. Napamaang ako ng tingin sa kanya dahil di ko inaasahan yun ang sasabihin niya habang  ang cold pa nito kung makatingin sakin. Napalunok ako dahil sa biglang kabang naramdaman ko.

"huh?" Parang tangang reaksyon ko.

" Sumakay ka at mag uusap tayo." Seryosong saad pa nito at pinagbuksan ako ng pintuan.

" P-pero si Mommy." Turan ko.

" She will be fine." Sambit nito habang hinihintay ako nitong pumasok.

Akmang magsasalita pa ako ng hilahin ako nito at pilit na pinapasok sa loob. Agad niyang sinara ang pintuan ng kotse niya kaya naman wala na akong naggawa. Hinintay ko ito hanggang sa makapasok ito sa loob ng kotse niya.

" Aik---" Naputol ang sasabihin ko ng ilapat nito ang daliri niya sa labi ko para patigilin.

" Mamaya tayo mag usap." Sambit niya at inistart na ang kotse niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba lalo na ang bilis nitong magmaneho. Gustuhin ko mang magtanong sa kanya kung saan kami pupunta pero pinigilan ko nalang dahil napakaseryoso ng mukha niya. Nakakatakot siyang istorbohin dahil baka bugahan ako ng apoy nito.

Hindi ko namalayan kung nasaan na ba kaming lugar. Dalawang oras na rin kasi kaming nasa byahe at natatakot na rin kasi ako sa lugar na dinaraanan namin. Parang papasok na kami ng probinsya at sobrang dilim na ang makikita mo kung matamaan man ng ilaw nitong kotse ay puro puno na rin ang paligid.

" Nasan na ba tayo?" hindi ko na natiis na magtanong.

" Nasa Tanay, Rizal na tayo." Cold na sagot nito.

" T-tanay? anong gagawin natin rito?" Takang tanong ko ulit.

" Just shut up for a minute, Larqueza malapit na tayo." Asik nito.

Napayuko nalang ako at natahimik. Hindi ko na rin ulit sinubukan na magtanong hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang bahay. Napakunot ako ng noo dahil sa pagtataka kung kaninong bahay ba tong pinuntahan namin at kung bakit dito niya ako dinala.

" Baba." cold na sambit nito at mas naunang bumaba sakin.

Walang naggawang sumunod nalang ako sa sinabi nito. Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan niya. Ngunit nagulat ako ng hilahin ako nito.

" A-aikee! teka lang wag mo kong hilahin." Reklamo ko ngunit tila hindi ako nito naririnig.

Hila hila niya pa rin ako  papasok walang pakialam kung matatalisod na ako. Nakarating kami sa loob ng bahay na madilim.

" Aikee bitawan mo ko." Sinusubukan kobg magpumiglas kasi ang higpit na ng hawak niya.

" Ano bang ginagawa natin ri--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng isandal niya ako sa pader.

Sisigawan ko na sana siya dahil sa ginawa niya. Ang sakit kaya sa likod. Ngunit ng makita ko kung gaano kasama ang tingin niga sakin ay napalunok nalang ako sa sobrang takot.

" A-aikee." Muling tawag ko sa kanya.

Pero imbes sagutin ako nito ay naramdaman ko nalang ang labi nito sa labi ko. Gusto ko siyang itulak dahil masakit sa labi ang ginagawa niyang paghalik. Mararamdaman mo ang halong galit niya.

Ngunit imbes sabayan ko rin ang galit niya ay hinatak ko ang katawan niya palapit sakin at niyakap ko siya. Tinugon ko ang halik niya ng may pagmamahal. Kahit dito lang maiparamdam ko sa kanyang mahal ko pa rin siya.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon