CHAPTER THIRTY-THREE: The Ending

1.5K 39 2
                                    

Patch's POV

Lumipas na ang dalawang buwan na hindi man lang ako kinakausap ni Aikee. Wala man lang siyang reply sa mga text messages ko at puro missed calls na rin ako sa kanya.

Hindi ko rin siya nakikita sa condo o maging sa kompanya nila kapag bumibisita ako. Ilang beses na rin siyang pumupunta ng mansyon para bisitanin si mommy sabi ng mga maid namin. Sinasakto talaga nito na di pagtagpuin ang landas naming dalawa.

Sa loob ng dalawang buwan gumagawa ako ng paraan para mag usap kami dahil sa nangyare dahil alam kong nasaktan ko rin siya.

Simula rin ng huling pag uusap namin ni Arq ay hindi na rin ito nagpakita o nagtext sakin. Wala ako miski isang balita patungkol sa kanya. Hays.

Sa loob din ng dalawang buwan ay nagpaka busy na rin ako ulit sa kompnay namin. Unti unti ay bumabangon na ito sa tulong na rin nila Vienna at Raegan. Naging investor ang mga ito sa kompanya ko. Mabuti nalang nandyan silang dalawa kundi paka hanggang ngayon ay lugmok na ang kompanya. Si Sky naman nawala na namang parang bula ang isang iyon ilang beses ko ng napapansin ang pagiging MIA niya dito sa Manila tsk.

Nagising ako sa ulirat ng mag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha na nasa ibabaw ng mesa ko. Napataas naman ang isang kilay ko ng mabasa ang pangalan ng tumatawag. Speaking of Langit, Siya ang tumatawag ngayon sakin.

" Anong kailangan mo, Langit?" Asik ko rito.

" Samahan mo ko magmall." Bakas ang pagkaburyo ng boses nito.

" I'm busy, Langit. Sila Vienna ang ayain mo." Sambit ko habang pinipirmahan ang isang papel.

" Ayoko! Panigurado isasama nun ang kambal niya. Ayoko maging baby sitter dzuh." Maarteng saad nito.

" Tsk! Ang arte mo Langit." Asik ko sa kanya.

" Bilisan mo na nandito na ak--- Wait." Naputol ang sasabihin nito na tila ba may nakita. " Parang nakita ko si Montero."

Natigilan naman ako pagkaarinig ko sa apelyido ng taong iyon. Napataas bigla ang kilay ko. Anong ginagawa niya sa mall ng ganitong oras? Napatingin ako sa orasan alas kwatro y medja palang ng hapon at hindi pa niya out para magpunta ng mall.

" Sigurado ka ba?" Paniniguro ko sa nakita niya.

" I'm not sure though but I think that's her and she's with another girl. Pumasok sila sa isang resto." Asik nito.

" Nasaang mall ka?" Tanong ko rito.

" Larqueza." Sambit nito.

Pagkasabi niya nun ay inend ko na ang call.
Agad akong napatayo mula sa swivel chair ko. Kinuha ko ang coat ko at mabilis na lumabas ng office ko. Hinabilin ko sa assistant ko na mag early out nalang siya mamaya dahil baka hindi na ako bumalik rito pagkatapos kong sugurin ang babaeng iyon.

Sa loob ng dalawang buwan na hindi kami nagkausap at nagkita malalaman ko pang pumunta siya ng mall at talagang gagawa na lang ng krimen eh sa teritoryo ko pa. Hunghang ka Montero! hunghang ka!

Mabilis na pinasibad ko ang sasakyan patungo sa Larqueza. Muli kong tinawagan si Langit kung saang floor siya. Agad akong sumakay ng escalator patungo sa sinasabi niyang palapag.

" Ulap!" Tawag ko rito.

" Ang haggard mo teh. Ayusin natin ang itsura bago ka sumugod." Asik nito at inayos ang buhok ko.

" Where the hell are they?" Napupuyos sa galit na sambit ko.

" Wait lang nga! mag ayos ka muna. Baka lalo kang ayawan ng Montero na iyon kung ganyan ang hitsura mo." Sambit nito habang pinapabanguhan ako nito.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon