Patch POV
Magandang ngiti niya ang bumungad sa umaga ko. Agad ko siyang niyakap at binigyan ng halik sa ulo. Sobrang namiss ko ang babaeng ito lalo na Ang amoy nitong hinding Hindi ko pagsasawaan.
" Di naman halatang sobrang miss mo ko." Sambit nito na tila may pagyayabang ang tono.
Itinulak ko siya ng bahagya dahil sa kahanginan niya. Inirapan ko ito ng makita ko ang nakakaasar na ngisi sa mukha nito.
" Tsk. Ewan ko ba naman sa baby ko bakit amoy mo pa yung gusto." Asik ko at inirapan siya.
Syempre di ako aamin na sobrang namiss ko nga siya baka lumaki pa ang ulo at ipabillboard niya pa yang kayabangan niya.
" Ayaw pang aminin na sobrang namiss ako." Ngising sambit nito at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya.
Umunan ako sa bandang dibdib nito at niyakap siya ng mahigpit. Di nalang ako sumagot. Ramdam naman na niya kung gaano ko siya kamiss ayoko lang talagang sabihin.
Ilang minuto pa ang tinagal namin bago kami tuluyang bumangon at kumain ng umagahan. Nag aasikaso na rin si Aikee sa pagpasok sa opisina. Ilang buwan na siyang nasa company namin at marami na rin daw siyang natutunan kung paano maghandle ng isang company at dahil yun sa tulong ng pinsan ko.
" Alis na ako, mommy Patch. Aagahan kong umuwi mamaya para sabay na tayong kumain ng dinner. Wag ka na magluto magtetake out nalang ako." Bilin nito bago ako dinampian ng halik sa labi.
Nakangiting sinundan ko nalang ng tingin si Aikee sa paglabas nito ng unit ko. Kung may nakakakita man sakin paniguradong sasabihin na sobrang inlove ako sa taong yon. Wala eh hulog na hulog na talaga ako sa kanya.
Napalingon ako sa cellphone ko na tumunog sa ibabaw ng center table ko rito sa sala. Agad na kinuha ko ito upang tignan ang notification ko. Isang mensahe na naman mula sa unknown number.
Unknown
+63**********Di na ako makapaghintay na makita kang muli, Ryleigh. Mapapasakin ka rin.
Nabitawan ko ang cellphone ko pagkabasa ko ng mensahe na iyon. Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Naalala ko ang text nito sakin kagabi. Ryleigh ang tinawag sakin nito at iisang tao lang ang kilala kong Tumatawang sakin nun.
Napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Hindi maaari toh ayoko ng maulit pa ang nakaraang kinalimutan ko na. Natatakot ako sa pagbabalik ng taong dahilan ng lahat.
" HOY PATCHING!" Gulat na napalingon ako sa gawi ni Sky na nasa tabi ko na pala ng di ko man lang namalayan.
" B-bakit?" Tila lutang na sambit ko.
" Kanina pa kita tinatawag dyan napaka bingi mo naman." Asik nito.
Iwinaksi ko nalang ang iniisip ko at tinignan si Sky. May dala itong cake at milktea na ngayon ay nasa center table.
" Para kang ewan Patching, May problema ka ba?" Kunot noong tanong nito sakin.
" Wala nag iisip lang ako ng.....ipapangalan kay baby." Pagpapalusot ko.
" Ahh I see. Eh ano bang gender ng baby niyo?" muling tanong nito habang may lamang cake ang bunganga nito.
" Di pa namin alam di pa kami nagpupunta sa OB eh." Sagot ko at kumuha na rin ng cake.
" Sabagay mas maganda kung sa paglabas nalang ng baby niyo malalaman kung anong gender niya." Suhestyon ni Sky.
Napaisip naman ako sa sinabi nito. Magandang idea nga yon para naman mas lalo kaming maexcite ni Aikee pagkalabas ng baby namin.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...