Patch POV
Nalipat sa kanya ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Seryoso itong nakatanaw sa city lights kung saan ako nakatingin kanina. Walang mababakas na pinagloloko niya ako.
Ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Parang nagkaron bigla ng karera sa loob ko dahil sa sinabi niya.
Di ko maggawang ibuka ang bibig ko dahil parang biglang nawala ang kakayahan kong magsalita.
" Uy Larqueza nabingi ka na ba? Andami dami kong sinasabi pero wala kang imik dyan." Tila naggising ako sa pagkatulala ng marinig ko ang sinabi nito.
Di ko na pala namamalayan na andami na nitong sinasabi. Tinungga ko yung hawak kong beer in can upang ihanda yung sarili kong magsalita para kasing may nakabara sa lalamunan ko.
" May iniisip lang." Palusot ko at inalis ang tingin sa kanya.
" Iniisip mo na naman ba yung fiancé mo kuno?" Nakataas ang isang kilay nito.
" No, not her." Sagot ko sa kanya.
" So, sinong iniisip mo? Ako ba? Ano ba naman yan mommy Patch magkasama na nga tayo iniisip mo pa ako." Mahanging sambit nito.
" Asa ka naman Montero." Asik ko sa kanya at inirapan siya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin at tila nawala na rin yung kaba sa dibdib ko habang tumatagal. Mukhang nagulat lang ako sa sinabi nito kanina kaya ganun kabilis ang kabog ng dibdib ko.
Lumipas ang ilang minuto tila ramdam ko na lasing na ako. Umiikot na ang paligid ko at hindi ko na rin maintidihan pa ang sinasabi ni Montero tungkol sa kinukwento nito. Naramdaman ko nallang ang pagbagsak ng katawan ko sa kanya at binalot na rin ng kadiliman ang paningin ko.
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_
Ramdam ko ang pag angat ko at ang braso ng taong bumubuhat sakin. Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko na talaga kaya. Pinakiramdaman ko na lamang ang kaluskos ng taong may buhat sakin.
" You gain weight." Reklamo ni Montero na siya palang may buhat sakin.
Napaungol ako ng tumama ang paa ko sa isang bagay. Kasunod nito ang malakas na pagkabasag ng kung ano.
" Ah shit!" Gulat na sambit ni Montero.
Ramdam ko ang pag-ikot nito upang silipin siguro kung ano yung bagay na nabasag. Ngunit sa pag ikot naman nito ay tumama ang ulo ko. Ang sakit kaya napadilat ako at bumungad sakin ang mukha ni Montero.
" Ang sakit nun!" Inis na turan ko habang sapo ang ulo ko.
" Ow! Sorry di ko sinasadya." May pag aalalang sambit nito.
Nagpupumiglas ako sa pagkarga niya kaya ibinaba na ako nito. Muntik pa akong matumba dahil sa hilong nararamdaman ko pero buti naibalanse ko agad ang sarili ko.
"Dahan dahan muntik ka pa matumba." Sambit nito at hinawakan ang braso ko.
" Kapag ako nagkabukol bukas humanda ka sakin." Banta ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
" Di ko naman sinasadya eh. Patingin nga masakit pa ba?" Nag aalalang sambit nito at hinawakan ang ulo kong nauntog kanina.
" Medyo." Sagot ko sa kanya.
Napalibot ako ng tingin sa paligid namin. Nasa sala kami ng isang bahay, I guess? Medyo madilim kasi ang paligid dahil patay ang mga ilaw pero naaaninagan ko pa rin ang mga sofa.
" We're in my secret place." Sagot nito na tila ba nalaman nito ang taning sa isipan ko.
" Sana ol." Lasing na turan ko at tatawa tawa pa.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romansa[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...