CHAPTER FIVE: EPAL

574 25 3
                                    

Patch POV

A week had passed na wala man lang akong narinig na kahit anong ganap kay Jani. Talagang iiniwasan na niya ako. Ilang beses ko siyang tinawagan at chinat sa lahat ng socmed niya ngunit ni tuldok ay wala man lang siyang reply sakin.

Napabuntong hininga na lamang ako. Ganun na ba siya nandidiri sakin? I know kasalanan ko naman na nilihim ko sa kanya yung feelings ko pero alam ko naman kasi na ganito rin ang mangyayare kung sakaling umamin ako nuon sa kanya eh. May magbabago ba kung naging honest ako sa kanya? Wala naman diba.

" Lalim ng pinaghuhugutan mo ha." Rinig kong turan ng taong bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

Napairap ako sa kanya dahil sa nakakaasar na ngiting nakapaskil sa mukha niya.

" Tsk!" Asik ko sa kanya at iniwan siya dun.

Sa tagal kong nakatira dito sa condo ko ngayon ko lang nalaman na meron din palang unit ang isang toh rito. Simula ng malaman niyang taga rito rin ako at sa tuwing nakikita o nagkakasalubong kami di talaga siya tumitigil na asarin ako.

" Wait up!" Tawag nito sakin ngunit hindi ko ito pinansin.

Naiirita ako sa pagmumukha ng babaeng yon. Wala ng araw na hindi sira ang araw ko dahil sa nakakasurang pagmumukha niya. Sawang sawa na ako na makita ang ngisi niya. Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko lang yung nangyare sa parking lot.

" Hey! I said wait." Habol nito sakin.

Hinawakan nito ang braso ko para patigilin sa paglalakad. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago siya samaan ng tingin. Mabilis na binitawan naman niya ito.

" What do you want?" Walang kagana ganang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo ko ng makita ang kakaibang ngiti sa mukha nito. May hindi na naman magandang lalabas sa bibig ng babaeng toh.

" I want you." Biglang seryosong sambit nito. Muli ay inirapan ko siya dahil sa kagaguhan niya. " To buy me yumburger and fries." Saka ito nagtaas baba ng kilay niya.

Sinupalpal ng palad ko ang mukha niya. Ang kapal ng mukha niyang magpabili sakin. Ano niya ako utusan? As far as I remember ako ang boss rito sa company kaya wala siyang karapatan na utusan ako.

" Buy it for yourself, Freak." Seryosong sambit ko at nilagpasan siya.

" Buy it for me please, mommy Patch." Pagpupumilit nito matapos akong habulin ulit.

Napatigil akong muli at hinarap siya. Napamaang ako dahil sa tinawag niya sakin. Mommy? Kelan pa ako nagkaron ng anak na katulad niya?

" Am I look like a mom to you?" Asik ko at nag crossed arms habang nakataas ang isang kilay.

" Yup!" Tila nang aasar na turan nito sakin. " Mom of my future daughter." Muli ay ngumiti ito ng nakakaloko sakin.

" Mukha ba akong nakikipag biruan sayo ha Aikee Montero?" Cold na sambit ko.

Napaayos ito ng tayo marahil naramdaman niya ang panganib sa boses ko. Isang linggo na akong nagtitimpi sa mga pang aasar niya. Punong puno na ako gusto ko ng sumabog sa galit sa kanya.

Unti unti akong lumapit sa kanya hanggang sa mapasandal siya sa pader. Gusto kong tawanan ang itsura niya ngayon dahil napa epic. Halatang nanibago siya sakin dahil ngayon niya lang nakita na ganito ako.

" Stay away from me bitch. " Bulong ko sa tenga niya.

Naramdaman ko nahigit nito ang hininga niya ng tumama ang labi ko sa tenga niya. Napangisi ako bago lumayo sa kanya. Naglakad ako patungo sa sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon